Bumungad sa amin ang isang kakaibang hitsura ng karagatan, marahil ay narito na nga kami sa kailaliman. Walang makikitang magagandang isda, maging isa sa mga ito ay malang makikita. Tanging tubig lang ang malinaw na makikita.
Nagsimula kaming lumangoy, hinahanap kung mayroong mga Bantay dahil nga ito ang kulungan ng mga sirenang may pinakamabigat na kasalanan.
Patuloy lang kami sa paghahanap ng mapansin ko ang isang hugis parihaba na mukhang semento sa ilalim ng karagatan. Tinawag ko sina Thalia at Ian upang maipakita sa kanila ang nasaksihan ko.
"Mukha siyang isang pintuan papunta sa baba ngunit walang hawakan. Paano natin iyan mabubuksan?" tanong ni Ian
"Hindi ko din alam, wala aking ideya siguro ay kailangan nating wasakin" suhestiyon ni Thalia
Pareho naming itinipat ang aning kamay sa semento ngunit mukhang may sariling buhay yata ito at hinihigop ang aming lakas kaya agad akong napabitiw maging sina Thalia at Ian ay nanghina rin sa ginawa.
"Hinihigop niyan ang ating lakas Mahal na Prinsesa marahil ay maling desisyon ang paggamit ng kapangyarihan" wika ni Thalia
Bahagya kaming lumayo dito at nag isip ng maaaring gawin. Sa pag isip isip ko ay pumasok sa isip ko ang isang ideya. Hindi kaya kami ang hinihigop ng pinto at hindi ang lakas namin? Lumangoy akong muli papunta rito at muli kong itinapat ang kamay ko, tiniis ko ang sakit at pinagmasdan kong lumulusot ang kamay ko rito! kung ganon ay tama ang naisip ko!
"Ian, Thalia halikayo!" pagtawag ko sa kanila
"Ano iyon Prinsesa?" tanong nila.
Kaagad ko namang sinabi ang nangyari kanina at kaagad naman silang sumang ayon. Pumosisyon kami at sabay sabay na itinapat ang aking palad rito. Kasunod ng pagsigaw namin ay ang pagpasok namin rito.
Isang malaking aquarium ang sumalubong sa amin at doon at ang kidlat na harang sa taas at bawat gilid. Gamit ang kapangyarihan ay hinigop ko ang kidlat na mga harang saka kami nag umpisang lumangoy papasok sa loob.
Sa loob nito ay ang isang taong nakatali ng matitinik na halamang dagat. Hinang hina na ito at puros dugo ang katawan, marahil ay sa kagustuhan niyang kumawala.
"Innaaaaaaaa" sigaw ni Thalia na nakakuha ng atensiyon ko.
Hindi ko mapigilang hindi maawa sa kalagayan ni Thalia, ang inaakala niyang Ina ay hindi pala totoo, ang makita ang kanyamg Ina sa ganitong sitwasyon ay kay sakit naman talaga. Hindi na ito gumagalaw ngunit may pulso pa, maaaring kapagla nagtagal la ito rito ay mamamatay na siya.
"Ang aking Ina Prinsesa, alam kong siya ang aking Ina" naluluhang sabi ni Thalia
"Wag kang mag aalala, ililigtas natin siya" nakangiti kong sabi ngunit hindi maalis sa mata ang pangamba.
"Ian, ano sa iyong palagay? ligtas bang tumawid sa kanyang pwesto?" tanong ko kay Ian
"Hindi ko ho Sigurado Prinsesa ngunit aking susubukan"
"Huwag, baka kung anong mangyari sayo" pagpigil ko sa kanya, maging ako ay kinakabahannsa maaaring mangyari kapag tumawid kami patungo sa pwesto ni Tita Vivianne.
"Akin lang hong titignan Prinsesa, huwag kang mag aalala" Lumangoy na siya kaya hindi ko na ito napigilan pa.
Habang nasa tabi ako ni Thalia ay binabantayan ko naman ang paligid, sinisugarado na walang kahit anong nilalang ang umatake sa amin. Nakkita ko rin si Ian habang dahang dahang tinatanggal ang makakapal na mga halamang dagat na naka tali sa braso't paa ni Tita Vivianne.
Nang Mapalaya niya ang isang braso ni Tita Vivianne ay lumipat na siya sa kabila ngunit bago pa man ito makatawid ay nagising na si Tita Vivianne at sinalakay nito si Ian. Kahit nag iisang kamay ay nakakayang labanan ni Tita Vivianne si Ian. Ngunit dahil sa nanghihina na ito ay kaagad din namang sumuko pero naroon parin ang kanyang kagustuhang manlaban. Nang sasalakay siyang muli ay kaagad na akong lumangoy roon kasama si Thalia at ginamit ang aking kapangyarihan na kontrolin ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.