Chapter 35-Part 1

32 9 0
                                    

Maluha luha kong tiningnan si Ina na ngayon ay Bumalik na sa totoong mukha ni Victorina. Hindi ko inalintana ang saksak ko sa dibdib. Paano ko hahayaan ang sarili na patayin ang Sariling Ina?! 

Buong buhay ko ay si Ina ang hinangaan ko, siya ang nagbigay sakin ng Inspirasyon na maging matapang. Ngunit ngayong nalaman ko ang kanyang pinagdaanan, ang makita siya sa ibang katauhan, San ako huhugot ng lakas upang siya ay mapaslang?!

"Anak ko, kaya mo bang patayin ako?" Napataas ang paningin ko ng magsalita si Victorina, ngunit hindi tulad kanina ay hindi niya gamit ang mukha ni Ina.

"Hayop Kaaaaaaaa!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Hayop naman talaga TAYO" Sambit niya saka sinundan ng nakakalokong tawa.

Gusto kong umiyak ng malakas. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Ngunit ayokong maging mahina sa paningin nila, Kailangan nila ako at hindi nila ako pwedeng makita sa ganoong istilo.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa pagitan namin, napaluhod ako at marahang hinila ang espadang nakatarak sa dibdib ko. Nasa ganon akong posisyon ng lumapit sa akin Sina Kuya at Thalia kasama si Tita Vienne.

Sinubukan nila akong gamutin pero tumanggi ako, masyadong malalim ang sugat na tinamo ko at kung gagamutin pa nila ako ay paniguradong manghihina sila. Pasimple kong nilingon ang pwesto nila Luther, nakatingin lang siya ng diretso sa akin at makikita sa kanyang mga mata ang matinding pag aalala.
Nahagip din ng mga mata ko ang umiiyak na si Lorraine at si Keanne na inaalo siya. Napaiwas ako ng tingin at napalikit ng mariin.

Kailangan ko ba silang iligtas?

Maibabalik ko pa ba ang buhay ng aking Ina?

Makakaya ko bang paslangin ang aking Ina kapalit ng kaligtasan nila?

Makakaya ko bang isakripisyo ang kaligtasan nila kapalit ng pananatili ni Ina?

Nahihirapan ako.

Napamulat ako ng biglang sumigaw ng napakalakas si Victorina at sa sobrang lakas nun ay kinakailangan naming takpan ang kanya kanya naming tenga.

Dumadagundong ang kulog at sumisipol ang napakalakas na hangin, kahit isa sa amin ay batid kong walang ideya sa kung anong nangyayari.

Mas pinagtibay ko pa ang harang sa kanila Luther upang hindi sila maapektuhan, ngunit mas tumindi pa ang pagpalahaw ni Victorina kasunod nun ay ang paglitaw ng Isang Imahe na nakapagpalambot sa katawan ko, Ang aking Ina.

"Inaaaaaaaaaaa!!!!" umiiyak naming sambit ni Kuya Crimson

Pakiusap kung Isa na naman itong patibong sa amin, gabayan niyo ho kami. Gusto lang naming mayakap si Ina.

"Mga anak ko" Mahinang sambit ni Ina saka ngumiti sa amin at sinalubong kami ng yakap.

"Inaaaaa Bakit hindi ka nagsabi? Bakit ka nag desisyon ng ganoon?" Umiiyak na sambit ni Kuya.

Iyak lang ako ng iyak sa bisig ni Ina, pakiramdam ko ay kapag bumitaw ako mula sa pagkakayap niya hindi ko na siya muling makakasama. At ayokong mangyari yun.

Marahang hinaplos ni Ina ang aming pisngi, kahit siya ay nakangiti batid naming nasasaktan siya at mas lalo akong naiyak dahil doon.

Maaari bang ganito nalang? Ayoko munang lumaban, nakakapanghina ang aking nalaman na katotohanan. Ang aking Mahal na Ina at itinuturing na kalaban ay nasa iisang katauhan.

[Suggested song: The Scientist // Coldplay]

"Chelsea anak, maging matatag ka. Ikaw ang pinakamakapangyarihang Sirena sa ating angkan, nawa'y gamitin mo ng naayon sa tama ang iyong kakayahan. Hanggat kaya mong protektahan ang iba, huwag mo iyong ipagkait sa kanila. Ngunit huwag mong kakalimutan na mas kailangan mong protektahan ang iyong sarili dahil hindi mo maproprotektahan ang mga mahal mo, kung  hindi mo kayang protektahan ang sarili mo mismo. Iilang minuto nalang ang natitira at hindi niyo na ako muli pang makikita. Crimson, Chelsea hiling ko ay gawin niyo ang tama, huwag niyong hayaang manaig si Victorina, dahil kapag hinayaan niyo siya ay para ko na ring sinayang ang buhay ko. Paalam, mag iingat kayo parati. Gusto ko mang makausap ang inyong Ama sa aking huling Sandali, hindi ko magagawa. Mananatili ko siyang Mahal, kahit ako ma'y nasa kabilang buhay."

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon