Chapter 25

54 35 2
                                    

Nasa park kami ngayon nakatago sa likod ng isang malaking bato. Bakit kami nandito? Sinundan lang naman namin sina Luther kaya heto kami mukhang nagtatago sa Pulis.

"Ano? nasan na sila?" bulong ni Lorraine

"Bat di ikaw ang sumilip? ikaw ang may gustong sinundan sila" bulong ko din sa kanya

Sumilip naman kaagad siya at ilang saglit pa ay hinampas niya si Thalia.

"Aray! anuba?!" gulat na sabi ni Thalia

"Uwi na tayo" malungkot na sabi ni Lorraine

"H-ha? S-sige" utal naming sabi ni Thalia

Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng Park, nakakahawa ang lungkot ni Lorraine ganon siya eh sa twing tatawa siya madadala ka kapag malungkot siya apektado ka.

"Lor ayos ka lang?" nag aalalang tanong ni Thalia kaya napalingon ako kay Lorraine.

May isang luhang lumandas sa mata niya ng di niya napapansin.

"Ha? oo naman HAHAHA" pekeng tawang sabi niya kaya napabuntong hininga nalang kami.

Pagdating sa dorm ay dumiretso ng higa si Lorraine habang kami ni Thalia ay naupo lang sa kama. Tahimik lang kami ng bigla siyang magsalita.

"Alam niyo kung bakit maaga akong nagising kanina?" salita niya kaya natuon sa kanya ang atensiyon namin

"Na wrong send kase sakin si Keanne HAHAHA" nagkunwari itong natawa habang tumitingin sa labas ng bintana.

"Sabi niya a-ano "Can't wait to see you later Rish" tapos kay blushing emoji pa tss" awww kaya pala panay ang pagmumura niya kaninang umaga.

Lumapit naman kami sa kanya habang siya ay tuloy lang sa pag kwekwento.

"Si Irish yun, first love ni Keanne yun eh HAHAHA hindi naging sila pero siyempre ako ang bestfriend natural alam ko" nagsisimula na siyang humikbi

"Minsan naiisip ko, dapat ba akong maging masaya dahil naging magkaibigan kami? Pero ang sakit eh ang sakit sakit" umiiyak niyang sabi kaya naman niyakap at inalo namin siya ni Thalia.

"Pinigilan ko na to eh *sniff* k-kase alam k-ko naman na d-di niya a-ako magugustuhan *sniff* p-pero kase ayaw ko eh s-sa twing n-nakikita k-ko siya ang saya saya ko. S-sa lahat ng oras na kailangan niya ng m-masasandalan andun ako. P-pero bakit hindi ako? B-bakit hindi nalang a-ako." hagulhol niya.

Maging kami ni Thalia ay hindi maiwasang malungkot para sa kanya, matagal na kase niyang tinatago ang nararamdaman at ang magmahal ng isang kaibigan ang pinaka masakit sa lahat.Habang nahuhulog ka kase nahuhulog din siya sa iba.

"Tahan kana Lor, mag aalsa pa tayo" seryosong sabi ni Thalia habang pinapatahan siya.

Unti unti promoseso sa utak namin ang sinabing iyon ni Thalia saka siya binatukan.

"Aray naman! ikaw na nga tong pinapatahan" inis na sabi ni Thalia

"Bugok kaba?! nag eemo ako rito tas ayan sasabihin mo? Isa kang dakilang matinong kaibigan Thalia, Bravooo!" inis rin na sabi ni Lorraine pero natatawa rin.

"Tss, mananakit kuna bago tumawa. Ayos" ngiwi ni Thalia

"Ayan bestfriend pa" sabi ko habang tumatayo

"Keanne pa nga" sabi rin ni Thalia

"Teka dalawa ang babae ron ah? Bakit si Irish lang ang nasabi mo?" tanong ko

"Hindi ko nakita yung mukha ng isa pero familiar" nag iisip na sabi ni Lorraine.

"Hoy Lorraine punasan mo na yang luha mo for sure nagkakasipon kana rin" saka nito tinapunan si Lorraine ng Towel. Aba?! sponsor na yata ng towel ang isang to

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon