Mabilis na lumipas ang araw. Hindi kami nag klase para paghandaan ang gaganaping Welcome Program. Ang lahat ng estyudante ay abala sa pag pra ptactice at pag aasikaso ng kanya kanyang gawain para sa event.
Kami din ni Luther ang napili na mag represent ng section kaya naman tuwang tuwa sa pang aasar sina Lorraine at Keanne sa amin ni Luther.
Halos hindi nadin kami magkasamang mag lunch or mag miryenda sa Canteen dahil may kanya kanya kaming practice at hindi halos magtugma ang oras namin. Kapagka mag di dinner lang ay saka lang kami nagkakasama sama.
Nagiging malapit na din kami sa isat isa ni Luther at siyempre hindi ako nagpapahalata na may gusto ako sa kanya. Wala din akong pinagsabihin sa mga kaibigan ko kahit si Thalia, nagihiya ako. Saka kona sasabihin kapagka nagtanong na siya tungkol doon.
Nang mag weekend ay halfday lang ang practice. Para naman daw may pahinga kami at may panahon na maghanda para sa gaganaping Event. Sina Lorraine at Keanne ay naunang umuwi sa kanila. Namimiss na daw kase nila ang bahay samantalang si Luther naman ay nag paiwan muna sa school dahil dadaanan daw siya ng Daddy niya. Nasabi niya rin na isang negosyante ang papa niya at bihira lang umuwi ng Pilipinas kaya naman ng malaman niyang uuwi ito ay nagpaiwan siya sa school. Kami naman ni Thalia ay umuwi sa kanila.
Ang bahay ni Tita Vivianne ay malapit lang sa dagat. Para itong resthouse kase ito lang ang nag iisang bahay rito. Hindi din ito basta basta nakikita ng mga Mortal maliban nalang kung isa sa amin ang magdala sa kanila sa lugar na to.
Sinulit namin ang isang araw na pahinga para lumangoy ng dagat. Ginamit ko agad ang kapangyarihan ko para magpalit ng anyo. Na mimiss ko na ang lumangoy at mukhang ganon na rin si Thalia.
Sabay naming sinisid ang pinakailalim ng dagat habang tumatawa. Hindi mapigil ni Thalia ang pagngiti sa kin dahil sa twing nakikita daw niya ako sa ganitong anyo ay parang nakikita niya ang Kaharian. Suot ko kase ang korona at ang mga perlas na nakapalibot sa akin, nagiging kulay asul rin ang mata at buhok ko habang buntot ko ay kulay asul na may iilang pilak at ginto na kulay katulad ng sa kaharian.
Nagtagal kami ng halos limang oras sa dagat bago umahon. Sabay sabay kaming kumain nina Tita Vivianne habang pinag uusapan namin ang susunod na hakbang. May iilan kaseng mortal ang nakapagsabi na meron raw isang napakayamang tao na tumawid sa dagat at meron daw itong nahuling sirena/o. Base sa kwento ng ilan ay nasisiguro kong ang Kuya ko ang sirena/o na kanilang sinasabi.
Nagsanay narin kami nina Thalia. Nagsasanay siya ng kanyang Pisikal na kakayahan habang ako naman ay
Ang pisikal nakakayahan at ng kapangyarihan ko. Kaya kong komontrol ng tubig, ng hangin at ng mga halaman. Ang pagkontrol ng tubig at hangin ay nakakaya ko na pero ang pag gamit ng kapangyarihan ng nature(earth) ay hindi ko pa masyadong kaya. Hinihigop nito ang lakas ko kaya naman kahit ang pagbunot ng puno sa ugat ay hindi ko masyadong magawa dahil halos malagutan ako ng hininga.Pagkatapos namin magsanay ay naghapunan at natulog na kami.
Kinaumagahan ay gumamit ako ng portal upang mas mapabilis ang pagpunta namin sa school. Pumasok kami sa sasakyan at diretsong pumasok sa portal, ilang saglit pa ay naka park na ang sasakyan namin sa parking space ng Eskwelahan.
Tahimik lang kaming pumasok ni Thalia at dumiretso sa room.
Sa labas palang kami ng pinto ay rinig na rinig na namin ang bangayan ni Lorraine at Keanne."Hoy Keanne sinasabi ko talaga sayo subukan mong ireto si Luther sa ibang babae kakalbuhin kita" -Lorraine
"Bakit ba ayaw mong ireto ko siya? May gusto kaba sa kanya?" -Keanne
"Wala! Basta hindi mo pwedeng ireto si Luther! Irereto ko siya sa kaibigan ko" sigaw naman ni Lorraine
"Hanep. Pinagbabawalan mo akong ireto si Luther sa kaibigan ko tapos irereto mo din siya sa kaibigan mo" naiinis na wika ni Keanne
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.