Chapter 35-Part 2

32 8 0
                                    

Bago paman tumama ang sandata ni Victorina sa direksiyon ni Thalia ay may isang taong tumakbo sa direksiyon ni Thalia at iniharang ang sarili niya rito, Sa sandaling iyon ay nanaig ang katahimikan at tila bumagal ang oras. Ang tanging maririnig lang ay ang pagbulusok ng Espada at ang tunog ng hangin.

Nasaksihan namin kung paanong bumaon sa katawan ni Mr. Randy Salazar ang sandata ni Victorina, umagos ang sariwa niyang dugo at napaluhod siya sa sakit. Kaagad namang bumalik ang katinuan ni Thalia at kaaagad niyang inalalayan si Mr. Randy at tinulungan itong maihiga sa kanyang binti.

Maging si Victorina ay nabigla sa nangyari at natulala lang sa katawan ni Mr. Randy na ngayon ay naghihingalo na. Batid kong kaunti nalang ang natitirang lakas ni Thalia kung kayat kahit anong subok niyang gamutin ito ay hindi niya magagawa.

Maging si Kuya Crimson ay sinubukan ngunit lahat kami ay nanghihina na. Tulala lang kaming lahat kay Mr. Randy, hindi alam kung anong gagawin. Marahan nitong imunulat ang kanyang mga mata at sinubukang magsalita.

"M-masaya a-ak-akong m-makita ka anak ko" Panimula nito saka sunod sunod na nagbagsakan ang mga luha. Maging ako ay naguluhan, Kung gayon ay siya ang Tatay ni Thalia? Ang buong akala ko ay Isang sireno rin ang Ama nito.

"Hu-Humihingi ako ng K-kapatawaran. Ha-hayaan niyong t-tulungan k-kayo. Hanggat hindi niyo na-nakukuha ang k-kanyang pu-puso ay ma-mananatili siyang buhay. An-ang puso a-ang kanyang k-kahi-kahinaan."

Pilit pa niyang minulat ang kanyang mata, nilalabanan ang pagpikit nito.

"Magkikita n-na kami ng Ku-Kuya mo Thalia, malapit k-ko ng m-makita si J-Jones" Ngumiti pa ito kay Thalia bago nito pinikit ng tuluyan ang nga Mata.

Wala ni Isa man sa amin ang nagsalita, tahimik na humikbi si Thalia, namatay ang kanyang Ama sa mismong bisig niya at ramdam kong mahirap iyon. Naaawa ako sa kalagayan niya, ngayon palang niya nakilala ang kanyang Ama ngunit isinabay pa ang kamatayan niya.

Tumatak sa aking isip ang sinabing iyon ni Mr. Randy, kung gayon ay anak niya si Jones, at magkapatid sina Thalia at Jones. Ang puso niya ang kanyang kahinaan at kailangang ayon ang ipuntirya ko. Ngunit bakit siya nanghihingi ng kapatawaran? Iwinaglit ko iyon sa isip ko pagkat alam kong hindi ngayon ang oras upang malaman ko ang kasagutan sa aking mga katanungan.

Napabalik ako sa aking huwisyo ng biglang umihip ang napakalakas na hangin, lumamig ang paligid at ang mga puno ay nahuhugot sa lupa. Yumayanig ang paligid dahil sa sabay sabay na pagkahugot nito sa lupa.

Nagawa pang tumayo ni Thalia ngunit nanghina na ang kanyang binti kaya ay binuhat na siya ni Kuya at lumipat ng pwesto, samantalang ako ay nanatiling nakatayo at pinakiramdaman ang paligid. Hindi ko mahanap o maramdaman ang prisensiya ni Victorina ngunit batid kong narito lang siya.

Napaangat ako sa ere at inikot ang paningin, nagbabakasakaling makikita ko si Victorina ngunit nabigo ako. Hanggang sa isang sigaw ang aking narinig. Isang sigaw na nagdulot ng kaba sa akin.

"Cheelllsseeeeaaaaaa!!!!! Arrrrgghhhh!!!!"
'Lorraine' Pagbigkas ko sa isip ko at kaagad na nagteleport sa direksiyon nila. Ganon nalang ang gulat ko ng masaksihan ang sagradong panangga na ginawa ko para protektahan sila, ngayon ay wasak na. At mas lalo akong nagulat ng makita ang ibang estyudante na naliligo sa sariling dugo. Halos madurog ang puso ko ng pilit lumalaban si Lorraine mula sa pagkakasakal sa kanya ni Victorina, maging sina Luther at Keanne ay pawang nakatali ng isang halamang dagat na batid kong nakakalason kapagka nahawakan.

Tumingin ako sa likod para sana malaman ang kalagayanan ni Kuya at Ni Thalia ngunit maging sila ay hindi ko nakita, gamit ang seryosong tingin ay tiningnan ko si Victorina. Marahil ay batid niya ang ibig sabihin nun kung kaya ay natawa siya.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon