Nagising si Emi sa sikat ng araw na tumama sa mukha niya. Idinilat niya ang mata ngunit mas lalo lang siya nasilaw, kaya hinarangan niya ang mukha gamit ang kamay saka bumangon.
"Teka, pano ako napunta sa higaan ko? Sa pagkakaalam ko...ahhhh! Oo nga pala bumangon nga pala ako kanina! Aray!"
Sabay hawak sa nananakit niyang likod, nag-unat muna siya bago tuluyang tumayo.
Lumapit siya sa bedside/study table niya at kinuha ang kaniyang cellphone upang matingnan kung anong oras na.
5:53 a.m
Nakita niyang may message icon sa notifications niya kaya binuksan niya iyon.
From: My Twin Ami
Received: 5:12 A.M, Oct. 17"Twinny! sby tyo, but dis tym aq ppnta senyo ok? dpt pgdting q ready 2 go ka na ha! "
To: My Twin Ami
Gud morning sis! SLR.,kgcng q lng kc, wat tym ka ppnta?
.....message sent!
*kling! (AN: ringtone niya po yan)
From: My Twin Ami
Received: 5:54 A.M,Oct. 17"Nakunaku! Ano nnman ba ang pngpytan mo ha?! Alas-sais na oh tsktsk!"
To: My Twin Ami
"Hindi ako ngpuyat, tinanghali lng talga ako ng gisng haha! Tska, 5:54 plng kya! :-P "
...message sent!
From: My Twin Ami
Received: 5:54 A.M,Oct. 17"Six nrn un! Palusot pa ei! Hahahah! XD cge na mgready kna basta b4 7 pupntahn na kta mgllkd pa tyo ei bilisan mo ha!"
To: My Twin Ami:
"Oo npo madam! Magrredi npo,cge bye na c ya l8ter txt ka kpg ppnta kna ha"
...message sent!Medyo nagtagal bago mag-reply ulit si Ami kaya inayos niya na muna ang higaan niya,kasalukuyang tinutupi niya ang kumot niya nang magtext muli si Ami.
From: My Twin Ami
Received: 5:56 A.M"Ayoko nga :-P bsta issurprise nlng kta kya dpt redi ka c ya lAter Twin! <3"
Matapos niya iyon mabasa ay hindi na siya muling nag-reply pa, pinagpatuloy na lang niya ang pag-aayos ng higaan niya. Inilagay niya sa ibabaw ng unan ang nakatuping kumot, iniunat ang sapin ng higaan gamit ang palad saka kinuha ang kaniyang stufftoy na si Mr. Bunny at niyakap iyon.
"Good morning kuya Ken" nakangiti niyang sabi habang yakap-yakap pa rin ang stufftoy.
Naaalala na naman niya ang kapatid, ngunit para mapigilan ang sarili, inilapag na lang niya ito ng maayos, nag-unat sandali at saka tumingin sa salamin.
Inobserbahan niya ng mabuti ang kanyang mukha, hindi na siya nagulat sa nakitang nangingitim na marka sa kaliwang parte ng kanyang pisngi. Nagbuntong hininga lang siya saka tuluyang lumabas ng kwarto at pumanhik pababa ng kanilang bahay. Hinahawakan niya ang pisnging may pasa, pinipindot-pindot ito ng dahan-dahan, sakto lang para hindi siya masaktan.
Ngunit nagulat siya, nang makitang may kung sinong lalaki ang naka-upo sa kanilang sofa. Nakatalikod ito,at masasabi mo na nakayuko ito na wari'y may tinitignan, kaya hindi niya masiguro kung sino ito.
BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
No FicciónPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...