"Sinong Red?" lahat kami ay natigilan at napagingin sa labas, nakalimutan pala naming isara ang pinto!
"Oh Luther" bati ni Thalia saka tumingin sakin at ngumisi
"Sinong Red?" pag uulit nito.
"Ah si Red ba? ah yun yung nakabonding namin kanina sa perya ang sweet nga niya eh. Tinabihan niya si Chelsea habang nasa Ghost Train kami. Tapos nanalo pa siya ng isang stuffed toy at binigay kay Chelsea. Kinuha pa yata ang number eh. eehhh Kinikilig ako" sunod sunod na pagkwento ni Lorraine habang sumama naman ang mukha ni Luther.
"Hooyyyyy" sunod naman naming narinig ang boses ni Keanne.
Pasimple kong tiningnan si Lorraine at lumamig ang awra nito pagkakitang pumasok si Keanne sa dorm namin.
"Hoy Lorraine kanina pa kita tinatawagan ah? Bat di ka sumagot? Pati kayo san kayo pumunta?kanina pa kami pabalik balik rito" tanong niya pero walang sumagot sa kanya.
Nagtataka naman siyang tumingin saming tatlo at saka kumunot ang noo. Tiningnan din nito si Luther na blangko rin ang ekspresyon habang nakatingin sa amin.
"Lor?" tawag niya kay Lorraine pero tiningnan lang siya nito at nagkibit balikat.
"Ah umalis lang kami saglit. Girls Outing ganon" paliwanag ni Thalia habang nakadapa sa kama
"Girls Outing tas may kasamang lalaki?" Singit ni Luther
"What?!" hindi makapaniwalang tanong ni Keanne.
"Lor! anubang nangyayari? kanina pa ako nag tetext at tumatawag sayo kung nasan ka pero di ka sumasagot, pinag aalala mo ako" diretsang sabi ni Keanne habang nakaupo sa kama ni Lorraine.
"Well, ok ako. Wala kang dapat ipag alala, kung yan ang pinunta mo dito" malamig nitong sagot kay Keanne.
"Lor! anong nangyayari sayo?" tanong sa kanya ni Keanne. Pero sa pangalawang pagkakataon ay Tiningnan lang siya nito saka nagkibit balikat.
Tintigan lang siya ni Keanne pero nakayuko lang si Lorraine.
"Ah guys? labas lang kami" biglang sabi ni Thalia saka hinila ako palabas.
"Saglit, Sama ako. Boring pag ako lang mag isa rito" sabi ni Lorraine kaya naman napailing nalang kami.
Nandito kami ngayon sa likod ng Canteen, tahimik lang at walang may naglakas loob na magsalita.
"Magpapalamok tayo dito?" inosenteng tanong ni Thalia
"kase kung oo, babalik nakong dorm" dagdag pa niya.
"San ba kayo nagpunta? kanina pa kami naghahanap akala namin kung ano ng nangyari sa inyo" -Keanne
"Umalis nga lang kami" sabat ni Thalia
"Tss eh kayo ba? Di kayo pumasok ng umaga asan ba kayo?" sarkastikong wika ni Lorraine
"Lakas ng loob niyong tanungin kung san kami pumunta, eh hindi nga kami nakikialam sa mga lakad niyo" dagdag pa niya napakurap naman si Keanne saka nag iwas ng tingin
"Oh ngayon ikaw ang di makasagot? Kani kanila lang kami ang binabaha niyo ng Tanong tas ngayon ang tahimik mo kase tinatanong kita?! Ibang klase" Naiinis at sarkastikong saad ni Lorraine
"Dumating sina Irish" nakakunot noong sabi ni Keanne
"Oh Irish? Yung first love mo. Yeah ede Congrats" hindi talaga mawawala ang pagkasarkastiko niya
"Look pumunta lang siya kanina because of Katie sakto lang na nalaman niyang malapit lang ang school natin sa bahay nina Katie kaya ininvite niya ako na makipagkita sa kanya" Pag e explain ni Keanne, tahimik lang kaming nakikinig sa kanila.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.