Chapter 12

69 44 17
                                    

"N-naniniwala ba kayo sa... s-sirena?" Tanong ni Keanne na nakapagbakaba sa amin ni Thalia.

Nabalot ng katahimikan ang silid at lahat kami ay nanatiling seryoso. Ilang sandali pa ay bumulanghit na ng tawa sina Lorraine at Luther ngunit kaming tatlo nina Keanne ay nanatiling seryoso.

"Nice joke Keanne" natatawa pading saad ni Lorraine.

"Antanda mo na naniniwala ka padin dun?" Segunda naman ni Luther na katulad ni Lorraine ay natatawa padin.

"Im.Not.Joking" seryosong sagot ni Keanne habang seryosong nakatingin sa amin.

"How about you two? Thali? Chelsea? Naniniwala kayo sakin?" Tanong ni Keanne kaya nagkatinginan kami ni Thalia at sabay na tumango.

Oo Keanne naniniwala kami sayo dahil kami mismo ay isang sirena. Gusto kong sabihin yun kaso siyempre hindi ko naman kaya. Masisira lang ang plano ko.

"Yeah. Naniniwala ako sa sirena" sagot ko

"Ako rin" sagot din ni Thalia.

Tiningnan naman kami nina Lorraine at Luther na parang hindi makapaniwala na naniniwala kami sa mga sirena. Pag talaga umanyong sirena ako sa harap nila. Jusko.

"Bakit naman kayo naniniwala dun? Nakakita naba kayo ng Sirena?" Tanong ni Lorraine

"Ayun nga sa mga blurry visions ko, ang kausap ko sa dagat ay isang sirena hindi ngalang klaro ang mukha niya" paliwanag naman ni Keanne.

Tiningnan naman nila kami ni Thalia na parang nanghihingi ng paliwanag.

"Basta. Naniniwala ako na nag eexist sila at hindi sila basta basta" seryosong sagot ko

"Madalas na magkwento sa akin ang Mama ko about sa mga sirena ganon din ang lola ko. Naniniwala akong nag eexist sila." Sagot din ni Thalia.

Nagkatinginan naman kaming lima at saka sabay na napabuntong hininga.

"Naniniwala ba kayong masasama ang mga sirena?" Tanong ni Lorraine

"Maybe. Some says they are monsters" kibit balikat na wika ni Luther at di ko maiwasang hindi masaktan. Hindi naman lingid sa kaalaman namin na ganon ang pagtingin sa amin ng mga tao.

"Well sabi lang naman nila yun iba padin kapag ikaw mismo ang naka discover right?" Dugtong ni Luther sa sinabi at mas nakaramdam ako ng kakaibang kabog sa dibdib ko ng makita ko siyang nakatingin ng seryoso sa akin.

"Ayun din halimaw daw sila eh tas pangit? Pero sabi naman ng iba maganda? Di ko alam saka ko na i judge kapagka nakakita na ako" sagot din ni Lorraine sa sariling tanong.

"Well. Hindi ko alam. Siguro mabait naman may iilan lang talagagang masama" simpleng sagot ni Keanne

Sabay naman kaming nag kibit balikat ni Thalia dahil ayaw na naming sumagot. Humiga naman si Thalia sa kama ko kaya ganon din ang ginawa ko. Nag paalam akong matutulog na at sinabing bahala na kung saan sila(mga lalaki)  matutulog dahil nasa kama kona din naman nakahiga si Thalia.

Nagising ako ng may maramdaman akong gumagalaw sa paligid. Unti unti kong minulat ang mata ko at nakita ko  ang bintana na nakabukas. Siguro ay dahil dito lumabas sina Keanne at nakalimutan lang na isara. Dahan dahan akong tumayo at naglakad papunta sa bintana. Ganon na lamang ang gulat ko ng maramdaman ko uli ang kakaibang enerhiya na naramdaman ko noong may pinatay na dalawang estyudante sa likod ng dating Faculty Room. Naramdaman ko ang pagbago ng mga mata ko at inaninag ang bawat sulok ng dorm ngunit wala akong makita, sumilip ako sa bintana at nahagip ng paningin ko ang taong nakita ko kanina. Ang tanong nakasuot ng itim balot na balot ito maging ang kanyang mukha at ang kanyang mata lang ang nakikita. Nakaupo ito sa taas ng flag pole at parang sinusuri ang kabuuan ng eskwelahan.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon