Pagkagaling ko sa dorm ni Luther ay dumiretso ulit ako sa likod ng Cafeteria, hindi pa ako nakaka kain maliban sa almusal kaninang umaga. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagkagutom kaya napagdesisyunan kong hindi nalang kumain.
Naupo ako sa ugat ng puno at sumandal rito. Inilabas ko ang mga litrato na nakapaloob sa sobre kanina. Sino ba ang nagpadala nito sa akin?! Nakatutok lang ako sa larawan ng ilang minuto habang nag iisip ng bigla akong makaramdan ng kakaiba. Pinakiramdaman ko ang paligid ko at saka ko ginamit ang kapangyarihan ko na makakita ng masasamang pangyayari sa mga taong malalapit sa akin, at dun ko nakita si Keanne na tumatakbo kasama si Lorraine, may mga galos sila sa katawan kaya hindi na ako nagdalawang isip at nag teleport ako papunta sa dorm at kinuha ang cloak at sinabihan si Thalia na hanapin sina Keanne at Lorraine na agad niya namang sinunod.
Ramdam ko ang pagbabago ng mata ko habang inililibot ang paningin ko sa buong eskwelahan. Walang katao tao rito kaya pumasok agad sa isip ko na maaaring nasa loob kaming lahat ng ilusyon. Kung nakaya niyang ilagay ang lahat ng tao sa eskwelahan na ito sa ilalim ng ilusyon ay hindi hamak na napakalakas nga niya. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may marinig akong sumigaw, dali dali akong tumakbo papunta ron at doon ko nakita si Lorraine na punong puno ng dugo habang nasa harap nito ang taong nakasuot ng puros itim na kasuotan.
"Isang hakbang palapit sa kanya at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka" saad ko sa napakalamig na boses habang pinaglalaruan ang tatlong bola ng tubig sa kanang kamay.
Ngumisi naman ito saka humarap sa akin. Hindi ko alam pero nang magharap ang mga mata namin ay nakaramdam ako ng panlalamig, parang nakita ko na ang kanyang mga mata noon ngunit hindi ko lang maalala.
Nang tuluyan itong makalayo ay saka ako tumakbo palapit kay Lorraine at binuhat ito. Malalalim ang sugat na natamo niya kaya naman hindi na niya halos mamulat ang mga mata niya at nanghihina na siya, hindi mapaliwanag anv kabang nararamdaman ko kaya naman ng makakita ako ng malawak na damuhan ay inilapag ko siya roon.
"Wag kang mag Alala Lor, gagamutin kita. Kaya mo yan" bulong ko sa kanya habang hinahaplos ang pisngi niya.
Inuna kong ginamot ang sugat niya sa bandang tiyan at nang maghilom naman ito ay sinunod ko ang sugat niya sa mukha at kamay, masyadong malalim ang sugat na natamo niya sa tiyan kanina kaya naman ay kinailangan kong doblehin ang lakas ng enerhiya ko para magamot ang mga sugat niya sa katawan. Nang makita kong wala na siyang sugat ay Ginamit ko ang kapangyarihan kong komontrol ng tubig saka nilinisan ang katawan at damit niyang nabahiran ng dugo saka ko siya Iniwan doon, pero bago paman ako makatalikod sa kanya ay sinugurado kong nagamitan ko siya ng hipnotismo at binura ang ala ala niya sa nangyari kanina.
Gamit ang telepathy ay sinubukan kong kausapin si Thalia.
'Thalia'
'Mahal na Prinsesa, asan ka?'
'Nahanap mo ba si Keanne? si Lorraine ay nakita kona at iniwan siya sa malawak na damuhan si Keanne ay hindi ko pa nakikita'
'Mahal na Prinsesa, walang duda na kagagawan ito ng taong nakaitim kanina habang naglilibot ako ay nakita ko siya. Prinsesa, maraming estyudante ang malala ang kalagayan'
'Asaan ka? pupuntahan kita'
Nang sabihin ni Thalia kung nasaan siya ay gumamit na ako ng teleportation para makarating agad doon. Ganon nalang ang pagkalumo ko ng makita ang iilang estyudanteng nakasandal sa puno habang punong puno ng sugat, nakita ko rin si Thalia na akay akay ang walang malay na si Keanne.
"Prinsesa, marahil ay nag uumpisa na siya sa plano niya" bungad sa akin ni Thalia ng makalapit siya sa akin.
"Siguro, ngunit kanina ay nagkaharap kami" sabi ko at sumeryoso si Thalia
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.