Ilang araw ang lumipas at hindi lumalabas sa dorm si Lorraine. Habang kami naman ni Thalia ay pumapasok sa klase.
Kapagka maaga ang uwian ay didiretso na kaming dorm upang kausapin si Lorraine, kung gusto nitong mamasyal o kumain sa labas ngunit paulit ulit din niyang tinatanggihan.
Hindi na din kami masyadong nagkakasama nina Keanne at Luther, si Keanne ay iniiwasan kami habang si Luther ay hindi uli ako pinapansin at siyempre sinasamahan si Keanne.
Nasa gubat kami ngayon ni Thalia, hindi siya gubat pero madami lang talagang kakayuhan. papunta kami ngayon sa bahay ni Tita Vivianne, ngayon ang una naming pagmamatyag sa kanya. Habang nasa daan kami ay naririnig namin ang paghampas ng tubig sa lupa.
Pagkarating namin sa gitna ay kaagad naming binago ang kulay ng aming mata at nang maglaho ang mga sangang nakaharang at tumambad sa amin ang isang pinto ay kaagad na kaming pumasok.
Tahimik lang ang paligid ngunit kapansin pansin ang pagiging makalat nito. Ang huling araw na pumunta kami rito ay maayos pa ito at hindi nakakalat ang mga gamit. Patuloy lang kami sa paglalakad ng matapakan ko ang isang maliit na bote na mukhang lalagyan ng gamot.
Ngunit imbes na gamot ang makita ko roon, ay mga perlas ang laman. Maging si Thalia ay nakakita ng mga korales at iba pang mga mamahaling perlas na sa kaharian lang matatagpuan.
Naglibot libot pa kami at may iilan pang mga aquarine ang nasa lapag. Maging ang kusina ay hindi ganoon karumi ngunit napaka kalat lamang ito.
Nasa ganon kaming sitwasyon ng biglang may bumulusok na pana sa pagitan namin ni Thalia, kaagad na hinarang ni Thalia ang kanyang sarili sa akin at saka lumabas sa kwarto ang sampong mga lalaki na nakasuot ng puros itim na kasuotan, hindi nakatakip ang mukha nito kaya naman ay kitang kita ang pagiging dilaw ng mga mata, ibig sabihin ay isang ordinaryong Sirena.
"Sino ang nagpadala sa inyo rito?" malamig na sabi ni Thalia, nakakasilaw ang liwanag na magmumula sa mata nito at ang liwanag na lumalabas sa kanyang katawan."Oh? Puti ang mga mata, marahil ay isang guardian ng Maharlika" nakangiaing sabi ng isa, iyon siguro ang lider nila
"Uulitin ko, sino ang nagpadala sa inyo rito?" pag uulit ni Thalia ngunit hindi parin siya sinagot ng mga ito. Sa halip ay pinalibutan kami at nag astang sasalakay.
"Madali kaming kausap kaya kung ayaw niyong maglaho bigla, kilalanin niyo ang kinalaban niyo" ngisi ni Thalia saka kami tumalikod sa isat isa.
"Sige total ay mamamatay na rin kayo, sasabihin ko na kung sino ang nagpadala samin rito" sabat ng isa habang pinaglalaruan ang isang patalim
"Sa totoo lang ay hindi namin nakita ang mukha niya, pero ang palantadaan ay ang marka nito sa dibdib. Isang ahas" seryosong sabi niya saka nag umpisa ng kumilos. Hinayaan kong si Thalia na ang tumapos sa kanila ngunit may kakaiba sa ikinikilos ng mga ito. Hindi normal para sa isang ordinaryong sirena ang kayang kontrolin ang tubig kapag nasa lupa kaya nakakapagtakang nakokontrol nila ito.Hindi ako gumagalaw sa pwesto ko at inaaral ko lang ang mga kilos nila hanggang sa napatingin sa akin ang tatlo sa kanila at sunod sunod na kumilos upang atakihin ako. Ngunit bago paman sila makalapit sa akin ay inihagis ko na sa kanila ang isang kutsilyo na gawa sa tubig, sa sunod sunod na paghagis ko ay hindi nila iyon naiwasan at nakatamo ng malalalim na sugat.
Humakbang ako palapit sa kanila habang kinokontrol ko ang hangin kasama ang tubig ay nagdulot ng sobrang ginaw at ang mga lumalaban kay Thalia ay natigilan at kunot noong nakatingin sa akin.
"Sabihin niyo sa akin, nasaan ang may ari ng bahay nato at paano kayo nakapasok rito?" malamig kong sabi.
"Bat ka namin sasagutin? S-sino kaba?" diretso man ay halatang natatakot na sabat ng isa sa kanilang kasama
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.