Kinabukasan
Maaga kaming nagising at naligo na. Nag usap kasi kami bago maghiwalay kagabi na sa Canteen uli kami mag aalmusal.
Habang naglalakad sa hallway ay napansin namin na umaambon pala kaya marami ang nag papayong. At kung sinuwerte ka nga naman wala kaming dalang payong.
Napangiti nalang ako at pasimpleng kinumpas ang kamay maya maya lang ay lumabas na ang Haring Araw.
"What the...." hindi makapaniwalang saad ni Lorraine
" HAHAHA ayaw ka daw niyang maulanan Lor" -Thalia
"Daming alam tara na nagugutom na ako" saad ko habang pasimpleng ngumiti
Nang makarating kami sa Canteen ay wala pa sina Luther kaya kami na ang nag order para sa kanila. Tinawagan naman ni Lorraine si Keanne para sabihing bilisan nito kase naka order na kami ng pagkain.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na din sila. Todo pa ang pang aasar ni Keanne kay Lorraine dahil ngayon lang daw ito nauna sa kanya.
"Heh! Tumahimik ka jan kung ayaw mong masaksak ko sayo ang tinidor na hawak ko" pambabanta ni Lorraine kay Keanne.
"Tss eh totoo naman talagang ngayon ka lang nauna" pang aasar ni Keanne
"Tss eh nauna nga akong nagkagusto sayo ngayon mo sabihing ngayon lang ako nauna" -Hindi ko inaasahang mababasa ko ang nasa utak ni Lorraine kaya naman nasamid ako. Jusko
"Ano ba yan mag dahan dahan ka nga" saad ni Luther habang inaabutan ako ng KAPE?!
Kaagad namang nawala ang Pagkasamid ko at binatukan ko si Luther at hinila ule ang patilya nito pataas. Nakakagigil. Pasasalamatan mo na sana dahil aabutan ka ng maiinom dahil nasamid ka, pero KAPE?! SERYOSO?!
"Ano ba ganyan ka ba mag thankyou ha?!" -saad ni Luther habang hinihimas ang mukha
"Hoy! Ikaw kaya ang bigyan ko ng mainit na kape habang nasasamid. Tingnan natin kung paano ka magpapasalamat kupal ka"- bulyaw ko sa kanya kaya naman natawa ang ibang estyudante sa Canteen pati na rin sina Thalia.
"Malay ko bang kape ang naibigay ko. Pasalamat ka at inabutan pa kita ng kape" -Luther
"Solohin mo yang Salamat na yan buhusan kita netong kape 'tamo" sigaw ko
"Hoy hoy tama na yan" pang aawat ni Thalia
"Jan nagkatuluyan ang mama at papa ko kaya kung ayaw niyong magkatuluyan itigil nyo yan" dugtong nito kaya sinamaan namin siya ng Tingin. Nagkatinginan pa kami ni Luther at inirapan ang isat isa. Baliw
Pagkatapos namin mag almusal ay pumunta na kami sa Room namin wala pang alas siyete kaya naman wala pa ang guro. Pumunta na din naman ako sa upuan ko at tumingin sa bintana.
Bakit kaya sa tuwing napapatingin ako sa mga ulap at mga punong sumasayaw ay nawawala panandalian ang Problema ko? Tinutulungan ako nitong mapagaan ang pakiramdam ko kaya naman bahagya akong napangiti.
Napasandal naman ako sa upuan ko ng maramdamang may tumititig sa akin kaya naman tinaasan ko ng kilay si Luther at nang mag iwas ito ng tingin ay inirapan ko nalang. Hanep sa trip.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.