Pagkatapos ng Event ay inihatid kami nina Luther at Keanne sa Dorm. Hindi padin ako ok at malalim parin ang iniisip ko. Hindi na nga nila ako halos makausap dala padin ng pagkabigla mula pa kanina.
Nakaupo ako ngayon sa kama habang kaharap sina Lorraine at Thalia. Halata sa mukha nila ang pag aalala at ang gustong makausap ako kaya naman ako na ang nagbukas ng usapan.
"Alam kong may itatanong ka Lorraine" nakatingala kong tanong at saka umayos ng upo
"Yung tungkol sa kanina? Yun ba yung Kuya na kinuwento mong kinuha ng di nakikilalang tao?" Nakakunot noo niyang wika.
Tanging tango lang ang nasagot ko sa kanya at saka napabuntong hininga.
"Chelsea..." pagtawag pansin sa akin ni Thalia
"Hmmm?"
"H-hindi niya tayo nakikilala" saad niya
"Kaya nga" sagot ko at bahagyang sumandal sa kanyang balikat.
Niyakap nila akong dalawa at sa oras na iyon ay naramdaman kong hindi ako nag iisang harapin ang problemang kinakaharap ko. Lihim akong nangiti at niyakap sila pabalik.
Nasa ganon kaming sitwasyon ng nag ring ang cellphone ko. Humiwalay ako mula sa yakap at sinagot ang tawag.
"Oh? Sino to?" Bungad ko sa tunawag ngunit tanging hangin lang sumasagot sa kabilang linya.
"Sige bye!" Ibababa ko na sana ang tawag ng bigla naman itong sumagot.
"Ah.. b-busy ka?" Teka? Boses yata ni Luther
"Luther?" Tanong ko
"Tss. Oo busy ka nga?" Hula ko magkatabi na naman ang kilay nito, andaling mainis tss.
"Ah hindi naman, bakit?!" Kahit di niya nakikita ay nakataas ang kilay ko.
"Si Dad kase.. ah ano" -problema neto?!
"Oh bakit ano nangyari?" Tanong ko habang sinasamaan ng tingin sina Thalia at Lorraine na ginagaya ako kunwari.
"Dinner daw kasama ka around 8, aalis na siya ng 9 pm eh" sagot niya at hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
"Ha? Ah oo naman mamaya pa naman magpapahinga muna ako" nakangiting sagot ko
"Sige sunduin nalang kita sa labas ng dorm. Bawal pumasok sa dorm niyo eh" sagot niya at sumang ayon naman ako bago ko inend ang tawag.
Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko pero pinilit ko iyong itago para harapin sina Thalia at Lorraine.
"Aherm! Anong pinag usapan niyooo" nakakaloko ang ngiti sa labi ni Lorraine ng itanong niya iyon. Habang si Thalia naman ay ngi-ngisi ngising naka akbay sakin at pinaupo ako sa kama.
"Wala" sagot ko at umiwas ng tingin
"Ay hala si Chelsea nag sisikreto na sa akin" nasasaktan kunwaring sambit ni Thalia habang nakahawak sa dibdib niya
"Baliw! Wala nga" sagot ko at nahiga na.
"Anong walaa?! Eh naririnig namin ang sagot mo. Ano na kaseee" sagot naman ni Lorraine habang sinisiksik ang sarili sa akin.
"Tss. Wala nga sabi" sagot ko at nagtalukbong ng kumot
"Sasagutin mo o sasabihin namin kay Jones na may gusto ka sa kanya" nakangsing saad ni Thalia at napanganga naman ako. Seryoso?!
"Antalino mo Thalia HAHAHA hindi ko naisip yun ah" namamangha kunwaring saad ni Lorraine kaya naman inirapan siya ni Thalia at saka bumaling sakin.
"Kala niyo naman may pake ako, tss"sagot ko at nagkunwaring natutulog.
Nagulat naman ako ng biglang gumaan ang kama ko ibig sabihin ay umalis na sila. Bahagya kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko silang palabas ng pinto. San sila pupunta?!!
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.