Kinakabahan niyang itinulak ang pinto nila. Umaasa na bukas pa iyon, at sa kanyang sorpresa bukas iyon. Mas lalo siyang kinabahan, bumabalik ang nakaraan niyang ayaw na niyang alalahanin pa. Dahan dahan siyang pumasok, isinara ang pinto at saka nilingon ang bahay nila.
Gaya ng dati, walang ilaw sa loob ng bahay nila, nakabukas lang ng bahagya ang pinto papasok sa salas nila.
*tap *tap *tap ito ang maririnig mo na nagmumula sa pagtulo ng tubig na nanggagaling sa gripo sa labas ng bahay nila. Isinara niya ito.
Dahan dahan niyang binuksan ang kanilang pinto, binuksan niya ang ilaw at tumambad sa kanya ang magulo nilang sala.
Nagkalat sa paligid ang mga gamit, basag ang plorera at mga pinggan, nalaglag din ang nag-iisang family picture nila. Pinulot niya iyon at muling isinabit, nilinis ang nagkalat na piraso ng mga nabasag na pinggan at plorera, pinunasan ang nabasang sahig saka nagwalis.
"*hik" Nagulat siya sa tunog na iyon, siya lang mag-isa sa kanilang salas, tahimik kaya't konting tunog lang ay maririnig mo na.
"Hik!" At muli narinig nanaman niya ito.
"Hik!" pinakinggan niyang mabuti kung saan ito nanggagaling.
"Hik!" Napagtanto niyang sa kusina nila ito nagmumula. Binitawan niya ang hawak na walis, inilapag ito sa isang tabi, at dahan dahang sumilip sa kanilang kusina. Kinapa niya ang switch ng kanilang ilaw saka ito pinindot.
"Ma?!" Nasorpresa siya sa nakita, nakayuko ang kanyang ina sa lamesa nila, may hawak itong alak at gaya sa kanilang salas, magulo rin ang paligid ng kanilang kusina.
"Ma!" Lumapit siya sa ina at inalalayan ito upang maka-upo ng maayos.
"Ma! Bakit naman po kayo nag-inom? Alam niyo namang bawal sa sa'yo 'yan 'di ba!"
"Lorey, *hik andito ka na fala *hik halika *hik shamahan mo 'ko inom tayoh *hik" Namumumla na ang kaniyang ina dahil sa kalasingan. Ngunit mababakas mo pa rin sa mukha nito ang pasang natamo dahil sa pakikipag-away sa asawa.
"Ma naman, alam mo namang 'di ako umiinom 'di ba kayo nga nagsabi sa akin na 'wag uminom tapos kayo 'tong umiinom! Akin na nga 'yan!" saka kinuha ang basong hawak at ang alak na halos hindi pa nababawasan.
"Alam niyo namang hindi kayo malakas sa inuman eh! Tingnan niyo, lasing na kayo! Eh tatlong shot nga lang tumba na kayo tapos ngayon--naku Ma! Ilang shot ba 'tong nagawa niyo?!" Namomroblemang tinanong niya ang kanyang Ina.
"*hik di pakho lasheng *hik akin na Lorey ibalik *hik mo shakin yan! *hik" Inaagaw ng kanyang ina ang alak na hawak hawak.
"Ma, lasing ka na! Tama na Ma! Kapag di ka tumigil, tatawagin ko si kuya Ken" pagbabanta niya.
Ito ang laging sinasabi niya sa Ina sa tuwing maglalasing ito. Naglalasing lang ang kanyang Ina kapag hindi na nito kinakaya ang bigat ng dibdib dahil sa asawang laging galit, ngunit minsan lang mangyari iyon dahil palagi siyang nasa tabi ng kaniyang Ina para alalayan at samahan ito. Ngayon lang ulit ito nangyari dahil wala siya kanina.
"Ken?" diretsong sabi nito na parang nawala ang kalasingan.
"*sniff! Lorie si Ken *sniff! miss na miss ko na siya *sniff." Nagsimula itong umiyak, naiiyak na rin siya ng maalala ang kapatid, ngunit para pigilan ito'y pumunta siya sa lababo nila, at doon inilapag ang basong hawak saka doon tinapon ang alak na nasa bote.
"Anak *sniff gusto mo ba makarinig ng kwento?"
"Opo naman!"
"Halika, umupo ka rito" Sinunod niya ang ina at nakangiting umupo sa tabi nito. Nakaharap siya sa ina kahit na magkatabi sila. Pinunasan muna ng kaniyang Ina ang luhang nakatakas mula sa kaniyang mga mata, umayos ito ng upo saka lumingon para makaharap siya.
"Tungkol ito sa'yo" Panimula niya. Nabigla si Emi sa narinig kaya ang kanina nakangiti niyang mukha'y naging seryoso.
-----------------------------------------------
Date Updated: Apr. 8, '15
Ano nga kayang istorya yun noh? hmmm...
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Non-FictionPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...