Maaga kaming nagising ngayon dahil wala lang, basta nagising lang kami ng maaga saka naghanda sa pag pasok sa eskwelahan.
Dumaan kami sa Canteen saka nag order ng pang agahan, hindi na kami umupo pa ron dahil dumiretso na kami sa Room. Wala pang estyudante rito at kami palang ang nauna.
"Bat kase ang aga nating nagisinngggg!" parang maiiyak na sigaw ni Lorraine."Ewan ko sayo, ikaw nga tong unang magising. Sa sobrang ingay mo ay nagising kami" Inis namang sabi ni Thalia sa kanya
"Sige mag sisihan kayo, tingnan natin kung mababawi niyan ang tulog niyo" Sabi ko at natahimik sila.
"Ikaw kasi! Bat kasi nag iingay" bulong na sigaw ni Thalia kay Lorraine
"Eehh, basta! Ayoko kayong i-spoil no" ganti naman rito ni Lorraine, mga isip bata!
Umupo na kami sa upuan namin sa likod at nag umpisa ng kumain. Siyempre habang kumakain kami hindi pwedeng hindi magdaldal si Lorraine baka daw kase ikamatay niya.
"Ang konti ng sahog ng lugaw nila tas ang alat" Reklamo ni Lorraine
"Mas madami pa yata yung luya kesa sahog na dadalawa lang" reklamo din ni Thalia
"Bat kase ayan ang binili niyo?" inis kong sabi sa kanila
"Madami kasi ang bumili kaya akala ko masarap" nakangiwing sabi ni Lorraine
"Oo nga, teka lang asan na yung pagkain mo?" takang tanong ni Thalia
"Tss. Ang alat alat ng adobo nila, parang tubig dagat pa yata ang ginamit nilang pang sabaw. Tas yung manok na binigay yung mga buto-buto pa" reklamo ko rin
"Lika ibalik natin to sa Canteen o kaya bumuo tayo ng grupo para mag alsa" suhestiyon ni Thalia
"Mag papamigay tayo ng mga fliers para sa mga gustong sumali sa grupo natin" wika ko
"Oo nga tapos magiging headline tayo ng balita" nanlalaki ang mga matang wika ni Lorraine
"Mga estyudante ng Montessori High bumuo ng grupo ng pag aalsa laban sa cook ng Canteen" dagdag ko pa
"Tapos magpapa Tulfo tayo" dagdag din ni Lorraine
"Tapos magiging famous tayo sa social media" -Thalia
"Manghihinga sila ng Advice sa atin tungkol sa gagawing pag aalsa"- Ako
"Oo nga tapos kakausapin tayo ng mga Cook sa Canteen na itigil na ang plano natin" -Lorraine
"Pero siyempre hindi tayo papayag!" sabay naming sabi ni Thalia
"Tapos hindi niyo napansin na kanina pa nakapasok si Ma'am" sabi ng kung sino at sabay naman kaming napatili.
"HAHAHAHAHAHAHHA" tawanan ng mga kaklase namin
"Pag aalsa pa nga HAHAHAHHA" sigaw ng isa
"Tubig dagat na sinabaw sa adobo amp HAHAHAHA" sabi naman ng isa kaya naman napapahiya kaming nakitawa sa kanila. Bwisit.
"Oh siya, itapon niyo na muna yan ayan muna ang unang hakbang niyo sa gagawing pag aalsa" natatawang sabi sa amin ni Ma'am Felly kaya naman nagsitawanan na rin ang iba naming kaklase
Sabay kaming lumabas nila Thalia at saka nagmamadaling lumakad sa kahabaan ng Hallway para itapon ang natirang pagkain sa basurahan saka kami pumunta ng CR para maghugas ng kamay.
"Hindi yata pumasok sina Luther ah?" tanong ko habang nag sasalamin
"Hallaaa siyyaaaaaaa" pangantiaw ni Lorraine saka tinusok tusok ang tagiliran ko
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.