Lumabas ng bahay nila si Jack, dala ng sobrang pag-aalala niya kay Emi.
Nasa tapat na siya ng pinto ng bahay nila Emi. Akmang kakatok na siya nang biglang bumukas ang pinto. Kasabay nito ang paglabas ng tumatakbong si Emi. Nakayuko ito at nahaharangan ang mukha ng nakalugay na buhok. Kaya hindi niya malaman kung ano ba ang kasalukuyang itsura ni Emi.
"EMI!!!"
Tinawag niya si Emi, ngunit hindi ito tumigil sa pagtakbo. Kaya naman hinabol niya si Emi.
Sa paghabol niya kay Emi, nakita niya ang bagay na tinapon niya kanina kaya naman pinulot niya iyon at ibinulsa. At saka pinagpatuloy ang paghabol kay Emi.
Sobrang pag-aalala ang laman ng puso ni Jack kay Emi. Bumibilis ang tibok ng kaniyang puso, lalo na nang maabutan niya si Emi.
Hinawakan niya ito sa braso, mabilis parin ang tibok ng kaniyang puso.
"Emi" tawag niyang muli. Hinihingal siya dahil sa pagtakbo.
Nasa tapat na sila ngayon ng isang parke kung saan sila naglalaro noong mga bata pa sila.
"Emi" sa huling pagkakatao'y muling tinawag ni Jack si Emi, isang mahinahon na pagtawag habang hawak pa rin ang braso ni Emi.
Dahil dito'y hinarap na ni Emi si Jack. Dahilan para mapabitaw sa paghawak sa kaniya si Jack.
Umiiyak ito na siyang ikinagulat ni Jack, kaya naman agad niyang niyakap si Emi.
"Kasalanan ko, KASALANAN KO JACK!" Tumatangis si Emi habang sinasabi ang mga katagang ito. Patuloy ang pag-agos ng kanyang luha. Hinawakan niya ang t-shirt ni Jack ng mahigpit at sa dibdib niya'y ibinaon niya ang kaniyang mukha.
"Wala kang kasala-"
"Hindi! (sob), Kasalanan ko Jack! It's all my fault kung bakit umiiyak ang mom ko, kung bakit palagi silang nag-aaway(sob), kung bakit hindi sila maging masaya! Kasalanan ko kung bakit hindi sila naghihiwalay, kasalanan ko!
AKO, ako ang naging barrier kung bakit hindi sila maging masaya pareho. Dahil sa akin kung bakit 'di nila makuha ang happiness nila! AKO JACK! AKO ANG DAHILAN!"
Hindi malaman ni Jack kung anong gagawin, kaya hinigpitan pa niya lalo ang pagyakap kay Emi, nasasaktan siyang makitang umiiyak si Emi. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at tahimik na pinakinggan ang dalaga.
"Wala akong kwenta! ALL THIS TIME, ako ang puno't dulo ng pag-aaway nila, pero wala akong magawa Jack! WALA! (sob).
"Pls. Emi, don't blame yourself, wala kang kasalanan sa lahat ng 'to!" Gusto itong sabihin ni Jack kay Emi, pero hindi niya magawa sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Akala ko noon (sob) normal lang 'yon sa mag-asawa, ang mag-away. Pero hindi pala (sob) kasi Jack, bata pa lang ako (sob) ganun na sila eh! Namatay si kuya dahil sa pag-aaway nila (sob). Pero Jack, bakit? (sob) bakit hindi sila tumigil? Dahil sa akin? BAKIT NILA AKO GINAGAWANG DAHILAN!? (sob), dahil AYAW nilang lumaki ako na walang magulang?! Eh si Kuya?! Paano si kuya?! Sabihin mo (sob) BAKIT!! (sob)"
"Dahil mahal ka nila" seryosong sabi ni Jack.
Dahilan para mapatingin si Emi kay Jack. Inalis ni Jack ang ilang buhok na nasa mukha ni Emi. Pinunasan ang kaniyang luha habang sinasabing...
"Mahal ka nila kaya ayaw ka nilang lumaki na walang magulang =)"
"Mahal ka nila, gaya ng pagmamahal ko sa'yo...hindi, mas mahal ka nila . Parent's love can never be surpassed by anyone"
Nakangiti siya habang sinasabi ito kay Emi. Hoping na mapapagaan niya ang kalooban ni Emi.
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Non-FictionPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...