Totoo nga ang sinabi ni Keanne. May natagpuan ngang patay sa gilid ng Gym kaya maraming mga pulis ang naglilibot ngayon sa school. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch sa Canteen, tahimik lang ang lahat ng estyudante marahil ay takot. Dumoble na rin ang curfew imbes hanggang alas 9 dapat ay nasa loob ka na ng dorm, ngayon naman ay alas 7.
"Ano ba yan hindi ako maka kain ng maayos. Pakiramdam ko ay tinitingnan nila tayong lahat habang kumakain. Nakakailang" reklamo ni Lorraine
"Bat ka ba nag iinarte jan? Ganda ka?!" Pambabara sa kanya ni Keanne kaya tinutukan niya ito ng tinidor. Nakita siguro iyon ng security kaya pumito ito at sinenyas kay Lorraine na ibaba ang tinidor na nakatutok kay Keanne.
"Bwisit" wika ni lorraine saka nagpatuloy ng kain.
Tahimik na kaming kumain pagkatapos nun ng biglang dumating ang ilang SSC Officers, pinapabalik daw kami sa classroom dahil may importanteng announcement.
Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa room ng maramdaman ko ulit ang napakalamig na hangin at ang enerhiya ng taong yun. Luminga linga ako sa paligid ngunit wala akong makita, hindi pwede baka may mamamatay na naman. Tiningnan ko ang mga puno at bubong baka sakaling makita ko siya ulit ngunit nabigo lang ako.
Pagkapasok palang namin sa classroom ay mapapansing seryoso ang lahat.
"Ok class. Alam niyo naman siguro ang estado ng eskwelahan ngayon. Sa ngayon ay meron ng tatlong estyudante ang namatay." Huminto muna sa pagsasalita si Ma'am at saka bumuntong hininga.
"Hindi pa nalalaman kung sino ang killer pero merong mga estyudante ang pinaghihinalaan. Dahil andun sila bago mangyari ang pagpatay." Hindi ko alam pero kinabahan ako.
"At ang tatlo dun ay nasa klase lang natin" seryosong wika ni Ma'am Felly.
Lahat kami sy seryosong nakinig pagkatapos non. Alam kong isa ako sa tatlong yun, ang iniisip ko ay kung sino ang dalawa. Posible kayang isa sa mga yun ang taong nasa likod ng itim na kasuotan? Ngunit naputol lang ang lahat ng iniisip ko ng biglang ipagpatuloy ni Ma'am Felly ang kanyang sinabi.
"Pero hindi ko sasabihin sa lahat kung sino silang tatlo, Silang tatlo lang ang makaka alam dahil hindi pa naman sigurado kung konektado ba sila sa pagpatay o nagkataon lamang. Wala pang ebidensiya sa ngayon." dugtong niya.
Tumahimik ang buong silid pagkatapos banggitin ni Ma'am ang katagang yun. Siguro, katulad ko ay iniisip din nila kung sino ba yung tatlong yun?
Ilang minutong katahimikan at saka nagpa alam na si Ma'am na lumabas at antayin ang susunod na guro namin. Pagka alis na pagka alis ni Ma'am ay kanya kanyang bulungan na ang mga kaklase ko, maging sina Lorraine ay ganon din. Habang ako ay halos malunod na sa kakaisip kung sino ngaba ang taong nasa likod ng itim na kasuotan na yun at kung bakit napakalakas na enerhiya ang bumabalot sa kanya. Pati ang mga sugat na natamo ng mga biktima at ang paraan kung paano sila namatay ang parang sirena ang may gawa. Ang mga kalmot, ang pagkaubos ng tubig sa katawan at ang bangkay nito na parang nilublob sa pinakailalim ng dagat dahil sa sobrang lamig at putla."Chelsea!!!!" sigaw ni Lorraine sa mismong tenga ko!
"Aray! anuba?!" sinamaan ko siya ng tingin na ngayon ay nasa harapan ko na pala pati si Luther na nakasandal sa bintana. teka?! ganon ba kalalim ang iniisip ko para hindi maramdaman ang presensiya nila?! tss.
"Yung tungkol sa sinasabi mo kanina?" panimula ni Keanne
"Ibig mo bang sabihin ay nagising ka ng bukas ang bintana sa kwarto ng dorm niyo?" tanong ni Luther kaya napatango ako.
"Nagising ako ng mga hating gabi na siguro yun? hindi ko na kase natignan ang oras. nagtaka ako kung bakit parang may gumagalaw sa kwarto kaya naman bumangon ako. pagka bangon ko ay nakita kong kurtina pala ang gumagalaw at saka ko nakitang nakabukas pala ang bintana" paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.