Chapter 34

34 8 0
                                    

Puro sigawan ang maririnig sa bawat sulok ng Field. Natatakot ako, hindi sa sarili ko kundi para sa kanilang lahat. Hinanap ng mga mata ko si Thalia at kagaya ko ay lumabas ang natural na kulay ng mga mata niya.

"Thalia" pagtawag ko.

"Nararamdaman kong narito na siya, Mahal na Prinsesa"

"Aaarrrggghhhhhh" sigawan ng mga tao. Sinundan ko iyon ng tingin at doon ko nakita ang mga estyudante at mga staffs na nag kukumpulan sa isang sulok.

"Halliimmaawwww" galit na sigaw ng kung sino

"Sallooottt"

"Aswaannggg"

Paulit ulit nilang sigaw.

"Hooyy! Huwag niyong pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan ko! Kung tinatawag niyo silang Halimaw, mas Halimaw kayo! Tanginaniyo" galit na sigaw ni Lorraine sa kanila

"Sige Lorraine kampihan mo ang mga Halimaw na yan! Nang maging Halimaw karin!"

Sasagot pa sana si Lorraine nang magsalita na ako.

"Tama kayo, Halimaw kami. Pero mas Halimaw kayo, iyan ang tatandaan niyo" malamig kong sabi saka tinalikuran sila.

Umihip ang napakalakas na hangin at halos tangayin na ang iba kaya naman dali dali ko silang ikinulong sa napakalaking bula, magsisilbi iyong proteksiyon nila.

"HAHAHAHAHAHHAHA" lahat kami ay napalingon sa direksiyon ng babaeng tumatawa.

Andito na siya.

Nakatakip parin ang mukha niya at dahan dahang naglakad papalapit sa amin.

"Kaytagal kitang hindi nakita, anak ko" saad nito dahilan para mapako ang tingin ko sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Hindi niya ako sinagot ngunit ay Ngumisi lang siya.

"Kaysakit namang malamang hindi ako kilala ng aking napakagandang anak" nasasaktan kunwaring saad niya.

"Hindi ka nakakasiguro! Hindi ikaw ang kanyang Ina" Matapang na sigaw sa kanya ni Thalia. Kasunod nun ay ang pagliwanag ng kanyang katawan at mga mata.

"Isang Damaris. Sino ang iyong Ina?" seryoso at bakas ang pagkamangha sa kanyang Mukha.

"MAGTIGIL KA VICTORINA!!" isang sigaw ang dumagundong sa loob.

"T-Tiya Vien" Gulat na saad ni Thalia. Kasunod ni Tita Vien si K-Kuya Crimson?!

"Chelseaaa!!!" sigaw niya at nagmadaling tumakbo upang mayakap ako.

"I-kaw na ba iyan Kuya? Nakikilala mo na ako?" naiiyak kong sabi. Pinunasan niya namana ng luha ko at nakangiting tumango sa akin.

"Huwag mo na natin iyan pag usapan sa ngayon" sabi niya saka hinila ako papunta kay Thalia.

Mataman kaming Pinagmasdan ni Victorina at wiling wili siya na pagmasdan kaming nagkita kita.

"Kay gandang pagmasdang nagkasama na kayong dalawa, ilang taon na ngaba ang nakakalipas? HAHAHAHA" malademonyo talaga ito tumawa

"Victorina itigil mo to!!!" Saad ni Tita Vien habang lumalapit sa pwesto ni Victorina.

Ngunit bago paman siya makalapit ay may mga abas na lumabas sa likod nito at saka sunod sunod na inatake si Tita.

Nang maka bwelo ay pinaulanan ng palaso ni Tita Vien si Victorina ngunit kasimbilis lang ng hangin ang kilos nito, sa isang iglap ay nasalo nitong lahat ang palaso at inihagis iyon patungo kila Lorraine.

Gamit ang isip ay ikinontrol ko ang mga palasong ito saka inipon at inihulmang espada. Humakbang ako papalapit sa kanya saka ito diretsong tiningnan sa mga mata.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon