Chapter 33

31 9 0
                                    

Eto na yun! Natapos na kaming magbihis nina Thalia at Lorraine. Kaunting antay nalang ay mag uumpisa na ang JS Prom, at hindi ko maitatangging natutuwa ako.

Nakaupo lang kaming tatlo sa kama habang inaantay ang pagtawag ng mga kapares namin ngayong gabi, Nang may marinig kaming katok ay umayos na kami ng tayo at sabay na tinungo ang pinto.

Unang lumabas ay si Lorraine, lumalabas ang tunay niyang ganda sa kulay lila na cocktail dress na suot niya. Katulad niya ay nakalila rin si Keanne. Habang si Thalia naman ay naka peach, matangkad siya kaya ay mas lalo pa siyang tumangkad ng magsuot ng takong. Nakangiti naman siyang sinundo ni Carl? nakalimutan ko ang pangalan.

At siyempre ako ang huling lumabas. Nakangiti kong pinagmasdan si Luther, katulad ko ay naka pula rin siya. Pormal na pormal at ang gwapo niya sa suot niya ngayong gabi. Habang lumalapit ako sa kanya ay naramdaman ko ang pag hinto ng pagtibok ng puso ko ag bahagyang pagkirot nito. Sandali akong natigilan ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanya, mabuti nalang at kaagad ding nawala.

"Ang pangit mo, ampangit pangit mo" ampangit ng pagbungad ko ngunit para sa amin ay hindi, may sarili kaming kahulugan sa salitang yun.

"You look so beautiful, as always" nakangiti nitong sabi saka kinuha ang kamay ko at inangkla iyon sa braso niya.

Tahimik lang kaming naglakad sa pasilyo at anjan naman siya upang alalayan ako.

Sa open field ginanap ang Prom at sobrang ganda ng pagkaka ayos nila rito. Para kang namamasyal sa Intramuros sa ganda ng mga tanawin na makikita mo. Ang mga puno ay kinabitan nila ng ibat ibang kulay ng liwanag at ang buong field ay nilagyan nila ng itim na tela at marami pang ibang disenyo.

Sabay kaming tatlong magkapares na tinahak ang daan patungo sa gitna kung saan may bakanteng lamesa. Kokonti palang ang naroon dahil hindi pa naman nag uumpisa ang Prom.

Pagkaupo namin ay naglapag na ng mga inumin at ilang mga pagkain sa table namin ang mga kinuhang waiter, inuna kong kinuha ang inumin habang inaabala ang sarili sa pagtingin sa paligid.

"Owemjii Excited nako, look oh yung kinuha nilang DJ ay ang isa sa pinakasikat na DJ Sa Pilipinas." sabi ni Lorraine sabay turo sa lugar kung nasaan ang DJ na sinasabi niya.

"Bakit karamihan sa theme ngayon ay black? Even the staffs and waiters are wearing black. The mantle, flowers, decorations are also black." kunot noong wika nung Carl.

"Yeah I noticed it too, pag pasok palang natin una mong makikita ay color black, tss" segunda ni Luther.

Nilibot ko ang paningin at napansin ko ngang puros itim ang mga makikitang kulay rito. Kumunot ang noo ko ng biglang kumirot ang puso ko at kasabay nun ay ang isang litrato ng mga eksena ang pumasok sa isip ko ngunit malabo iyon at panandalian lang na rumihistro sa isip ko. Nahilot ko ang sintido ko saka umiling.

"Hey, you okay?" nag aalalang tanong sa akin ni Luther saka hinaplos ang pisngi ko.

"Oo, medyo sumakit lang ang ulo ko" nakangiti kong sabi rito.

Nagpilit naman siya ng ngiti saka umusog palapit sa akin at niyakap ang bewang ko.

"Im Afraid" biglaang sabi niya at napakunot ang noo ko.

"Bakit naman?" tanong ko, pinasadahan niya ako ng tingin bago sumagot.

"Hindi ko alam, ilang gabi na din akong di makatulog"

"Ok ka lang? wala ka namang problema?" nag aalala kong sabi

"D-do you like me Chels?"  biglang tanong niya

Pasagot na sana ako ng biglang magsalita ang Emcee at umakyat sina Headmaster at ang Isa pang lalaki sa stage.

"Good evening Students! Before this party Begins Let us all welcome Our very own Headmaster Jovan and our special guest, Mr. Randy Salazar" nakangiti at malakas na sabi ng Emcee saka sinundan ng masigabong palakpakan.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon