Chapter 4

161 101 42
                                    

Sabay kaming nag lunch ni Luther dahil hindi padin dumadating sina Thalia. Tahimik lang kami habang kumakain at hindi din naman ako pineste ni Jones.

Nang mag alas tres ay saka lang dumating sina Thalia at Lorraine sinabi din nila na hindi nila kasama si Keanne dahil magkahiwalay ang practice nila. Nagpaalam na ang guro namin kaya ay pwede ko na silang tanungin kong saan sila nanggaling at kung ano ang ginawa nila.

"Thalia" wika ko

"Chelsea pasensiya na hindi na ako nakabalik nung Snack inutusan kasi kami na tawagin ang lahat na miyembro ng Music Club" -Thalia

"Ok lang, teka ano bang meron bat may practice kayo?" Takang tanong ko

"Hindi ko din alam pero tungkol yata yun sa welcome party? Program siya i-wewelcome daw yung Principal tas yung isang exchange student galing sa kabilang University" -Lorraine

"Eh si Keanne? Mag babasketball din ba sila sa welcome party nayan?" Natatawa kong tanong

"HAHAHA hindi ah tinawag lang talaga siya nung coach kanina" -Lorraine

"Eh kamusta naman kayo ni Luther kanina?" Nakangising saad ni Lorraine at siniko pa si Thalia. Mga baliw

"Nagsabay lang kami ng snack at lunch tas wala na maka kamusta ka naman parang antagal nating di nagkita,tss"

"Oh? Pinansin kana niya?" -Thalia

"Oo ewan ko jan malakas ang sapak sa katawan"

Hindi na nasundan ang pag uusap namin dahil pumasok na ang guro. Nag discuss lang siya at sinabi din niya ang tungkol dun sa welcome program na gaganapin. Biglaan nga kaya masyadong busy ang ibang Club na kasali sa gagawing program buti nalang at sa environmental club ako sasali.

Discuss

Discuss

Discuss

Pagkatapos ng klase ay tama nga si Luther nagpaalam na sina Lorraine at Thalia na may practice sila kaya kami nalang ni Luther ang natira. Kagaya ng napag usapan ay pumunta kami ng SSC Office para magpalista na sasali sa Environmental Club.

Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway, nauuna siyang maglakad saakin at dahil wala akong magawa ay inaapakan ko ang kanyang anino kaya di ko napansin na nakatigil na pala siya sa paglalakad kaya nauntog ako sa likod ng balikat niya. Napangiwi nalang ako

"Anong ginagawa mo?" Nakakunot noo niyang tanong at hinarap ako

"Naglalaro?" Nakangiwi kong sagot

Napailing nalang siya at saka hinawakan ang wrist ko para magpantay ang lakad namin.  Halos hindi ako makahinga at ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko hindi ko alam pero parang ayoko din namang bawiin kaya hinayaan ko nalang.

Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa harapan ng SSC Office. Pagkatapos kumatok ay pumasok na kami sa loob. Narinig ko naman ang pagsipol ng ibang miyembro habang nakatingin sa amin ni Luther, saka ko lang napagtanto na nakahawak padin pala si Luther sa Wrist ko kaya naman dahan dahan ko itong tinanggal, mabuti nalang at hindi masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak dito.

Pagkatapos namin magpalista ay napagdesisyunan naming puntahan sina Thalia at Lorraine para sa kanilang practice. Naabutan naming umiinom ng tubig sina Thalia siguro ay kaka pahinga palang nila palihim ko namang ginamit ang kapangyarihan ko na kontrolin ang tubig unti unti ko itong pinapagalaw at binitawan sa sahig kaya naman inaasahan ko ng titingin siya sakin. Palihim nalang akong natawa, tss.

"Chelsssss" sigaw ni Lorraine saka tumakbo palapit sakin

"Ingaayyyy"

"Hmp. Bat dito niyo naisipan mag date?" Tanong niya ng may nakakalokong ngiti sa labi at siniko siko pa si Luther, Baliw

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon