Maaga akong nagising dahil hindi naman talaga ako makatulog ng maayos sa kaiisip ng maaring mangyari. Kung sino ba talaga ang tunay na kalaban. Pati ang sinabi ni Jones bago siya mamatay na isang babae ang pumapatay, ang kapangyarihan nitong hindi nalalayo sa mga sirena pati ang paraan ng pagpatay niya na walang pinagkaiba sa paraan ng pagpatay naming mga sirena.
Bumangon ako at naglibot libot muna sa sa kaharian, matagal nading panahon na hindi ako naka punta rito. Mula sa aking kwarto hanggang sa pasilyo ay hindi ko pinalagpas. Isa isang nagsiyukuan ang mga tagapagsilbi ng makita nila akong naglilibot sa pasikyo.
May mga Kawal ring sumunod sa paglilibot ko ngunit pina alis ko naman sila dahil hindi magiging sulit ang paglilibot ko kapagka may nakabuntot sa akin.Tahimik kong pinagmasdan ang mga nilalang na may kanya kanyang gawain, maaga pa pero nag uumpisa na silang magtrabaho.
Nang mapagod ako sa paglilibot ay Pumunta na ako sa Centro, kung saan makikita sina Ama at Ina. Nakaupo sila sa kanilang trono habang nakangiting pinagmamasdan ang aming nasasakupan, mabait at isang mabuting Hari ang aking Ama, hindi nito kailanman inalipusta sinuman sa aming nasasakupan maliban na lamang kung ikaw ay may matinding kasalanan at kinakailangang hatulan ng kamatayan.
Nakangiti akong lumapit sa kanila saka humalik sa kanilang pisngi.
"Magandang umaga ho Ama, Ina" bati ko sa kanila
"Magandang umaga anak" magkapanabay nilang bati
"Ang aga mo yatang nagising? Hindi kaba nakatulog ng maayos?" tanong sa akin ni Inahabang hinahaplos ang buhok ko
"Hindi ho kase ako mapakali" pag amin ko
"Chelsea anak, huwag mo na masyadong isipin iyon ang kailangan mong isipin ay makapag pahinga. Ilang taon ka ng naninirahan sa lupa, malaking bahagi ng kapangyarihan mo ang nabawas" nag aalala niyang sambit
"Kaya ko ho ang sarili ko, huwag na po kayo masyadong mag alala" nakangiti kong sabi
Ilang minuto pa akong nanatili sa trono ng marinig ko ang pagbukas ng malaking pintuan, kasunod niyon ay ang pagpasok ng mga kawal at ng isang binata.
"Magandang umaga Mahal na Hari, Mahal na Reyna at sayo Mahal na Prinsesa" pagbati nito sa isang malalim na boses.
Sabay sabay silang nagsiyukuan. Nang isininyas ng aking Ama ang kanyang kamay tanda na maaari na silang tumayo ay ginawa naman nila.
"Akin hong nabalitaan na nais ng Prinsesa na pumunta sa pinakailaliman, kung saan naroon ang bihag. Inimbitahan ho ninyo akong samahan sila patungo roon" magalang niyang sambit, kung ganon ay siya pala ang sinasabing Ian ni Ama kahapon. Ang akala ko kase ay isa itong may edad na lalaki nagkamali pala ako.
"Tama ka, nais ng aking anak na kausapin ang bihag kasama ang guardian nitong si Thalia upang masiguro kung sino ngaba ito. At nais kong ikaw ang kasama nila aa paglalakbay na iyon" buong wika ng aking Ama
"Ikinagagalak ko ho at tinaganggap ang iyong alok Mahal na Hari" sagot naman ni Ian saka yumukod.
Nagsialisan naman ang kanyang mga kawal na kasama at siya naman ay pumunta sa gilid at prenteng tumayo. Hinanap ng mga mata ko si Thalia ngunit hindi ko ito makita kayat bumalik ako sa pagkakaupo.
Inilibang ko na lamang ang aking sarili ko sa pagtingin ng mga nagagandahang kulay ng mga isda, sa tuwing ikukumpas ko ang mga kamay ko ay lumalapit sila sa akin kaya napapangiti ako. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pares ng mga mata na nakatingin sa akin. Lumingon ako rito at nakita ko ang pagkagulat sa ekspresyon ni Ian kaya dali dali nitong inalis ang kanyang paningin. Oo nga pala, isang kapangahasan ang tingnan ng diretso ang isang katulad ko na nabibilang sa Royal Family.
BINABASA MO ANG
Last Kiss (Completed)
FantasyPag-ibig Pamilya Kaibigan Kakampi Kaaway Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo? Sino ang pipiliin mo? Pag ibig na ipinagbabawal ng magkaibang mundo, Sirena at Tao? Kamatayan lamang ang kahahantungan niyo.