Chapter 5

153 100 45
                                    

"Mahal na Prinsesa? Ang weird naman naman ng Callsign niyo HAHAHA"-napabalikwas kami ng bangon ni Thalia ng marinig namin ang boses ni Lorraine.

"Kanina ka pa jan?" Tanong ni Thalia sa kanya

"Ha? Ah kakalabas ko lang narinig ko kase kanina na tinawag mo siyang Mahal na Prinsesa kaya natawa ako." Mahabang litanya ni Lorraine na sinundan ng kinakabahang tawa. Napansin niya siguro ang pagiging seryoso namin ni Thalia

"Uy anuba? Ang seryoso niyo masyado HAHA" -Lorraine

"Ahh hayaan mo na siya Lor, nagkamali ka lang yata ng dinig hindi niya ako tinawag ng ganon" nakangiti kong sabi at pumasok na sa banyo para maligo.

Habang naliligo ay lihim akong napaisip sa kung kamusta na kaya ang kalagayan ni Kuya Crimson. Nilalaro ko naman ang tubig gamit ang kapagyarihan ko hinuhugis ko ang ilan na parang isda at ang ilan naman ay mga bola at mga palaso. Nakangiti lang ako habang tinatanaw ang mga ito. Kaunting tiis pa at ipapangako kong hindi ko bibiguin si Kuya. Ililigtas ko siya.

Pagkatapos namin maligo ay nag ayos na kami at sama samang bumaba. Kaagad naman naming nakita sina Keanne at Luther na naka busangot ang mga mukha, marahil ay kanina pa sila nandito.

"Oh may balak pala kayong bumaba?" Saad ni Keanne na bakas ang pagiging sarkasmo.

"Hindi na sana kaso ay naaawa kami sa inyo" saad naman ni Lorraine at padabog na hinila ang upuang katabi ni Keanne.

"Hindi pa kayo naka order?" Tanong ko

"Hindi pa, hindi naman namin alam ang gusto niyo, tss" nakabusangot na wika ni Luther kaya sinamaan ko siya ng tingin. Baliw

"Umorder na nga kayo dun"  saad ni Lorraine habang tinutulak si Keanne.

"Hoy Thalia. Naalala mo yung lalaking senior? Yung tumutogtog ng gitara kanina sa practice" malachismosang wika ni Lorine kaya napailing nalang kami

"Ha? Ah siguro hindi ko naman napansin di ko naman sila tinitignan. Bakit anong meron?" Naka kunot noong tanong ni Thalia.

"Aksidente ko kaseng narinig ang usapan nila nung kaklase niya kanina" nakangising saad ni Lorraine

"Aksidente ba talaga?" Natatawa kong tanong kaya inis siyang sinulyapan ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay

"Eh ano ngang meron? Ano ba narinig mo?" -Lorraine

"Crush ka daw teh HAHAHAHA" Aniya habang nakaturo kay Thalia

"Tss. Eh ano naman ngayon?" Walang ganang wika ni Thalia kaya naman nakipag apir ako sa kanya.

"Ang weird weird weird niyo talagaaa arrgghh" nakasabunot na sambit ni Lorraine kaya natawa kaming dalawa ni Thalia.

"Hoy san ka nakakuha ng droga? Sabog" saad ni Keanne na kakadating lang.

"Pano kase ayang dalawang yan. Andami daming nagkakagusto. Kaliwat kanan yata ang mga lalaking may gusto sa kanila tapos, wala naman silang pakiiii" sigaw ni Lorraine kaya binatukan siya ni Keanne.

"Anlakas ng amats mo Lorraine. Ano naman ngayon kung wala silang paki? Lovelife mo ba?" -Luther, habang nilalapag ang mga pagkain na inorder.

"Lorraine, may mga bagay na mas importante sa amin kesa sa lovelife na yan. Siguro ayan yung pinakahuli sa maaari naming isipin" nakangiti kong saad kaya napangiti din si Thalia.

"Abnormal niyooo"-nakasimangot na tugon ni Lorraine

"Nasasabi mo yan kase hindi mo naman alam kung gusto ka din ba ng taong gusto mo" saad ni Thalia habang natatawa. Nanlalaki naman ang mga mata ni lorraine na nakatingin sa amin kaya nagkibit balikat lang kami at napailing.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon