Yakap yakap lang ako ni Luther, parehas lang kaming tahimik pero hindi na ako halos mapakali. Gusto kong sulitin ang pagkakataon nato pero may parte sa katauhan ko na kailangan kong umalis sa pagkakayakap niya.
Kinalma ko ang sarili ko at dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko saka humirap sa kanya. Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko ng malapitan ang mukha niya, nangungusap ang mga mata nito na para bang sinasabing huwag akong aalis na huwag ko siyang iwan.
I remember the times we spent together on those drives
We had a million questions all about our lives
"Ah luther" pagtawag ko sa kanya pero hindi na ako makahagilap pa ng salita kung anong susunod kong sasabihin."A-alis kana ba?" marahang tanong niya.
"Mh-hm kelangan eh, para wala ng mapahamak" nakangiti ngunit malungkot na sabi ko
"Gusto pa kitang makasama, gusto pa kitang makilala" sabi niya habang hinawakan ang kamay ko.
And when we got to New York, everything felt right
I wish you were here with me Tonight"Ano bang gusto mong malaman?" seryoso kong tanong sa kanya
"Sino kaba talaga?" ayan na naman. pero hindi katulad nung una sasagutin ko na siya ngayon.
"Chelsea, Chelsea Lozano. Ako ang Prinsesa sa kaharian ng mga Sirena" panimula ko.
"Prinsesa, akalain mong nagkaroon ako ng isang kaibigan na Prinsesa" Malungkot ang boses niyang sabi pero kita sa mga mata ang matinding pagkamangha.
I remember the days we spent together were not enough
And it used to feel like dreaming except we always woke up"Magmula ng magtungtong ako sa edad na labinglima ay nanirahan na ako sa mundo niyo. Nagsanay upang maging katulad niyong mga tao" dugtong ko sa sinabi ko kanina
"Nagkaroon ng kaibigan na mortal na natutunan kong protektahan ngunit halimaw ang tingin sa akin. Nasaksihan ang pagpatay sa isang kaaway ngunit naging kaibigan ko rin. Hindi nakilala ng nag iisang nakakatandang kapatid at hindi na alam ang gagawin sakaling may mapahamak pa sa tinuturing na kaibigan" sabi ko habang hindi na mapigil ang pagbagsak ng mga luha.
Never thought not having you here now would hurt so much
Hindi ko na mapigil ang pagluha ko habang inaalala silang lahat. Hanggang sa nakaramdam ako ng pagbagsak ng ulan sa katawan ko at ang pagyakap sa akin ni Luther mula sa harap. Pilit niyang hinaharap ang mukha ko sa kanya pero iniiwas ko ang paningin ko.
"Wag ka ng umalis plss. A-yokong umalis ka" saad niya habang nakahawak sa mukha ko.
"Aalis nga sabi ako. Hindi ko din naman kayang makita kayong nahihirapan. Baka malingat lang ako saglit ay may naghihingalo na sa inyo at hindi ko mapapatawad ang sarili ko sakaling mangyari man iyon" diretsang sabi ko sa kanya.
"Bakit ba sinasarili mo? Kaibigan mo rin naman ako diba?! -Luther
"Walang lugar ang pagkakaroon ng kaibigan saming mga Sirena" sabi ko at natigilan siya
"Pero bakit tinuring mo kaming kaibigan? Yun ay dahil mahalaga kami sayo" bwelta niya
"Oo at isa yun sa pagkakamaling ginawa ko! Ang pagiging magkaibigan natin ang sisira sa lahat ng planong ginawa ko!" sigaw ko sa kanya. Tama na please. Magalit na kayo sakin. Iwasan niyo na din ako.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.