Broken 34

405 8 0
                                        

"Siguro? Ewan...Hindi ko alam"

"Milhae sabihin mo na lang kung ano naramdaman mo kanina?"

"H-hindi ko rin alam eh basta na lang bigla ako nakaramdam ng kirot sa dibdib ko"

"Milhae, nagseselos ka nga! Hahahah! Effective pala yung ginawa ko! Hahahah!" sabi ni Ami na pumapalakpak pa.

"Ha? H-hindi ah! Hindi ako nagseselos!"

"Nagseselos ka girl! Hahaha! Nasa in-denial stage ka pa, oo mahal mo siya pero hindi mo pa alam kung pagmamahal nga ba 'yang nararamdaman mo tama ba?"

"O-oo...pero hindi ko siya mahal ha!"

"Iihh! Tinatanggi mo na naman!"

Napa-ngiti  na lang si Emi sa tinuturan ng kaibigan.

"Hahaha! 'Wag mo na isipin yung nangyari kanina kasi sinadya ko talaga 'yun para pagselosin ka oh 'di ba effective! At least now, na-realize mo na na mahal mo rin siya 'wag ka rin mag-alala kasi ikaw lang naman ang mahal ni Jack eh! Mula pagkabata hanggang ngayon ikaw lang ang nasa puso niya, ikaw lang ang mahal niya. Alam mo naiinggit nga ako sa'yo eh! Kasi ikaw, may Jack ka na nandiyan para mahalin ka, kaya kung ako sa'yo, sasagutin ko na si Jack! Minsan ka lang makakahanap ng katulad ni Jack! Lalo na sa panahon natin ngayon? Kaya kung ako sa'yo Milhae i-g-grab ko na 'yan si Jack, hindi ko na siya pakakawalan" tuloy-tuloy na sabi ni Ami.

"Ami"

"Yes?"

"Paano mo ba masasabi na mahal mo na ang isang tao?" tanong ni Emi habang nakatingin sa kawalan.

"Madali lang Milhae, ganito ehem! Ehem! Kapag wala siya, iniisip mo siya, gusto mo siya makita tapos hahanap-hanapin mo rin yung boses niya. Pero kapag kaharap mo na siya, hindi mo na magawang magsalita, tapos parang maiinis ka sa kaniya kahit na gustong-gusto mo siya makasama. Hindi ka makahinga kapag katabi mo siya, yung tipong wala ka malanghap na oxygen? Tapos kapag palapit siya feeling mo bumabagal ang oras tapos yung puso mo nagwawala sa loob mo, kapag nagtama naman ang mga balat niyo pakiramdam mo nakukuryente ka, para sa mga mata mo siya lang ang pinaka gwapo, siya lang ang perpekto, kapag magkasama kayo feeling mo lumilipad ka, hindi mo siya magawang tingnan ng matagal kasi kapag ginawa mo nag-iinit ang mukha mo. Gusto mo maganda ka palagi para mapansin ka niya, at kahit pa maingay ang paligid mangingibabaw at mangingibabaw ang boses niya sa pandinig mo, tapos..." sabi ni Ami na ramdam na ramdam ang bawat sinasabi.

"Tapos minsan makikita mo na lang ang sarili mo na gumagawa ng tula para sa kaniya, hindi mo rin napapansin na sa mga plano mo kasama na pala siya, minsan ini-imagine mo na kasama mo siya at pareho kayong masaya. You plus him, is a perfect blending..." dugtong niya pa habang si Emi nama'y mataman at seryosong nakikinig sa bawat salitang binibitawan ng kaibigan.

"Tapos sinusulat mo ang mga pangalan niyo sa isang papel para malaman kung Friends lang ba kayo, Lovers, Angry,..."

"Ahh Ami.." pagputol ni Emi sa sinasabi ng kaibigan na may pagtataka.

"Married, Enemy or..."

"Ami!"

"Sweet yes Milhae?"

"Eehh...iba na kasi yang sinasabi mo hahaha!"

"Ha? Ay! Oo nga noh! Hahaha! Sorry sorry"

***

"Oh ngayon Milhae hindi ka na maguguluhan sa nararamdaman mo ha"

Palabas na sila ng bahay ni Ami dahil balak na umuwi ni Emi.

"Oo, sige Ami salamat ha"

Nasa labas na sila nang may matanaw si Ami.

"Milhae 'di ba bahay ni'yo yung pinagkakaguluhan dun?" tanong ni Ami na may kasamang pag-nguso sa direksyon ng bahay nila Emi.

Tumingin naman si Emi sa tinuro ng kaibigan, nagulat na lang siya ng mapagtanto ang sinabi ni Ami. Agad siyang tumakbo papunta sa bahay nila, sumunod naman si Ami sa kan'ya.

"Excuse me, excuse me" sabi niya sa mga taong nakikiusyoso sa bahay nila.

"PA TAMA NA!!" sigaw niya nang makitang binubugbog ng naka-inom niyang Ama ang Inang nakahiga na sa sahig habang sinisipa.

Agad siyang pumunta sa Ina para proteksyonan ito. Dahil sa ginawa niyang 'yun, siya ang nasipa ng kaniyang Ama.

"Andito ka na palang bwisit na bata ka!!" hinila nito ang buhok niya saka kinaladkad papunta sa baldeng may lamang tubig na ginagamit ng kanyang Ina para pandilig.

"Tabi! Tabi!" sabi naman ni Ami na kakarating lang.

Napatakip siya sa bibig niya nang makita ang  tinatamasa ng kaibigan.

"Ano ba! Mga chismoso talaga kayong kapit-bahay! Alis nga! Sa halip na tumulong nanonood lang kayo! Mga wala kayong kwenta!!" galit na sabi niya habang tinataboy ang mga kapit-bahay na walang ibang ginawa kundi tumunganga.

"LORIE! Tama na! Huwag mo siya saktan! *sniff! Ako na lang! AKO NA LANG!" sabi ng ni Mrs. Laura habang hinihila sa braso ang asawa. Marahas siyang tinulak nito, at dahil wala na siya halos lakas, agad siyang natumba.

"Dapat lang sa bata na 'to ang mamatay!!" sabi ng kaniyang Ama habang nilulublob ang ulo ni Emi sa balde.

"GUAHH!! *cough! Cough! Cough! *sniff Pa... *cough! Ma- -*cough maawa ka po *cough!" garalgal na sabi niya  na may kasamang pagmamakaawa.

"Maawa? Hahaaaha! WALA AKONG AWA!" sigaw nito saka siya nilublob ulit sa balde.

—————————————————

AN:

Waahhh! Kwawa si Emi! T.T bakit ko ba siya pinapahirapn ng ganto? XD

Anyways,,

DW: 06-5&6-15

Pls. do read my other stories: ▫Premonitions
▫So Close yet So Far
▫Liham Pag-ibig
▫Reflection: Everything Has Changed
▫My Mysterious Guardian
▫Enigmatic Love (On-going Book 2)
▫Give Me Reasons to Live (On-going/Interactive)
And
▫A Letter to my Dad

Date Updated: June 8,2015-Dahil b-day ng aking sistah para ito sa kanya XD

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon