Nakatulog akong muli matapos nun, at ngayon ay nandito lang kami sa Rooftop ng Admin's building. Malalim na ang gabi ngunit gising pa kami, sa ilang oras naming pahinga ay nakaipon na kami ng sapat na enerhiya na nawala sa amin nung isang araw. Habang pinagmamasdan ang buwan ay nakaramdam kami ng isang malamig na hangin, hindi ito gaya noong kapangyarihan ng taong nakaitim.
Tumayo kami ni Thalia at inilibot ang aming paningin ngunit wala kaming makita. Mas lalong tumindi ang lakas ng hangin at naririnig na ang lakas ng alon sa dagat. Ramdam ko rin ang pananakit ng mata ko at isa lang ang pumasok sa isip ko. May hindi magandang nangyayari sa kaharian.
Pinakiramdaman ko ang paligid kung meron bang kakaiba, nang maramdaman kong wala ay inihanda ko na ang sarili ko.
Nagpaalam ako saglit kay Thalia at saka siya iniwan sa rooftop habang ako ay gumamit ng teleportation papunta sa dorm namin.
Marahan akong naglakad palapit sa kama ni Lorraine, pinagmamasdan ko ito habang mahimbing na natutulog saka ako gumawa ng isang maliit na bato at sinugatan ang aking sarili. Nang mabahiran na ito ng dugo ay ginawa ko itong Bracelet saka isinuot sa kanyang kanang kamay. Hindi na ako nagtagal pa doon at saka naman ako pumunta sa dorm nina Keanne at Luther.
Una kong pinuntahan ay ang kama ni Keanne, mahimbing din itong natutulog at sobrang payapa ng hitsura niya habang nakapikit. Ang kwintas na iniwan ko kay Thalia kanina ay suot suot niya kayon sa kanyang leeg, hindi ko maiwasang mapangiti ng maisip kong ang batang lalaki palang una kong naging kaibigan ay magiging kaibigan ko rin ngayon. Katulad ng ginawa ko kay Lorraine ay gumamit uli ako ng kapangyarihan at binuo na parang bato saka ko sinugatan ang sarili ko at ng mabahiran ito ng dugo ay ginawa ko itong pulseras saka inilagay sa kamay niya.
Sunod kong pinuntahan ay si Luther, halos dahan dahan ang naging pag hakbang ko. Nakita ko itong naka tagilid lang habang yakap yakap ang unan. Nasa tabi nito ang kanyang Cellphone na mukhang ayaw niyang bitawan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at kinuha ang cellphone saka tiningnan ang laman niyon, napangiti ako ng makita ang mga litrato ko na hindi ko alam kung kelan niya kinuha. Marahan akong nahiga sa tabi niya saka binuksan ang kanyang Camera at kumuha ng litrato saka tahimik ko iyon na inilagay sa kanyang tabi. Gumawa uli aki ng isang maliit na bato gamit ang kapangyarihan ko saka ipinahid dito ang dugo na nanggaling sa sugat ko kanina. Hindi katulad nina Lorraine at Keanne ay ginawa kong kwintas ang sa kanya, at saka tahimik na inilagay iyon sa kanyang leeg.
Lumayo ako sa kanya ngunig agad ding bumalik at saka hinalikan siya sa pisngi. Nakangiti akong sumampa sa bintana ngunit ang ngiti ko ay napalitan ng pagkabahala, aalis ako upang masigurong ligtas ang kaharian at hindi ko na sila mababantayan ngunit sa pamamagitan ng binigay kong bato na may bahid ng aking dugo ay malalaman ko kung nasa panganib sila.Pumikit na ako at saka pagmulat ng mata ko ay nakarating na ako sa harap ni Thalia.
"Paano sila?" kaagad niyang tanong
"Binigyan ko sila ng pananda, simpleng pulseras at kwintas lamang iyon ngunit gawa sa kapangyarihan ko, may bahid rin iyon ng dugo para malaman ko kung nasa kapahamakan ba sila" simpleng sabi ko
"Tara?" aya niya
"Sige"
Naghawak kami ng kamay saka sabay na pumikit, nakakahilo ang pakiramdam ngunit ilang beses na kaming dumaan rito kaya nasanay na rin. Tumigil ang nakakahilong pakiramdam at nang magmulat kami ng mga mata ay nasa pang pang na kami.
Huminga ako ng malalim habang ini enjoy ang mabangomg amoy ng dagat, nakakaramdam ako ng kaginhawaan ng mag alon ng malakas at matamaan ako. Nagsimula na kaming maglakad sa dagat at ilang saglit pa ay lumiwanag ang aming tinatapakan maging ang aming katawan. Kasabay ng pag alon ng napakataas ay ang pagbabago ng anyo naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.