Mag gagabi na at nasa labas parin ako. Andito ako ngayon sa likod ng Cafeteria. Nakatingin lang ako sa langit at pilit inaalis ang mga negatibong bagay na pumapasok sa isip ko. Ang maaaring pagkadiskubri ni Keanne sa tunay na katauhan ko, kung sakaling maka alala na siya at ang Huling tanong sa akin ni Luther pagkatapos niya ako talikuran.
Nakaramdam naman ako ng pagkirot sa puso ko nang maalala ang matatalim na tingin ni Luther sa akin kanina habang tinatanong niya kung sino ba talaga ako.
Napapikit nalang ako habang dinadama ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. 'Hindi ako pwedeng mahulog ng tuluyan sayo Luther, hindi ko kayang makitang nahihirapan ka o kung sino man sa inyo na makita kung sino at ano ba talaga ako. Misyon ko lang ang ipinunta ko dito at yun ang mahalaga' ang tanging nasambit ko sa isip ko at tuluyan ng tumayo at bumalik ng dorm.
Pagkalagpas ko palang sa gate ng dorm ay sinalakay na agad ng kaba ang dibdib ko, pakiramdan ko ay may hindi na naman magandang mangyayari ngayong gabi.
"Andito kana pala Chelsea, kanina kapa namin hinahanap eh" bungad sa akin ni Lorraine
"Ah nagpahangin lang sa banda ron, bakit?" tanong ko habang tinatanggal ang sapatos ko.
"Hinanap ka kase sa akin ni Ma'am Felly pumunta ka daw sa Faculty. Ay mali! Kasama pala ako, samahan daw kita eh" sagot naman ni Lorraine.
"Ah sige mag bibihis lang ako ng damit, naiinitan nako sa suot ko"
Pagkatapos kong magbihis ay nagpa alam na ako kay Thalia saka kami lumabas ni Lorraine at dumiretso sa Faculty.
Tahimik ang hallway at wala ng halos estyudante, nag roronda narin ang ibang mga guwardiya sa paligid at ang iilan naman ay nakabantay lang. Pumasok na kami sa loob at ganon nalang ang gulat ko ng makita sina Kuya Crim- si Luke at si Luther sa harap ni Ma'am Felly at nakaupo.
"Natatandaan niyo ang sinabi ko tungkol sa pinaghihinalaan namin? Ang sabi ko ay nasa klase ko ang tatlo at kayo iyon" panimula ni Ma'am habang nakatingin ng maigi sa aming tatlo ni Lorraine.
"At maliban sa tatlo kong estyudante, ay nakita ka rin sa CCTV Luke, at hindi porke anak ka ng may ari ng eskwelahan ay hindi kana namin paghihinalaan" dugtong ni Ma'am habang matamang naka tingin sa aming apat.
Tahimik lang kami at nag iintay lang sa susunod niyang sasabihin ngunit maging siya ay tumahimik na, kasunod non ay ang pagbukas niya sa drawer ng table ag inilabas ang mga litrato kung saan ay makikita nga kami, bawat anggulo ng nasabing litrato ay klaro pa sa clear nga kami nga iyon. Ang naunang litratong pinakita ni Ma'am ay ang mga litratong nakita sa uanng kaso ng pagpatay, makikita sa litrato si Luther na parang may hinahanap sa hallway, kasunod nun ay ang pagpasok niya sa lumang Faculty Room, maging ang paglabas niya ay nakunan din. Kasunod niya ay pinakita din ni Ma'am ang litrato ko habang paliko sana ng CR, iyon yata yung mag C-CR lang dapat ako ngunit nakaramdan ako ng malakas na enerhiya at sobrang lamig na hangin kayat sinundan ko iyon. Kasunod ay ang litrato ko na nakatingin sa maliit ng daan sa likod ng dating Faculty Room, at ang huli ay ang litaro ko habang dire diretsong naglalakad pabalik sa Dina anan ko kanina.
Lahat kami ay abala sa pagtingin ng litrato ng bawat isa sa amin. Sunod na pinakita ni Ma'am ang litrato ni Luther habang nakasandal sa pader habang may tinitignan kasunod nun ay ang paglabas niya ng Lumang Faculty Room. Ang huling pinakita ay ang litrato na nakunan kay Lorraine, ang una ay ang pagbaba nito sa hagdan, kasunod ay ang litrato nito habang nakatago sa likod ng puno habang may tinitignan.
"Yan ang naunang kaso ng pagpatay na nagyari sa likod ng lumang Faculty, kayong apat lamang ang pumunta sa lugar na yan. Maliban sa inyo ay nakita rin sa CCTV ang isang taong nakasuot ng puros itim na kasuotan, hindi namin matukoy kung lalaki o babae ngaba ito o kung isa ba sa inyo ang nasa likod na katauhan ng taong iyon" Paliwanag sa amin ni Ma'am pagkatapos namin makita ang mga nakuhang litrato sa likod ng dating Faculty.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.