Chapter 1

238 115 81
                                    

Maaga akong nagising para makapagligo, hindi ordinaryo ang mahika na ginamit sa amin ni Tita Vivianne pero kailangan padin namin na makaligo sa dagat kahit isang beses sa isang linggo dahil kung hindi ay paniguradong manghihina kami.

Sinusuklay ko ngayon ang aking mahaba at maalon na buhok nakasuot lang ako ng isang white shirt at fitted na pantalon na pinaresan ko ng puting sapatos. Ngayon ang unang araw namin sa Eskwela kung kaya ay hindi pa kami naka uniporme.

Kinuha ko na ang aking bag sa kama at nagtungo na sa labas upang makapag almusal. Nadatnan kong nakaupo sa hapag si Tita Vivianne at si Thalia, katulad ko ay naka shirt lang siya at fitted na pantalon ang kaso ngalang ay tinalian niya ang kanyang mahabang buhok.

"Magandang umaga mahal na Prinsesa" sabay na bati ng mag ina.

"Magandang umaga, pero tawagin niyo nalang ho ako sa aking pangalan, isa po iyang kautusan" nakangiti kong sabi.

"Masusunod Prinsesa"

"Kumain kana C-chelsea"

Pagkatapos namin kumain ay naghanda na kami ni Thalia. Isang boarding school ang eskwelahan na papasukin namin ngayon. Dala ang mga gamit ay lumabas na kami ng bahay, nakaabang na sa labas ng bahay ang sasakyan na pinabili ko kay Tita Vivianne upang magamit namin.

"Thalia anak, mahal na Prinsesa mag iingat kayo" paalam sa amin ni Tita Vivianne

Nagkatinginan kami ni Thalia at sumakay na ng sasakyan. Ako ang magda drive katulad ng napagkasunduan namin ni Thalia. Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa nasa harap na kami ng Montesssori High, ang eskwelahan na papasukin namin. Inikot ko ang aking paningin para maghanap ng pwedeng ma parkingan ng sasakyan at nung makahanap na ako ay sabay na kaming lumabas ng sasakyan ni Thalia.

Nag umpisa na kaming maglakad sa loob ng campus. Palibhasa ay unang araw ng eskwela maraming estyudante ang nasa open field marahil katulad namin ay hinahanap din nila ang kanilang classroom. Napag desisyonan namin ni Thalia na magtanong tanong sa ibang mga estyudante kung saan pwedeng makita ang schedule.

"Hi" bati ko sa isang babae na nakaupo sa bench.

"Hi" nakangiti nitong bati sa akin

"Ah magtatanong sana kami kung saan makikita ang schedule at ang list ng sections" -Thalia

"Ah sakto papunta nadin ako dun inaantay ko lang si Keanne pero marunong naman siya dun sasamahan ko nalang kayo. Btw I'm Lorraine"

"Thalia"

"Chelsea"

Pagkatapos namin magpakilala sa isat isa ay sinamahan nga kami ni Lorraine sa field at merong tatlong bulletin board doon. Inisa isa namin ang mga listahan at nalamang nasa iisang section lang kami. Bago kami pumunta sa Classroom ay pumunta muna kami sa Office ng Secretary para kunin ang schedule namin.

Habang nasa hallway kami ay bigla nalang sumigaw si Lorraine, tinatawag niya yata ang lalaki na nasa hagdan.

"Keanne!" -Lorraine

"Lor, classmates tayo?" -Keanne daw ang pangalan

"Ah oo btw si Thalia at Chelsea, classmates din natin" pagpapakilala sa amin ni Lorraine.

"Hi Im Keanne"

"Thalia"

"Chelsea"

Sabay na kaming pumasok sa classroom at merong bakanteng upuan sa gitna at sa likod. Napagdesisyonan kong umupo sa likod malapit sa may bintana, tumabi naman sa akin si Thalia at nasa tabi niya sina Keanne at Lorraine.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon