Maaga palang ay naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos kong mag ayos ay nauna na akong pumunta sa Cafeteria para mag almusal. Nag order lang ako ng Kape dahil hindi naman ako nagugutom. Habang humihigop ako sa kape ay nakatingin lang ako sa labas, pinagmamasdan ko ang mga puno at ang kabuuan ng Campus ng may maramdaman akong naupo sa tabi ko.
"Ah good morning" nahihiyang pagbati ni Jones
"Gandang umaga rin" sagot ko saka muling humigop sa kape.
"Ah kamusta? Ok ka naba?" tanong niya sa akin at tumango naman ako.
"Nakalimutan ko kaseng i-lock yung SSC Office kagabi kaya naman binalikan ko, nagulat nalang ako ng makita kitang wala sa sarili na nag lalakad kaya pinuntahan nalang kita" pagkwento niya sa akin.
"Salamat nga pala, ok na ako" nakangiti kong sabi sa kanya kaya naman napangiti din siya.
Nasa ganon kaming pag uusap ng makita ko sina Thalia at Lorraine na papasok sa Canteen, nasa likod nila si Keanne kaya naman nagpa alam na si Jones na babalik sa pwesto nila.
"Wow akalain mo nga namang close na kayo non? tss akala ko ba ay ayaw mo sa kanya?!" sarkastikong tanong sakin ni Lorraine ng makaupo na siya.
Tumabi sa kanya si Keanne habang umupo naman sa tabi ko si Thalia. Wala yata si Luther? tss. bat ko ba siya hinahanap.
"Hindi mo manlang ba tatanungin kung anong nangyari kay Luther? kunsabagay wala ka namang paki alam siguro nga ay kagagawan mo rin yun diba? o baka naman ginamitan mo siya ng kapangyarihan para magkasakit siya? hmm" nakakainsulto pa niyang dugtong sa sinabi.
"Ano bang pinag sasabi mo? Hindi na kami nag tagal doon kagabi dahil nung nagpa alam ka ay nag paalam narin ako kaya wala akong alam jan sa sinasabi mo" Ganti ko sa kanya.
"oh eh bakit? hindi bat nung umalis ako ay kayo nalang dalawa ang natira? anong malay ko at baka kung ano na ang ginawa mo sa kanya kaya siya inaapoy ng lagnat ngayon?" bwelta niya ulit.
Sinusubukan kaming pakalmahin nina Thalia at Keanne dahil ang ilang estyudante sa Canteen ay sa amin na nakatingin. Tumigil naman kami pero andun padin ang masasamang tinginan namin sa isat isa.
Maya maya pa ay may isang babae ang tumatakbo papasok sa loob ng Canteen, nilibot niya ang kanyang paningin at ng mapatingin siya sa pwesto namin ay kaagad siyang pumunta.
"Isa po ba sa inyo si Ms. Lozano?" tanong nung babae sa amin
"bakit?" sagot ko
"May nag iwan po kasi ng sulat sa guard para daw po sa inyo" wika niya at saka nag pa alam dahil may susunod pa itong klase.
Nakatingin naman sa akin sina Thalia at sa sulat na hawak ko. Dahan dahan ko itong pinunit ngunit imbes sulat ay litrato ang bumungad sa akin. Kuha ito kagabi, mula sa picture naming dalawa ni Luther sa loob ng Faculty Room habang ako ay nasa pinto. at Ang isa naman ay ang sinundan niya ako samay hagdan. Ang pangatlo ay ang litrato na nakayakap sa akin si Jones habang nasa likod namin si Luther na may hawak ng payong at nakatitig sa amin.
Nung una ay hindi ko pa naintindihan ang sinasabi ng larawan ngunit ng tingnan kong mabuti ang huling larawan ay nakita kong sa likod ni Luther ang taong nakaitim habang nakaupo sa sanga ng isang puno at tila ini enjoy ang magandang tanawin. Sa likod ng litrato ay nakasulat ang katagang nakapag pakaba sa akin.
"Siyang maraming nalalaman ang aking hahatulan ng kamatayan,
Siyang walang alam ang aking gagamitin para sa iyong kahinaan."Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami ng classroom. Hindi parin maayos ang pakikitungo namin ni Lorraine sa isat isa kaya naman ako na ang umiwas, habang nag kaklase kami ay lumilipad lang sa isip ko ang tungkol sa sulat sa likod ng litrato naming tatlo nina Jones at Luther ng kung sino mang kumuha nun.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.