'Mahal na mahal Kita'
'Huwag mo akong Iiwan'
'Ang gwapo mo, Luther'
Nagising si Luther ng may mga luha sa mata, palagi siyang ganoon mula ng araw na iyon. Palagi niyang napapanaginipan ang isang babae, ang masasayang araw na magkasama sila at ang pinakamasakit na pamamaalam nito sa kanya.
Bumangon siya at kaagad na tinungo ang banyo. Paulit-ulit siyang naghilamos at tiningnan ang sariling repleksiyon sa salamin. Nakita na naman niya ang kwintas na suot-suot niya. Nung isang araw ay tinanong niya ang kanyang Ama kung siya ba ang nagbigag ng kwintas dahil nakalimutan niyo kung san iyon galing, Nalilito namang tumanggi ang kanyang Ama kaya ay wala siyang nagawa kundi ang isipin kung sino ngaba ang nagbigay sa kanya non.
Hinawakan niya ang pendant ng kwintas at wala sa sariling napangiti, pakiramdam niya ay ligtas at komportable siya sa tuwing suot suot niya ang Kwintas.
Nasa ganon siyang posisyon ng biglang may kumatok sa banyo.
"Luther! Mauna na ako. Hinihintay nako ni Lorraine eh magagalit yun for sure if nagtagal pa 'ko" Sigaw ng lalaki mula sa labas ng banyo
"Sige Ke! Susunod na din ako" Balik na sigaw ni Luther.
Narinig niya ang mga hakbang ni Keanne palabas at ang pagsara ng kanilang pinto pakilalang nakalabas na nga si Keanne. Sandali pa niyang pinagmasdan ang repleksiyon ng kwintas bago lumabas at naghanap ng masusuot.
Alas siyete y media na ng marating niya ang kanilang Silid Aralan kaya ay medyo nagdalawang isip pa siya na pumasok nung una. Nang akma na niyang bubuksan ang pinto ay nagkusa naman itong bumukas at lumabas ang kanilang Advicer kaya wala na siyang magagawa kundi ang pumasok nalang.
Hindi alam ni Luther kung bakit sa mga sandaling iyon ay batid niyang may naiiba, bawat paghakbang niya ay tila may isang napakabigat siyang dala dala dahil sa hindi niya maihakbang ng maayos ang kanyang mga paa.
Umalis saglit ang kanilang guro kaya ay malaya nilang nagagawa ang kanilang gusto. Napalingon siya sa likurang bahagi ng Class Room kung saan nakaupo sina Lorraine at Keanne. Napansin ni Lorraine ang ginawang paglingon ni Luther kung kaya ay kumaway ito at ngumiti sa kanya. Tumango lang siya rito at napako ang paningin niya sa dalawang bakanteng upuan sa tabi nina Lorraine. Napahawak siya sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib ng bigla iyong kumirot, humangin ng malakas at nakaramdam siya ng kaginhawaan sa hanging iyon. Pinagmasdan niya pa ang isa sa bakanteng upuan na katabi ng bintana bago ibinalik ang paningin sa harap.
Tanghali na at may usapan silang magsasabay kumain tatlo pero nakipagkita lang siya sa dalawa at nagpa alam na hindi makakasabay dahil may pupuntahan ito. Kahit nagtataka ay tumango naman sina Lorraine at Keanne saka nag umpisa ng maglakad patungo sa kanilang tambayan, ang likod ng Canteen.
Habang tinatahak naman ni Luther ang daanan at hindi niya maiwasang malungkot, palagi siyang ganoon. Sa tuwing mananaginip siya ng ganoon ay lagi siyang pumupunta sa dagat. Hindi niya din alam kung bakit pero pakiramdam niya ay konektado ang dagat na iyon sa nararamdaman niya.
Bumaba na siya ng sasakyan at naglakad patungo sa dalampasigan, Mahigit dalawang oras din ang biyahe mula sa Eskwelahan ng Montessori bago marating ang dagat na ito. Nakangiti niyang pinagmasdan ang iilang mga taong naliligo sa dagat. Naghanap muna siya ng isang estante upang doon muna magpalipas ng oras.
Mabilis na lumipas ang oras at mag gagabi na, nakaugalian niya din naman kasi na pagmasdan parati ang papalubog na araw at kuhanan iyon ng litrato. Nag simula ng umalis ang mga tao at ang mga tindera nalang ang naroon at siya. Tinanggal niya ang suot na sapatos at pumunta sa sasakyan niya upang magpalit ng tsenelas saka dahan dahang naglakad patungo sa dagat.
Nakaupo lang siya sa buhangin habang ang paningin ay nasa kalangitan. Madilim na ang paligid at tanging ang liwanag lang ng buwan at iilang poste ang nagbibigay ng ilaw sa kinaroroonan niya.
Nasa ganon siyang posisyon ng biglang may tumawag sa pangalan niya.
Sa kabilang banda, sa ilalim ng karagatan ding iyon ay nagsasaya ang mga sirena lalo na ang Hari ng mga ito. Mahigit limang buwan na din ang nakakalipas ng ideklara ni Prinsesa Chelsea ang pagkamatay ng Reyna at ang pagbabalik ng Tagapagmana ng Trono na si Prinsipe Crimson.
Ngayon naman ay idinaraos nila ang Pag iisang dibdib ni Prinsipe Crimson at Ni Thalia, ang guardian ni Prinsesa Chelsea. Masaya ang lahat maging si Prinsesa Chelsea.
Mula nung araw na dumating silang tatlo sa kaharian ay ang araw din ng pagkabura ng kanilang ala-ala sa naging pamamalagi nila sa lupa. Silang anim, Si Chelsea, Luther, Thalia, Crimson, Lorraine at Keanne ay nawalan ng ala-ala sa nangyari. Masakit man isipin ngunit iyon ang nakatadhanang mangyari.
Katulad ni Luther ay nakakaramdam din si Chelsea ng kakulangan, hindi niya rin mawari kung ano nga ba iyon.
Nakatingin siya ngayon sa nakangiting Bagong Kasal, bakas ang saya sa kanilang mukha. Nang mapansin siya ng kanyang Kuya ay kaagad siyang yumuko sa nakakatandang kapatid. Tumango ang Kuya niya sa kanya ng may ngiti sa labi saka lumingon sa likuran niya. Dala ng kuryusidad ay napalingon din si Chelsea sa bahing likod niya at bakas ang pagkagulat sa kanyang mata.
"Binabati ko ang iyong Kuya, Masaya ako para sa kanila" Nakangiting sabi ng binata saka ito yumuko at nagbigay galang kay Chelsea.
"Bakit ba sa akin ka nagsasabi niyan Ian?" Wika ni Chelsea saka marahang natawa.
Napakamot naman sa Batok si Ian at pinamulahan ng pisngi. Saka sila sabay na lumingon sa gawi ng ikinakasal.
"Gabi na ah, dito ka parin?" Boses ng isang babae ang narinig ni Luther.
Tumingin muna siya sa dagat bago sumagot.
"Ikaw pala yan, Katie"
Hindi na sumagot ang dalaga sa halip ay ginaya din nito ang pwesto ni Luther.
"Oo napadaan lang, nakita ko ang kotse mo kaya dumaan na ako dito."
Hindi siya nakakuha ng sagot kay Luther kaya ay sinundan niya lang din ang tinititigan nito.
"Sa tuwing mananaginip ka o may gumugulo sayo ay dito ka lagi nag pupunta, kaya hindi na ako magtatanong kung bakit andito ka ngayon"
"Nanaginip uli ako, at andun na naman ang babaeng iyon sa panaginip ko. Hindi ko makita ng klaro ang mukha pero alam kong nakasama ko na siya dati. Hindi ko lang maalala"
"Hmmm, hindi ko pa naranasan yan kaya di ako makakabigay ng Advice" Sagot ni Katie saka bumuntong hininga.
Nanatili pa sila ng ilang minuto roon bago nag desisyon si Luther na tumayo na.
"Oh uuwi kana?" Saad ni Katie saka tumayo na rin at nagpagpag
"Oo, anong oras nadin naman. Umuwi ka na rin gabi na" Sabi niya bago nag umpisang maglakad papalayo.
Sumakay na rin si Katie sa kanyang sasakyan at bumusina muna bago umalis.
Lumingon pa muna si Luther sa karagatan bago sumakay at nilisan ang lugar na iyon.
Isang taong nagmahal ng isang Sirena
At isang Sirenang nagmahal ng hindi niya kauri
Parehong nagmahalan kahit sa maikling panahong kanilang pinagsamahan
Sumaya at Umiyak ay sabay nilang pinagdaanan
At sa kahuli hulihan ng kanilang pagsasama,
Ipinadama parin nila sa isa't isa ang tunay na nararamdaman.Nalimutan man nila ang isa't isa, gaya nga ng sinabi ng Prinsesa
Ang kanilang puso ang siyang nakaka alala, at ang ala alang iyon sa kanilang puso ay hindi mabubura kahit kailan, ninuman.THE END
****
AN: This is it. Natapos ko din sa Wakas grrrr.
-Ulaaannn
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.