Broken 39

806 15 1
                                    

"Nalilito ako"

Jack's POV (AN: perstaym itu!! >.<)

Natatakot ako.

Oo, alam ko na may pagtingin din sa akin si Emi, nasabi kasi sa akin ni Ami yung tungkol sa pag-amin ni Emi sa kan'ya. Alam ko naman eh, ramdam ko na gusto niya rin ako. Ang kinatatakutan ko, ay kung sa oras ba na tanungin ko siya if she can give me a chance, pahintulutan niya kaya?

Paano kung hindi? Mananatili na lang kaming ganito? Friends? I don't think I can. Yes, sapat na sa akin ang maging kaibigan lang, ang hindi ko kaya ay ang makita siyang nahihirapan, at wala ako para pagaanin ang loob niya.

Nalilito ako.

Oo nalilito ako, nalilito ako sa pinapakita niya. May times na okay kami, na pinaparamdam niyang mahalaga ako sa kaniya, pero bigla na lang magagalit siya, iiwas siya, pagtatabuyan niya ako. Nakakalito ang actions niya.

"Jack, tinanong last time sa akin ni Ami 'what is broken' I think I know the answer"

Naglalakad na kami pauwi ngayon. Kaming dalawa lang. 6:00 na pala, ang tagal pala namin sa mall, nag-ikot pa kasi kami saglit, sinundan lang naman namin si Ami, kaya lang nahuli kami kaya dali-dali kaming tumakbo. Hawak ko siya sa kamay, nagtatawanan kami habang tinatakasan si Ami.

Nang mga oras na 'yun, pakiramdam ko she's willing to let me in to her life.

Tahimik lang kaming naglalakad nang basagin niya ang katahimikang iyon.

"Talaga?! Ano nga ba?" sabi ko, gusto ko rin malaman kung ano nga ba 'yun.

"My life" sabi niya habang nakatingin sa baba.

"My life is broken. Yes, I don't have a broken family like Ami, but it feels like my family is completely broken.

Nor I do have a broken heart like Ami once was, but my heart hurts like a broken hearted."

"Then let me fix it" desidido kong sabi.

Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya, pero hindi niya ako hinarap kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.

"Please Emi, give me a chance to fix what's broken. Let me prove how much I love you"

"No need Jack" she said then face me.

"Because I already felt it"

Now Playing: Silent Sanctuary - Sa'yo

Minsan oo, minsan hindi
Minsan tama, minsan mali
Umaabante, umaatras
Kilos mong namimintas

"The thing is, I'm scared" basag na ang boses niya nang sabihin niya 'to.

Kung tunay nga ang pag-ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo

"Scared to be broken like my Mom, I'm scared to love, scared to take risk, scared to show my feelings"

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya, kaya bilang instinct na siguro, niyakap ko siya. Yun lang naman ang kaya ko gawin eh...

Ang yakapin siya.

"I'm scared that I can't love you back the way you love me ever since you met me" she's crying....again.

Tumingin sa 'king mata

"Don't be" sabi ko, then I lessen my grip on her to look at her beautiful-but now watery-eyes.

Magtapat ng nadarama

"Please Emi don't be scared to love me back, I love you. I don't want to see you sad. I don't want to see you cry..." pinunasan ko ang luha niya.

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon