AN:
Hi po! :-) gusto ko lang mag Thank You sa aking very supportive,very beautiful,very kind,very cute,very smart bestfriend CARLY! (@stephan_2) thanks sa pagbabasa ng story ko ha :-) I miss you! take care always! stay as you are Carlabbit :-D.
PS.
Ikaw talaga ung stufftoy ni Emi na si Mr.Bunny XD haahahah! joke lang! :-D
Anyways, enjoy reading! (kung meron man)
Lots Love~
-------------------------------------------------
Tumatakbo ang oras, at wala siyang ibang naririnig kundi ang kanilang orasan na nakasabit sa pader, ang pagtahol ng mga aso na tila nag-uusap, at ang mangilan-ngilang ingay na nanggagaling sa labas ng kanilang bahay gawa ng pauwing mga kapit-bahay mula sa kung saan.
Hindi na rin niya muli pang narinig ang pag-iyak ng anak. Marahil ay nakatulog na ito o kaya nama'y napagod na sa pag-iyak at naisipang magpahinga.
*sigh... wala siyang magawa, kaya naman kung anu-ano na lang ang mga naiisip niya.
"Siguro, kung dati pa lang lumaban na ako sa walang hiyang asawa ko na 'yun baka matagal na niya kaming iniwan"
"Baka hindi na lumabas pa si Lorie kung nagkataon, baka si Ken lang ang anak ko ngayon, at malamang baka buhay pa siya ngayon."
*sigghhh... "Kung si Julio kaya ang napang-asawa ko? Siguro hindi ganito ang buhay ko, mahal ako nun eh haaayyy..."
"Bwisit talaga ang lalaking yun, bakit ba kasi siya pa ang sinagot ko?! Tanga-tanga kasi ako noon eh! Kung siguro ganito na ako mag-isip noon pa, baka hindi siya ang naging asawa ko"
"Kung binigyan ko lang ng isa pang chance si Julio, masaya siguro ako ngayon."
"Edi sana-"
Naputol ang pag-iisip niya ng tumunog ang takure nila, simbolo na kumulo na ang ininit niyang tubig.
Tumayo siya, pinatay ang stove, ibinuhos ang mainit na tubig sa tasang may kape, umupong muli, hinalo ang kape, saka dahan dahang ininom.
"Prufff!! Ouch! Aray! Ang init! Anubayan!" napaso ang dila niya dahil sa sobrang init ng kape. Inilabas niya ang dila at hinawakan ang nasaktang parte.
"Tsk! Kainis! Tsshh! Ang init! Ahh! Grabe! Nagising ako dun! Hoo! Kahit sa panaginip hindi sumasang-ayon sa akin ang tadhana, nakakainis naman! Sa panaginip na nga lang ako magiging masaya tsk! Oo na! Reyalidad 'to! Oo na alam ko!" sabi pa niya sa kape na naging sanhi ng pananakit ng dila niya.
Tumayo siya't pumunta sa banyo nila para matingnan ang nasaktang dila.
Nang makita ang sariling repleksyon sa salamin, ay nagulat siya dahil hindi niya inaasahang ganoon ang kaniyang makikita.
May bukol sa noo niya, malaki ito kaya madaling mapansin, nangingitim ang ilalim ng kanyang mata dahil sa gabi-gabing pagpupuyat, lumalim din ang pisngi ng kaniyang mukha dulot ng kapayatan dahil sa stress, may pasa rin ang bandang cheekbone niya, putok ang labi't nanunuyo, kulubot na rin ang namumutla niyang balat.
Hinawakan niya ang sariling pisngi habang nanlalaki ang mata dahil sa pagkabigla.
"G-ganito na pala ang itsura ko?" May nakatakas na luha sa kaniyang kaliwang mata.
"B-bakit ako umiiyak? Hindi dapat ako umiyak! Haha! Ang pangit pangit ko na pala! Masama talaga ma-stress noh?" umiiyak siya habang kinaka-usap ang sariling repleksyon.
"Kasalanan 'to ng walang hiyang yun! Bwisit talaga siya!" pinunasan niya ng marahas ang kaniyang luha saka naghilamos.
"Huh! Hindi dapat ako umiyak dahil sa isang maliit na bagay, konting gamit lang ng pampaganda at babalik din ang dati kong itsura, at syempre, konting panahon hmp!" Taas-noo niyang sabi sa sarili.
"Sabi nga sa kanta, 'time can heal most anything' kaya lilipas din 'to!"
Pagbalik niya sa lamesa upang inumin ang naiwang kape ay medyo malamig na iyon. Kaya naman walang alinlangan niya itong ininom.
"*slurp! Ahhh! Ito ang masarap! *slurp! Ahhh!"
Ibinaba muna niya saglit ang kape saka nag-unat.
"Ang sarap sa pakiramdam! Wala ng asawang maninigaw sa'yo, magmumura sa'yo, mananakit sa'yo, haayyy...sana ganito na lagi katahimik ang gabi ko *slurp! Ahhh"
Nang maubos niya ang kape, tumayo na siya, hinugasan ang tasang ininuman saka pumunta sa salas para kunin ang kumot at unan.
Narinig niya ang pagtilaok ng manok kaya naman naisipan niyang tumingin sa orasan.
"Ha! Alas-dose na?! Bilis ah!" ang nasabi na lang niya sa sarili.
Pinatay na niya ang ilaw sa kanilang kusina, tiningnan kung may nakalimutan pa ba siya, at nang masigurong ayos na, sinindihan naman niya ang ilaw sa labas ng kanilang tahanan.
Umakyat siya, pero bago pumunta sa sariling kwarto'y sinilip muna niya ang anak.
Pagbukas niya ng pinto'y nakita niya ang anak na naka-upo sa sahig at nakayuko ang ulo sa higaan habang yakap-yakap ang isang stufftoy na rabbit.
Binaba muna niya ang dala-dala, lumapit sa anak, kinumutan ito, at inalis ang buhok na humaharang sa mukha ng anak. Nakita niya ang luhaang mukha nito, pinunasan niya iyon, naaawa siya dito kaya naman hindi na niya inabalang gisingin pa ang anak dahil tulog na tulog na ito.
Hinalikan niya si Lorie sa ulo habang yakap-yakap ito saka sinabing...
"Good night anak, mahal na mahal ka ni Mommy, kahit wala na si kuya, andito naman ako, ako na ang magiging superhero mo, supermom nga lang, mas malakas naman 'yun 'di ba? *sigh goodnight baby!" hinimas muna niya ang buhok ng anak, hinalikan, ngumiti saka kinuha ang dalahin.
Bago siya tuluyang lumabas, nilingon muna niya ang anak, ngumiti siya, masaya siya dahil kahit wala na ang panganay niya, nandiyan pa rin naman ang bunso niya, sapat na 'yun para sa kaniya, sobra-sobra pa nga, dahil napakabait na bata ni Lorie at very thankful siya dahil biniyayaan siya ng isang katulad niya.
Nagbuntong hininga muna siya bago tuluyang isara ang pinto.
-------------------------------------------------
Date Updated: Apr. 17 '15
here @ ortigas,kuha-kuha NBI :-P alam kong wala kayong pake eh sa gusto ko ilagay eh bwahahah! jowks! tsaka wala namang nagbabasa nito kaya no worries sa kung gawin ko pa tong diary hahaha! wala namang makakabasa eh Hahahah! XD.
I don't have any messages to you readers dahil .... wala naman akong readers diba? hahhhahah!

BINABASA MO ANG
Broken-COMPLETED
Non-FictionPresent Highest Ranking: #37 in Non-Fiction❤ (050718) Previous Highest Ranking: #95 in Non-Fiction BROKEN That is my LIFE. Behind her every SMILE, Behind her every LAUGH, Hides a true PAIN, Pain that makes her heart NUMB And curse the word LOVE Will...