Prologue

317 122 57
                                    

"Bunso! Halika may ipapakita ako sayo"

"Huwag kang aalis Chelsea"

"Maghahanap ako ng magagandang korales para idagdag sa iyong mga palamuti, nais mo bang sumama sa akin?"

"Huwag ka ng umiyak, hindi ka pababayaan ni kuya"

"Mahal na mahal ka ni Kuya"

Napamulat at napabalikwas ng bangon si Chelsea na galing sa isang nakakalungkot na panaginip. Tulala lang siya sa bintana habang patuloy na dumadalaloy ang walang tigil niyang luha sa kanyang pisngi. Isa iyong alaala sa kanyang Kuya, mga panahong magkakasama pa sila. Ikinuyom niya ang kanyang kamao habang matalim na tinititigan ang bintana, mag dadalawang taon na siyang naririhan sa Mundo ng mga Tao sa tulong ng kanyang guardian na si Thalia, at nanay ni Thalia na si Vivianne na siyang nag presenta na samahan siya sa pakikipag sapalaran sa mundo ng mga tao.

Isang Sirena si Vivianne na may taglay ng kapangyarihan na makapagpalit ng anyo bilang isang tao. Ito ang tumulong kina Chelsea na magkaroon ng paa at sa dalawang taon na pamamalagi nila sa Lupa ay nasasanay na ang kanilang mga paa at katawan. Hindi katulad sa ibang mga sirena na kaunting talsik lang ng tubig alat ay mag aanyong sirena sila ulit, malakas ang spell na nag proprotekta sa kanila.

Napalingon naman siya sa kanyang pintuan ng marinig niyang may kumatok.

"Mahal na prinsesa ako ito si Thalia"

"Ano ang sadya mo?"

"Papasok po ako"

Inantay niyang makapasok sa kanyang Silid si Thalia at bakas sa mga mata nito ang matinding pag aalala para sa kanya.

"Wag kang mag alala Prinsesa, hindi kita iiwan at lagi akong nakasuporta para sa iyo. Makakauwi tayo ng ligtas at kasama natin si prinsipe Crimson." Sambit nito at ngumiti sa prinsesa

"Maraming salamat Thalia, ngunit huwag mo na akong tawaging prinsesa, wala tayo sa kaharian"

"Ngunit isang kalapas-"
Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng bigla siyang hawakan ni Chelsea sa baba at pinatingala ang kanya muka upang magpantay ang kanilang paningin.

"Hindi iyon kalapastanganan Thalia pagkat iyon ay aking utos. Kaibigan kita Thalia" sabi nito at ngumiti.

"Masusunod po mahal na Prinsesa, matulog kana po at maaga pa tayo bukas sa eskwela."

Iyon ang huling isinambit ni Thalia bago nito lisanin ang kwarto ni Chelsea.

Naiwang nakaupo si Chelsea sa kama habang pinagmamasdan ang kwintas na minsan na niyang nakitang suot ng lalaking nakilala niya limang taon na ang lumipas. Binigay niya ito sa kanya at nangakong magkikita silang muli. Ngunit hindi iyon ang mahalaga sa kanya ngayon, bukas na bukas ay mag uumpisa na ang kanyang Mission, bukas na mag sisimula ang kanyang magiging hakbang sa paganap sa kanyang nakakatandang kapatid. Nakapagensayo na din sya sa mga gawi ng isang tao at unti unti na siyang nasasanay, kelangan niya iyon upang makahalubilo at huwag siyang paghinalaan.

Marahan siyang nahiga ule habang unti unting pinikit ang mga mata.

"Wag kang susuko kuya, ililigtas kita" iyon ang kanyang huling sinabi bago siya tuluyang nakatulog

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon