Chapter 14

59 34 11
                                    

Nagising ako sa ingay ni Lorraine dahil kanina pa siya sumisigaw.

"Nginaaaa! Magaling na ang paa kooo?!"

"Owemjiii Ito ba yung tinatawag nilang milagro"

"No. nananaginip lang yata ako"

Para namang baliw! kunsabagay kahit ako ay mabibigla kapagka ganon. Pero kahit na! Ang aga aga pa at natutulog pa ako!

"Anuba Loorrrrrr!" inis na sigaw ni Thalia at hinagisan siya ng unan.

"Bakit baa?!" sigaw rin ni Lorraine

"Anong bakit?! Hoy baka nakakalimutan mong alas kwatro palang?! Ibig sabihin nun ay may natutulog pa!" sigaw ulit ni Thalia

"Hindi pwedeng nagulat lang ako kase gumaling na yung pilay ko?!" sigaw na tanong ni Lorraine

"Oh tapos?! Grabe ka naman magulat mula pa kanina" sagot ko naman

"Tatahimik na nga sabi. tss" saad niya at nahiga na ulit sa kama pero bumubulong bulong parin atleast hindi na maingay
katulad ng sa kanina.

~
Nasa Cafeteria kami ngayon habang inaantay sina Luther at Keanne. Iilan lang ang estyudante na nasa Cafeteria dahil ang iba ay maagang pumasok, siguro ay nag iingat lang din naman sila. Ilang saglit pa ay dumating na sina Luther, at gaya nga ng inaasahan ko hindi pa sila nakakaupo ay nagsisisigaw na si Lorraine kaya naman sinita ito ng tindera at guwardiya.

"Hoy mga Tao! may sasabihin akong ikakasabog ng buong sistema niyo" pagbibida nito kag Keanne. Si Luther na kase ang umurder ng pagkain nila.

"weh?" nakangiwing tanong ni Keanne

"Totoo sabi. tss" saad namannni Lorraine habang tumatayo at ingat ang paa. Nanlalaki naman ang mata nina Keanne at Luther ng makitang magaling na ito at walang bakas ng pamamaga o pamumula manlang.

"P-papanong nanyari yun?!" bulalas na tanong ni Keanne.

"Hindi na sumasakit kapagka inaapak?" pagtatanong ni Luther habang tinitignan ang paa ni Lorraine.

"Uh-huh. I told yah" pagbibida ni Lorraine saka umupo.

"Napakaimposible" kunot noong wika ni Keanne.

Tahimik lang kaming kumain bago napagdesisyunan na pumasok na. Pasimple kong sinusulyapan si Luther, hindi ko alam pero may kakaiba akong napapansin sa kanya. Magmula kase nung nangyari ang insidenteng yun ay hindi na niya ako masyadong kinikibo. Kinausap lang niya ako nung minsang may tinanong siya, pagkatapos nun ay wala na.

Pagkapasok namin sa room ay nasa loob na si Sir Madrigal, teacher namin sa P.E. Diretso lang kaming pumasok dahil hindi pa naman kami late at saka umupo na sa pwesto namin. Nag intay pa kami ng mga ilang minuto saka nag umpisa ng magklase si Sir.

"Our topic for today is about the proper way of how to swim. Hindi na ako mag didiscuss at sa pool area ko nalang i didiscuss sa inyo ang mga dapat gawin. So now, I'll give you 15 mins. to prepare your things. Complete Swimming Attire. Sa mga may make up jan lalo na kapag hindi water proof better remove it kung ayaw niyong pagtawanan kayo mamaya in case na kumalat yan." Paliwanag ni Sir saka nauna ng lumabas.

Kanya kanya naman ang mga kaklase ko na lumabas ng room. Bago kami mag transfer ay sinabihan agad kami na bumili ng Complete set of swimming uniformbat kung ano-ano pang kailangan para sa school.

Rashguard with long pants lang na combination ng pink at black ang suot ko. Sinuklay ko lang ang buhok ko at saka pinony tail. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng CR at hinintay sina Lorraine at Thalia sa labas.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon