Sa katabing upuan ni Luther ako nakaupo dahil kung sa likod ako uupo ay wala akong makakasama. Tahimik lang naman siya habang ako ay halos hindi na makaupo ng maayos.
Bakit ba kase bigla bigla nalang tumitibok ang puso ko ng ganon. Nagugustuhan ko na ba siya? Napapikit nalang ako ng mariin at napailing.
"Para kang tanga" -Luther
"Eh? A-ano bang paki alam mo" kinakabahang saad ko at napaiwas ng tingin. Narinig ko naman siyang natawa ng bahagya kaya ayun na naman ang bilis na pagtibok ng puso ko. Abnormal na puso to.
Ilang minto lang ang nakalilipas ng pumasok na si Ma'am Felly. Nagsiayos naman kami ng upo at nakinig sa kanya. Una niyang pinaliwanag ang tungkol sa announcement sa gym kanina. Medyo kelangan palang magmadali kase kakapusin kami sa araw kung sa susunod pa kami mag uusap.
Pagkatapos ipaliwanag ni Ma'am ang iba ay dumako na siya sa mahalaga niyang announcement, ang tungkol sa participation ng bawat section sa gaganaping program.
Sinabi niya na para magparticipate ang lahat ay ito ang magifing performance task namin. Una niyang tinanong kung sino ang gustong mag participate sa pagsayaw kaya naman ang ilan kong kaklase ay nagsitaasan ng kamay.
"Dalawa lang naman ang pagpipiliin niyo Class. Its either you sing or dance. Since nagtaas na ng kamay ang ilang may gusto ng sayaw ang mga natira ay ang siyang kakanta?" Tanong sa amin ni Ma'am at nagsitanguan kaming natira.
Ang mga binabalak na kumanta ay pinaupo muna ni Ma'am sa harapan. Iniusog naman ang mga upuan sa gilid para malaki ang space ng mga sasayaw sa gitna.
Binigyan naman kami ng 30 minuto ni Ma'am Felly para makapag practice sa kung anong isasayaw or kakantahin namin. Nag isip lang ako ng pwede kong kantahin at dina nag abala pang mag practice. Siguradi naman akong Hindi naman ako mapipili kaya inabala ko nalang ang sariling panoorin ang iilang kaklaseng nag eensayo.
Matapos ang pag practice ay tinawag ni Ma'am isa isa ang mga kaklase ko para mag perform niya. Invididual ang performance ng lahat. Sa pagsayaw ay pipili lng si Maam ng lima at sa pagkanta naman ay dalawa tas bahala na ang ilang mga kaklase kung ano i pe perform namin. Kanta or sayaw.
Hindi ko maiwasang mamangha sa mga kaklase ko. Mayroong lalaki na sumayaw pero mas malambot pa ang kanyang katawan sa naunang mga babae na nag perform. May iilan ddin namang kumanta at hindi ko maiwasang humanga sa kanila.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo para kunin ang bag ko. Nakaramdam kasi ako ng gutom kaya kumain muna ako ng sandwich. Buti nalang at may natira kanina. Habang kumakain naman ako ay tinawag na ang pangalan ni Luther.
Buti nalang at kumakain ako, hindi ako masyado naiilang habang pinapanood siya. Nag umpisa na ang music ng kakantahin niya at kung di ako nag kakamali ay "You'll be safe here" ang kinanta niya.
[Suggested song: You'll be safe here// Rivermaya]
Nobody knows Just why we're here
Could it be fate or random circumstance
At the right place, At the right time
Two roads intertwineMarahang kinanta ni Luther ang pang unang liriko ng kanta at sobrang sarap pakinggan ng boses niya. Dinadama niya ang ganda ng kanta at bahagyang nakapikit.
And if the Universe conspired
To meld our lives, To make us, fuel and fire
Then know where ever you will be
So too shall I be...Wala kang maririnig na ano mang ingay sa room maliban lang sa pagkanta ni Luther. Tutok na tutok din kase sa kanya ang mga kaklase ko at si Ma'am Felly.
Close your eyes
Dry your tears
'Cause when nothing
Seems clear
You'll be safe hereFrom the sheer weight
Of your doubts and fears
Weary heart
You'll be safe here
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.