Chapter 11

87 54 27
                                    

Maaga pa ay nagising na kami para maghanda dahil may klase. Hindi na kami pumunta ng Cafeteria dahil parehas naman kaming hindi nagugutom kaya dumiretso na kami ng Classroom. Tinawagan din naman ni Lorraine si Keanne na sa Classroom kami didretso.

Pagkarating namin sa room ay konti palang naman kami. Naupo na kami saka hinintay sina Keanne at Luther. Maya maya ay nagpaalam ako sa kanila dahil medyo naiihi ako, sasamahan pa sana ako ni Thalia pero sinabi kong huwag na.

Pababa palang ako ng hagdan ay ramdam ko na ang malamig na hangin, hindi ito basta bastang hangin dahil ang amoy nito ay parang dagat. Sinundan ko ang amoy nito at napunta ako sa likod ng isang lumang faculty office. Maraming basura dito at may iilang damo na tumutubo. Alam kong dito nanggagaling ang enerhiya na iyon. Luminga linga ako sa paligid at ramdam ko ang pagpalit ng mga mata ko.

Narinig ko ang isang impit na sigaw kaya naman tumakbo ako papunta roon at saka ko nakita ang isang taong nakaitim sisigaw na sana ako ng maramdaman kong may bumulusok na tubig papunta sa akin kaya naman wala akong choice kundi ang umiwas. Hindi ko maaaring gamitin ang kapangyarihan ko dahil hindi ko kilala ang taong kaharap ko ngayon at walang dapat makaalam na may kapangyarihan ako at isang sirena.

Puro pag iwas lang ang ginawa ko. Nag isip ako ng paraan na hindi niya maiisip na ginagamit ko ang kapangyarihan ko. Ngunit kikilos palamang sana ako ng muli itong humagis ng tubig sa akin,triple sa taas ng hinagis niya kanina at hindi na ako nakaiwas pa.

Pagmulat ko ay saka ko tiningnan ang pwesto ng taong nakaitim nayun kanina pero wala na siya don. Luminga linga pa ako pero hindi ko talaga siya makita. Nakita ko ang lalaking kaharap niya kanina kaya naman unti unti akong lumapit sa kanya at halos magimbal ako ng makita ang isang estyudanteng maraming kalmot sa katawan. Sobrang putla na nito at nakadilat pa ang mata. Unti unti akong yumuko saka tiningnan ang pulso nito, halos manlamig ako ng makumpirmang patay na ito.

***

Kumakain kami ngayon ng tanghalian sa Cafeteria. Ramdam kong nakatingin sa akin si Thalia kaya naman tiningnan ko siya sa mata at sinabi kong may kailangan kaming pag usapan mamaya. Tumango lang siya at saka bumalik na sa pagkain.

Umingay ang Cafeteria ng pumasok si Luke, napa angat ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakaitim ito. Tumindi ang kabog sa dibdib ko sa naisip na maaaring siya ang gumawa nun sa estyudante kanina. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo ito, napabunting hininga nalang ako at umiling.

"Yan na ang pang labing isa g buntong hininga mo mula ng kumain tayo" nakatungong wika ni Luther

"Kung isasama ang sa classroom ay nasa tatlumpo at dalawa mo na yang buntong hininga" segunda naman ni Keanne.

"Anong problema Chelsea" tanong naman ni Lorraine.

Sasagot na sana ako ng biglang may isang estyudante ang tumakbo sa kabilang table.

"S-si Allan. Natagpuang patay sa likod ng lumang Faculty" wika niya na nakapagtahimik sa lahat pero nakapagkabog ng malakas sa dibdib ko.

Tiningnan ko ang pwesto ni Kuya Crimson, I mean Luke ngunit maging ito ay halatang wala sa sarili. Maraming estyudante ang nagsitayuan at saka tumakbo papunta sa likod ng faculty.

"Pupunta ba tayo dun?" Tanong ni Keanne

"S-sige" wika ko at saka tumayo.

Tumabi sa kin si Thalia sa paglalakad at saka hinawakan ang balikat ko. Alam kong alam niya na ang dahilan kung bakit wala ako sa sarili ay dahil dito.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon