1 month later
Bukas na kami babalik ni Thalia sa lupa, at hindi na naulit pa ang pagtangka kong pagbisita mula ng araw ding iyon. Sa tuwing maaalala ko kase ay naiinis lang ako.
Nakaupo sina Ama at Ina sa kanilang trono habang kami ni Thalia ay nasa silid ko lang. Sa loob ng isang buwan at kalahati ay naging maayos na ang lagay ko at nakapag ensayo pa kami ni Thalia sa tulong na rin ni Ian.
Ramdam ko ring mas lalo akong lumakas kumpara dati kaya labis ang pasasalamat ko kay Ian. Pag sapit ng gabi ay nagpaalam na si Thalia na aalis para puntahan ang kanyang Ina. Maayos na ang lagay ni Tita Vivianne maliban sa hindi pa siya masyadong malakas at hindi niya pa nagagamit ang kapangyarihan niya. Hindi nadin kami nagkausap pang muli ni Tita Vivien pero ang mga huli niyang salita nung nagkita kami ay hindi parin naaalis sa isip ko.
Habang nakahiga ako ay bigla kong naalala ang singsing na nakuha ko noong sa bahay ako nila Thalia? hindi ko sigurado pero doon sa bahay na pinaglagian namin.
Itinago ko kase iyon sa damit na suot ko noong nagpunta ako sa lupa pero naaalala ko parin ang hitsura nun. Pilit kong inaalala kung saan konga ba iyon nakita pero wala talaga akong maisip.
Sa pag isip isip ko ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang enerhiya na naroon sa kaharian. Dali dali akong bumangon at kaagad na tinungo ang kaharian. Wala sina Ama at Ina sa silid kaya posible na nasa Centro ito.
Kaagad akong tumungo roon para sana sabihin iyon sa kanila ngunit si Ama lang ang naabutan ko.
"Magandang gabi Ama" pagbati ko ng makalapit ako kay Ama
"Magandang gabi anak ko, ano ang sadya mo?" nakangiti nitong pagbati sa akin
Hindi ko alam kung bakit tila umatras ang dila ko na sabihin ang naramdaman kong kakaibang enerhiya sa kaharian kanina.
"N-nakita niyo ba si Ina?" maski ako ay hindi alam kung bakit iyon ang natanong ko
"Nasa silid namin ang Iyong Ina. Masama ang pakiramdam niya kaya ay pinagpapahinga ko na" sagot nito.
Pagkatapos kong magpaalam ay kaagad kong tinungo ang kanilang silid. Malawak ang silid nila Ama at maraming makikitang magagandang bato at korales sa bawat dingding.
Nakakailang hakbang palang ako ng makita ko ang Isang babaeng nakatalikod sa akin, walang takip ang likod nito ngunit nakatakip ang kalahati ng kanyang dibdib. Akma ko itong lalapitan ng bigla siyang humarap sa akin at ang nakita ko lang ay ang kanyang itim na mga mata at ang marka ng ahas sa kanyang dibdib. Sinubukan kong lumayo ngunit hindi ako makagalaw at mas lalong hindi ako makahinga. Dahan dahan siyang lumapit sa akin saka bumulong sa tenga ko.
"Hindi ito ang tamang oras na magkakatapat tayo at makikilala mo ang tunay na ako, anak ko" iyon lang ang narinig ko bago ako kinain ng itim na anino.
~~~
Nagising ako ng bahagyang sumakit ang ulo ko. Nandito ako sa trono kasama sina Ama at Ina.
"Mabuti at nagising kana anak" bungad sa akin ni Ama.
"Medyo sumakit ho kase ang ulo ko" sagot ko rito saka hinawakan ang parte ng ulo ko na sumasakit.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.