Chapter 23

51 32 3
                                    

Pagkabalik namin sa kaharian ay kaagad na naming pinaubaya si Tita Vivianne sa pinakamagaling na manggagamot sa aming kaharian, sa sobrang pagod namin ay hindi na namin pa dinaanan ang kaharian ng punong tagapagbantay at napagdesisyunang magpahinga na muna at kumain.

Inabot ng halos dalawang araw ang aking pagtulog at hindi ko alam kung bakit. Kaagad na akong bumangon at saka pumunta ng Centro. Pagkadating ko ron ay nag aantay na sina Ian at Thalia sa akin kaya nagpa alam na ako kina Ama at Ina.

Nag umpisa na naman kaming maglakbay patungo sa palasyo ng punong tagapagbantay, mabuti na lamang at pagkadating namin doon ay hindi na nila kami inatake.
Napag usapan namin ang ginawang pagligtas at ang tunay na katauhan nito, katulad namin ay nababahala rin sila na nakatakas pala ang tunay na nakakulong roon, pati ang ilang kawal nila ay lumisan narin at ayon sa sabi sabi ay nasa mundo rin daw ito ng mga Mortal.

Marami pa kaming napag usapan pagkatapos nun ngunit kinakailangan narin naming bumalik sa Kaharian.

Sa aming daan pabalik ay nakaramdam ako ng pananakit ng mata, napatigil ako saglit at kaagad lumiwanag ang aking bughaw na mga mata. Hindi naman ako nagkamali at kaagad kong nasaksihan na sina Luther na ang susunod na target ng misteryosong babae, hindi pa naman namin sigurado kung si Tita Vivien nga yon.

Pagkadating palang namin sa palasyo ay hindi na ako nag aksaya pa ng oras at kaagad na nag paalam kina Ama at Ina na babalik na ako sa lupa bukas na bukas.

~~~

"Ako" sagot ko na nagpatigil sa kanilang lahat maging sa misteryosong babae na nasa harapan ko.

Bago paman ito makaharap ay kaagad ko ng pinakawalan ang malaking alon sa kanya. Ginamit ko naman ang Telepathy upang maiparating kay Thalia na kailangan niyang protektahan sina Lorraine. Habang nag sasabi siya ng spell ay ikinondisyon ko naman ang sarili ko. Ramdam ko ang pagbabago ng kulay ng mata ko, maa tumindi ang pagkabughaw nito at halos makita na ang ginto at pilak na nakapalibot rito. Maging ang pagbabago ng buhok ko. Kasabag nun ay ang pag angat ko saka inipon ang lakas upang hugutin ang mga naglalakihang bato at pinalibutan ito ng apoy. Paulit ulit ko iyong hinagis sa kanya, ang ilan ay naiiwasan niya ngunit nagkaroon siya nga napakaraming sugat at paso dahil hindi lahat ay naiwasan niya.

Nag teleport naman ako papunta sa likod niya saka dali daling kinorteng espada ang tubig saka sinaksak siya roon. Hindi ko naman inaasahan ang ginawa niyang pag atake dahil pinaulanan niya ako ng air ball. Natamaan ako sa bandang balikat at nagkaroon roon ng sugat. Nang mahinto siya sa pag atake ay ginawa ko ng oportunidad iyon upang paulit ulit siyang batuhin ng nagtutulisang Ice spikes.

Parehas kaming napaluhod ngunit nauna akong tumayo, sasaksakin ko na sana siya ng bigla akong matigilan.

"Walang duda, totoo nga ang sinasabi nila ang pinakamakapangyarihang prinsesa na mula sa angkan ng Lozano."

"Baka nakakalimutan mong kahit makapangyarihan ka ay ako parin ang may kontrol sa pinakamamahal mong kapatid?" Nalakainsulto niyang sabi saksinundan ng halakhak.

"Wag kang mag alala, sa susunod nating pagkikita ay saka natin malalaman kung sinong pinakamakapangyarihan sa atin, mukhang napuruhan mo na rin ako ngayon"

"Sino ka?" seryoso kong tanong

"Makikilala mo lang ako kapag nagkatapat na tayo" deretsong sabi nito bago biglang naglaho sa ere.

"Mahal na Prinsesa!" patakbong lumapit sa akin si Thalia at saka inakay ako.

"Tss. Ang sabi ko ay kapagka nasa lupa tayo tatawagin mo ako sa aking pangalan" sabi ko

"Nga pala ang shield na ginawa mo palabasin mo na sila" sabi ko, hindi manlang sila tinignan.

Naramdaman ko kaagad ang prisensiya ni Thalia ngunit bago paman kami mag umpisang maglakad paalis ay napatigil kami ng marinig ang umiiyak na sigaw Ni Lorraine.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon