Broken 21

464 13 1
                                    

"Ready na kaya si Milhae? Siguro naman, 6:40 na eh" pagkumbinsi ni Ami sa sarili matapos tingnan ang relos.

Nasa tapat na siya ng bahay nila Emi nang may maisip siya.

"Sino kaya magbubukas sa akin? Hihi! Siguro si Auntie, o si Milhae? Haha! Bahala na kahit sino sa kanila gugulatin ko siya! HAHAHA! Sigurado akong magugulat siya sa gagawin ko"

Nakangising sabi niya, pinindot na niya ang doorbell, hinawakan niya ang strap ng kaniyang backpack at inihanda ang sarili para sa binabalak gawin na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kan'yang mukha.

Dingdong!

Narinig na niya ang pagyapak ng kung sinoman ang nasa likod ng gate na 'yun.

"Hmm...mukhang si Auntie yun ah" sabi niya sa sarili nang marinig ang pagyapak.

Medyo yumuko siya, binubuksan na ngayon ng kung sinoman ang gate, kaya tinanggal niya na ang pagkakahawak sa strap ng bag at naghanda sa gagawin.

Umalingasaw sa pandinig niya ang langitngit ng pintuang bakal na binubuksan, sa tunog pa lang nito'y mahahakata mo na na hindi ito gaano nalalangisan.

Pagkabukas na pagkabukas ng gate ay agad niyang sinunggaban ng yakap si Mrs. Laura na pinaniniwalaan niyang nagbukas nito. Ipinikit niya pa ang kan'yang mga mata para mas maramdaman ang pagyakap dito.

"AUNTIEEE!! >^<"

Hindi gumalaw ang niyakap niya na si Mrs. Laura (sa pagkakaalam niya) kaya naman pinagpatuloy lang niya ang pagyakap dito.

"Bakit parang tumangkad si Auntie? Tapos parang naging maskulado siya? Wala naman si Uncle ng mga ganitong oras ah? " nagtatakang sabi niya sa sarili.

"Ah ewan! Bahala na! Ang mahalaga na-sorpresa ko si Auntie! Wahahah!"

"Ami?" boses ito ng isang babaeng medyo malayo sa kan'ya, hindi niya makita kung sino ito dahil nga nakapikit siya.

"Yes Auntie!" energetic niyang sagot at naka-ngiti pa.

"Andito ako iha" nawala ang ngiti sa mukha ni Ami, dahan-dahan niyang idinilat ang mata at nakita niya si Mrs. Laura na nakatayo sa di kalayuan sa kanila, sa gilid nito, nakita niya si Emi na nakahawak sa dibdib at nanlalaki ang mata.

"K-kung nandun si Auntie at si Milhae...s-sino 'tong kayakap ko?!!" *lunok

Namumutla na siya't kinakabahan na natatakot.

Bigla siyang hinawakan sa ulo ng kayakap niya kaya naman dahan-dahan niyang ini-angat ang namumutlang mukha upang makita ang niyayakap niya.

"Hi Ami!" nakangiting bati ni Jack sa kan'ya.

"AAHHH!!!" sigaw pa niya at nandidiring tinanggal ang pagkakayakap kay Jack.

"YUCK! YUCK! YUCK! Bakit ka nandito!" pagduro niya kay Jack.

"YUUCCKK! KADIRI TALAGA!!! EEWWW!!! HUHUHU!"

Pinapagpagan niya pa ang sarili at parang naiiyak pa.

Habang si Mrs. Laura naman ay pasimpleng tumatawa sa isang tabi.

"Aba't ikaw pa ang may karapatang mandiri?! Ako na nga 'tong niyakap mo!" sabi sa kanya ni Jack na dinidipensahan ang sarili.

"Hmp! Kung alam mo lang sarap na sarap ka pa nga sa pagkakayakap sa akin! Nakapikit ka pa!" mapang-asar na sabi niya pa na may kasamang pagtawa.

"CHE! BASTOS KA! SINAMANTALA MO ANG KAINOSENTIHAN KO! YUUCCKK!!" sigaw niya pa rito.

"AT ANONG SARAP NA SARAP? KADIRI KA TALAGA!!! YUUCCKK! KADIRI! KADIRI! KADIRI!" sigaw niya pa rito sabay pagpag ulit.

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon