Broken 22

451 10 0
                                    

"ARAY! ARAY! ARAY! ARAY! AMI! MASAKIT!" daing ni Jack.

"Ano?! Sasagot ka pa ha! PERVERT!" sabi nito habang hawak ang kamay ni Jack papunta sa likod nito.

"HINDI NA! HINDINAHINDINA!" namimilipit at tuluy-tuloy niyang sagot.

Tulala lang si Emi doon na nakatingin sa kanila, nang bigla siyang tingnan ni Ami.

"MILHAE!!" sabay takbo papunta sa kan'ya deretso sa likuran niya na parang nagtatago.

Nagulat naman si Emi sa biglaang pagtakbo sa kaniya ni Ami.

Si Jack nama'y namimilipit na inuunat-unat ang kamay na halos baliin ni Ami.

"PERVERT!" sigaw na muli ni Ami kay Jack habang nagtatago sa likuran ni Emi.

"Anong pervert?! Ikaw nga ang nangyayakap tapos ako ang naging pervert?!"

"CHE! TIGILAN MO 'KO! KASALANAN MO KUNG BAKIT KITA NAYAKAP! SINADYA MO!!"

"Anong sinadya?! Kasalanan ko ba na bigla-bigla ka mangyayakap? IKAW ANG MANYAK!!" sigaw ni Jack sa kan'ya na inuunat pa rin ang nasaktang braso.

"SHADAP! SHADAP! SHADAP! SHUTUP!"

Sigaw naman ni Ami pabalik sa kanya habang nakatago pa rin sa likuran ni Emi.

Si Emi nama'y nakatayo lang doon at nakikisabay sa agos ng nakatago sa likuran niyang si Ami.

"Oh my virgin body, nayakap lang ng isang pervert na katulad mo!" sabi pa ni Ami na niyakap panandalian ang sarili.

"Aba't di ka talaga titigil?!" pasugod na si Jack sa kan'ya, ngunit dahil nasa likuran siya ni Emi, nahaharang niya si Emi para hindi tuluyang makalapit sa kan'ya si Jack.

"AAAHH! MILHAE!!!" sigaw ni Ami sabay shield kay Jack gamit si Emi.

"Oy! Oy! Tama na! Ami tama na!" dahil sa sigaw ni Emi ay natigilan ang dalawa.

Umayos siya ng pagkakatayo, ini-stretch ang nagusot na uniform saka binigay kay Jack ang bag na kanina pa daladala.

"Tama na Ami okay?!"sabi niya pagkaharap kay Ami.

"Ano?! Kinakampihan mo si Jack ganon?!" pagtatampo niya na naka cross-arms pa.

"Hindi, kasi naman anong oras na kaya! Kapag hindi pa kayo tumigil male-late na talaga tayo kaya tumigil na kayong dalawang bata okay" sabi pa ni Emi habang papalit-palit ng tingin sa dalawa, nang biglang bumukas ang pinto ng salas nila at lumabas si Mrs. Laura.

"Oh?! Akala ko umalis na kayo bakit nandito pa kayo?! Seven na oh!"

"Opo Ma aalis na po kami, sige po bye Ma!" sabay hila sa dalawa.

"Bye Auntie!" paalam ni Jack.

"Babay Tita! Mwah!" paalam naman ni Ami na may kasamang flying kiss pa.

"Sige ingat kayo!"

At tuluyan na nga silang umalis. Pagkalabas na pagkalabas ay agad agad na binitawan ni Emi ang pagkakahila sa braso ni Jack, habang nanatili naman ang pagkakahawak niya sa kamay ni Ami.

"Bakit niya ako binitawan? Tapos nakahawak pa kamay niya kay Ami, ang daya." sabi ni Jack sa sarili habang nakatingin sa kamay ng dalawa, akmang hahawakan niya ang kamay ni Emi ngunit hindi ito natuloy dahil biglang hinila ni Ami si Emi saka ipinalibot ang kanang kamay dito.

"Wag ka lumapit sa pervert na 'yan Milhae!" sabi ni Ami habang kunot- noong nakatingin kay Jack.

"A-ah.." sasagot sana si Emi ngunit nagsalita ulit si Ami.

"Dito ka lang sakin! Bleh!" sabay dila kay Jack na nasa likuran na nila.

Agad namang lumapit si Jack sa kanila saka hinawakan si Emi sa kamay. Dahilan para bumilis muli ang tibok ng kan'yang puso at makaramdam ng pag-init sa mukha.

"Tumigil ka nga Ami! Ikaw lang naman ang may ayaw sakin, kaya 'wag mo idamay si Emi!" sabi pa niya habang hinihila si Emi.

"AHH! 'Wag mo nga siya hilain! Milhae! Kumapit ka lang sa akin 'wag ka bibitaw!"sabi naman ni Ami.

"Emi sabihin mo nga sa babae na 'yan na gusto mo ako kasama" pagmamaktol ni Jack habang hawak pa rin ang kamay ni Emi.

Naguguluhan na siya sa ginagawa ng dalawa, gusto niya makasama si Jack dahil nangako siya na magkasabay sila papasok ngayong araw at isa pa, dahil 'yun ang gusto ng kan'yang puso, ngunit hindi niya magawang masabi.

Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid ngunit hindi niya magawang pigilan ang dalawa dahil maski siya nalilito kung kanino sasama.

"Milhae dalian mo tara takboo!!" sabi ni Ami sabay hila sa kaniya.

Tumingin siya sa likuran nila at nakita niya si Jack na hinahabol sila, ngunit dahil sa bilis ng pagtakbo ng umaakay sa kan'ya na si Ami, hindi sila naabutan ni Jack.

Pakiramdam niya nag-slow motion ang lahat, dahan-dahan siyang napapalayo kay Jack.

"Jack!" sigaw ng isip niya.

"Jack!!" sigaw nito ulit, habang paliit ng paliit sa paningin niya si Jack.

"JAACCKK!!!" gusto niya sumigaw ngunit hindi niya magawa dahil parang may kung ano na bumara sa lalamunan niya, unti-unting nawala sa nanlalabong paningin niya si Jack dahil sa nagbabadyang luha, hanggang sa tuluyan ng mawala ang pigura nito.

***

Hinabol ni Jack sila Emi pero dahil sa bilis ng pagtakbo ni Ami, hindi niya nagawang abutan ito.

Tumigil siya at ipinatong ang mga kamay sa tuhod dahil sa pagod, ngunit tumayo rin siya agad at tiningnan ang kaisa-isang babaeng gusto niya makasama sa araw na 'yun na unti-unting lumalayo sa kaniya habang tangay-tangay ng kaisa-isang babaeng kinaiinisan niya sa mga oras na 'yun.

"AAARRGGGHHH!!!" sigaw niya habang nakahawak sa buhok na tila sinasabunutan ang sarili.

"Sorry!" sabi niya pa nang mapagtantong pinagtitinginan na siya ng mga tao sa paligid na bakas ang gulat, takot at pagtataka sa mga mukha.

May ilan na nanlalaki ang mata, at may napasigaw pa ng mahina sa gulat, mayroon din namang bata na napayakap sa Ina dahil sa takot at mayroon pang lalaki na nabitawan ang dalang yosi at nagtatakang nakatingin sa kan'ya.

"Sorry! Sorry! Sorry po!!" sabi niya habang nakahawak ang isang kamay sa ulo at bahagyang yumuyuko-yuko.

Matapos niya humingi ng paumanhin sa lahat ng tao roon, dali-dali siyang tumakbo para makatakas sa kahihiyang nagawa niya.

"AIISSHH!! TSK!! Si Ami kasi ehh!!!" napahilamos na lang niya ang kamay sa mukha at nasabi ito ng makalayu-layo sa mataong lugar at ngayo'y naglalakad na.

"Tsk! Nakakainis!! Gumising ako ng maaga para lang makasabay siya tapos ngayon aagawin lang siya ni Ami! Tsk!! AARRGGHH! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!!"

"Akala ko pa naman magiging romantic 'tong araw na'to! Ang ganda na ng simula namin eh!! AARRGGHH!! nakakainis talaga!!!" ganun lang siya ng ganun hanggang sa makarating siya sa school nila.

-------------------------------------------------

AN:

Date Updated: 08 May 15

Happy 222 reads! :-) thanks sa inyong lahat! comment nyo lang names niyo so that I can thank you :-)

Love Lots~

Broken-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon