Matapos namin silang ihatid nung gabing yun ay nag paalam na rin kami. Sinabi namin sa kanila na marahil ay mahigit isang buwan kaming hindi makakabalik.
Kahit nalulungkot ay sabay naman silang sumang ayon, kakailanganin ko kase ang lakas. Nasobrahan ang paggamit ko ng kapangyarihan habang nasa lupa ako, kahit gaano man kalakas ang kapangyarihan ng isang sirena ay limitado parin iyon kapag nasa lupa kami.
Ngayon ay nasa loob kami ng Kaharian, kasama ko sina Thalia at Ian. Sa halos dalawang linggo naming pananatili rito ay si Ian ang madalas naming nakakausap at nakakasama ni Thalia. Maliban sa siya ang pinagkakatiwalaan ni Ama ay nakakatuwa siyang kasama.
Nung isang araw ay nag punta kami sa Lungga ng mga Guardian, binisita namin ang Ina ni Thalia. Nakakatuwa na kahit nanghihina siya ay pinilit parin niya ang sarili na ngumiti at kamustahin ang kanyang Anak, masaya naman silang nag usap ni Thalia at hindi niya napigilan ang maluha. Nasa pangangalaga ng mga manggagamot si Tita Vivianne, ang sabi nila na matagal pa itong magagamot dahil sa mga lason na halaman na nakatali sa kanyang paa noong nasa kailaliman siya. Kumalat kase iyon sa buong katawan niya at naapektuhan ang kanyang katawan maging ang kanyang kapang yarihan.
"Mahal na Prinsesa" natigil ako sa pag iisip ng lumapit sa akin ang isang batang babae, binigyan ako nito ng isang korales na kinorte na maging palamuti sa noo.
"Maraming salamat" nakangiti ko iyong tinanggap saka isinuot, halata ang pagkamangha sa kanyang mga mata nang isuot ko iyon.
"A-ang ganda niyo po Prinsesaaa" nakangiti nitong sigaw, natawa ako ngunit kaagad iyong nawala ng may isang kawal na nagtutok rito ng sibat.
"Anong karapatan mong tingnan ng deretso sa mata ang mahal na prinsesa?!" Sigaw nito sa bata.
"P-patawad ho.. patawad" paulit ulit ba yumuko ang bata at mukhang iiyak na kaya naman ay binalingan ko ang kawal.
"Leon!" pagtawag ko sa kawal. Kaagad naman itong yumuko sa akin
"Ilayo mo ang iyong sandata sa bata!" sigaw ko
"Ngunit-" nagsasalita pa sana siya pero agad din naman niyang binaba ang sanda saka bumalik sa pwesto.
Kaagad ko namang nilapitan ang umiiyak na bata at ngumiti rito
"Wag mo iyong intindihin, naiinggit lang iyon sayo hihi" nakangiti kong sabi rito.
"T-alaga po? Bakit po?" sabi nito habang pinipigilan ang pagluha
"Kase ikaw, nakakausap mo ako ng malapitan, siya ay hindi" pagpapaliwanag ko rito kaya lumaki ang ngiti niya.
"Waaahh" sabi nito saka nagtakip pa ng mukha.
Nakangiti akong nag paalam sa kanya saka nilapitan sina Thalia at Ian na ngayon ay nakikipaglaro narin sa ibang mga bata.
~~~
Tatlong linggo na ang lumipas at nabuburyo na ako rito. Kaagad akong bumangon mula sa pagkakahiga at kaagad tinungo ang kwarto nila Ama at Ina, napansin ko si Ama na naroon ngunit hindi ko nakita si Ina. Siguro ay nasa Centro.Kaagad kong nilisan ang kanilang silid at tinungo ang Centro, ngunit laking pagtataka ko ng makitang wala naman doon si Ina, san kaya siya pumunta? Tanong ko sa isip ko ngunit kaagad namang inalis iyon.
Hindi ko na inabala pa si Thalia dahil sasaglit lang naman ako roon. Nang makita ako ng mga tagapag silbi at mga bantay sa labas ay kaagad silang nagsipagyuko, ngumiti naman ako bilang pagbati sa kanila.
Nasa takas ako ngayon, kaagad kong dinamitan ang sarili ko at nag tungo sa dating inuuwian namin ni Thalia. Walang katao tao roon kaya malaya akong pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.