Broken 28

359 9 0
                                    

"Bye Sir! Mami-miss po namin kayo" sabi ng isa sa mga kaklase nila habang pinagkukumpulan ang Prof nila sa may pinto.

"Ami, ito yung sa humanities ko oh" sabay abot nito kay Ami.

"Wow! Ang daming pictures!" manghang komento ni Emi.

"Syempre! Gawa ko yan eh! Maganda talaga 'yan" sabi nito na parang nagyayabang pero mahahalata mo na nagbibiro lang ito.

"Wala naman akong sinabing maganda ah!" sabi ni Emi na natatawa.

"Parehas lang 'yun!" sabi naman niya na may kasamang paghampas sa braso ni Emi.

"Hahaha! Ewan ko sa'yo Riez! Magkaiba kaya 'yun! As in! Sabihan mo na nga lang 'yang mga kaibigan mo tigilan na nila si Sir para makuha na rin namin 'yung activity nila, masakit yung hampas mo eh kaya sige na layas!" Sumunod naman siya, pero bago siya tuluyang makalayo, hinampas siya ni Ami sa balikat bilang pambawi sa kaibigan habang tumatawa, lumingon lang siya saka dumila at pumunta na sa mga kaibigan niya.

Naiwan naman si Ami't Emi doon na tumatawa.

"Milhae asan na yung iyo?" tanong ni Ami kay Emi habang inaayos ang mga bond papers na naglalaman ng mga litrato ng pamilya ng mga kaklase nila.

Tiningnan muna ni Emi ang hawak ni Ami, nawala ang kanina'y masayang ekspresyon saka sumagot.

"Aahhh...mamaya na lang ako, magkasama naman tayo magpapasa niyan eh" pagdadahilan niya na may kasamang pagturo sa papers na hawak ni Ami.

"Sige, mamaya na lang din yung akin." pagsang-ayon naman ni Ami.

"Guys, Miss is here" sabi ni Via nang makapasok sa room nila, kasunod niya ang prof nila.

"Hey! Hey! Students!" sabi ng Prof. nila pagkapasok na pagkapasok.

"Goodmorning, so wala na tayong gagawin, pahinga muna kayo, mag-a-attendance lang ako then we'll take a picture together! Yey! Whoo!" excited na sabi ng Prof nila.

"Miss, pwede po makausap sila?" pakiusap ng isang kaklase nila.

"Sige lang" cool na sabi naman ng Prof nila.

At nag-umpisa na magsalita ang nagprisinta. Pinag-usapan lang nila ang tungkol sa binabalak nilang outing, hindi nakikinig si Emi't Ami dahil hindi naman sila sasali.

"Oh sige settled na tayo ha?" sabi nito nang maisaayos na ang gagawin nilang outing.

"Okay na? Ano? Tara picture na tayo para makapagbreak na kayo" sabi ng Prof nila. At muli, kumuha ulit sila ng groufie, ngunit sa pagkakataong ito'y hindi na sila wacky. May pose na talaga silang ginawa.

***

"Bye guys! I'll surely miss you class, enjoy sa bakasyon ha, at mag-ingat sa gagawing outing" bilin ng Prof nila saka tuluyang umalis.

Nag-alisan din ang mga kaklase nila para mag-break.

"Milhae, tara baba tayo" pag-aya niya kay Emi.

Sasagot na sana si Emi nang biglang magsalita ang kaklase nila na kakapasok lang.

"Guys! guys! Wala daw si Miss! Early dismissal tayo!! Waahhh!!" excited na sigaw nito.

"Hey guys! Wait lang!" pagputol ni Ami.

"Sino pa 'di nagpapasa?" tanong niya habang nakataas ang kamay na hawak ang bond papers.

"Ay! Ay! Ami! Pwede ano... kasi ipapaprint ko pa yung akin eh, sarado na kasi computer shop sa amin kagabi eh wait mo 'ko puhlese!!" pakiusap ni Apple.

"Hala! Bilisan mo ha!"

"Oo oo!" sabi niya sabay hila kay Via.

"Milhae tara labas na tayo" pag-aya ni Ami at lumabas na nga sila.

"Ay Milhae! Yung activity mo pala!" gulat na sabi ni Ami nang maalala ang gawa nila.

"Ay oo nga pala!" kinuha naman ni Emi ang gawa niya saka ito binigay kay Ami.

"Ay teka! Wala pa palang pangalan!" pahabol na sabi ni Emi nang mapansing wala pa siyang nalalagay na pangalan sa sariling gawa, kaya hinablot niya ulit ang papel niya mula kay Ami.

Hinalungkat niya ang bag para makuha ang kaisa-isang bagong bili niyang bolpen, hindi niya ito mahanap, natataranta na siya nang biglang may sumulpot na bolpen sa mukha niya dahilan para matigil siya sa paghahanap.

Napa-angat ang ulo niya upang makita kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na may hawak na bolpen.

"Jack?!" gulat na sabi niya nang makita ang nakangiting mukha ni Jack.

————————————————

AN:

DW:18M¥15

Haroo! sorry for the late update busy eh wala ng time. Wat do you think sa school scene? relate ba? naranasan niyo na ba 'yun? :) typical scenery lang naman 'yang mga yan eh.

Date Updated: May 23,2015

Anyways, what do you think? comment mo lang ha, feel free to type something on the comment box libre naman yan eh hehe! And also happy 254 reads, and 33 votes! clap!clap! yey! achievement yan! thanks sa inyong lahat! muah!muah! <3<3

Love Lots~!

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon