Chapter 2

183 110 59
                                    

Matapos ang nangyaring pag hihipnotismo ko kay Luther ay naging panatag na din naman ako kahit papaano. Sinabi ko na din ang nangyari kay Thalia at sinabihan niya akong kontrolin ang kapangyarihan ko kapag nasa harap ako ng maraming tao.

Tumunog ang bell, hudyat ng break time. Nauna kaming tumayo ni Thalia  ngunit pinigilan kami nina Lorraine at sinabing sumabay na kami sa kanila.

Sama sama kaming lima papuntang canteen. Habang naglalakad ay iniisip ko kung ano ba ang relasyon nina Keanne at Lorraine, masyado silang malapit sa isat isa. Ayoko din naman mag conclude at sabihing 'sila' baka kase hindi naman ede pahiya ako.

Nang medyo nakalayo na sina Luther at Keanne ay sumabay ako sa paglalakad kay Lorraine.

"Ah Lor may itatanong sana ako" saad ko ng magkapantay kami sa paglalakad.

"Hey, ano yun Chels?"

"Ah kayo ba ni Keanne?" Napansin kong napatigil siya saglit at saka tumawa.

"Andami niyong nagtanong sakin niyan. Kababata ko siya" ayun ang sinabi niya pero dahil sa kapangyarihan kong makapagbasa ng isip ng isang tao ay nalaman kong mahal nito si Keanne, sobra pa sa pagmamahal ng isang kaibigan.

Ngumiti lang ako sa kanya at sabay sabay kaming tatlo ni Thalia na pumasok sa Canteen. Malaki ang Canteen nila may mga mesa at meron din namang bench sa labas or sa field, depende na sa estyudante kung san niya gustong kumain. Tinawag na kami ni Keanne at naupo na kami sa table. Naka order na silang dalawa ni Luther at inorderan na din ni Keanne si Lorraine.

"Sorry Chels hindi ko kase alam kung anong order niyo kaya si Lorraine nalang ang inorderan ko"  -Keanne

"Ok lang kami na ang bahala" saad ko at hinarap si Thalia.

"Ah prin- C-chelsea anong gusto mo?" -Thalia

"Sama na ako sayo Thal, hindi ko pa alam ang mga pagkain dito" hinila ko na siya dun at tiningnan siya ng natatawa.

"Patawad po Muntik na na kita tawaging Prinsesa" - saad nito sa kanyang isip.

"Tss. HAHAHA sanayin mo ang sarili mong tawagin akong Chelsea Thalia mahaba haba pa ang ating ilalagi sa kanilang mundo."

Pagkatapos niya tumango ay nag order na kami ng makakain. Nag order kami ng dalawang box ng pizza at coke in can. Bumili din kami ng dalawang sandwich at bumali na kami sa table.

"Oh dalawang box? Iuuwi niyo?" Bungad sa amin ni Keanne.

"Hindi, baka gusto niyo pwede kayong kumuha" nakangiti kong saad sa kanya saka naupo sa katabing upuan ni Luther.

Nag umpisa na kaming kumain hanggang sa magtanong si Luther.

"Transferee kayong dalawa diba?" Tanong nito na nasa akin ang paningin.

"Ah oo bakit?" Ramdam ko ang pagtaas ng isang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Nakakuha na kayo ng susi ng dorm?" -Luther

"Hala? Thalia? Wala yata tayong susi hindi pa natin nasakukuha sa Headmaster's Office." Saad ko habang nakatingin kay Thalia.

"Mamaya nalang siguro Chels" -Thalia

"Nakalimutan ko, nag text sakin si Tita Vivianne naiwan mo daw ang cellphone mo. Ihahatid niya sa Café dun mo nalang daw kunin gmitin mo nalang ang sasakyan." Saad ko habang kumukuha ng pizza.

"Sige sige ok lang ba sayo na ikaw nalang kumuha ng susi ng dorm?"
Nag aalangang wika ni Thalia. Kaya ngumiti ako sa kanya

"Oo nga sabi, kulet."

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon