Chapter 28

31 11 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw, nakakausap at nakakasama na rin namin si Lorraine. Tulad ngayon, dahil sabado naisipan naming pumunta ng Mall, si Lorraine talaga ang naunang nagyaya.

Kanina pa kami naglilibot hanggang sa pumasok kami sa isang gift shop. 'Anong gagawin namin dito' sa isip isip ko.

"Thal, Chels, mag hiwalay muna tayo para makapaghanap nadin kayo ng gift niyo" sabi ni Lorraine na ikinakunot ng noo ko

"P-para san?" takang tanong ko

Tiningnan naman nila ako ng isang di makapaniwalang tingin, pero tinaasan ko lang sila ng Kilay.

"Tss. Ako nga itong broken pero ikaw ang wala sa sarili. Nag sashabu kaba?" medyo napalakas yata ang pagkasabi ni Lorraine ng huling salita kaya napatingin sa amin ang mga sales lady at ang iba pang bumibili.

"Hehe charrr" pekeng tawa ni Lorraine

"Ano sabing meron? Bakit bibili ng gift?" pag uulit ko.

"Birthday ni Luther sa Friday" si Thalia na ang sumagot.

"Ah ok- Birthday ni Lutheerr?!!" gulat kong sabi kaya naman sinamaan nila ako ng tingin bago sinagot.

"Oo nga" sabay nilang sabi.

Nauna ng nagpa alam si Lorraine kaya naiwan kami ni Thalia rito.

"Ah Thalia dun muna ako" sabi ko sabay alis.

Nauna akong pumunta sa Men's perfume pero mukhang wala naman akong magustuhan rito kaya umalis na rin ako. Sunod ay nag punta ako sa Men's watch pero katulad lang din ng sa perfume ay wala akong magustuhan. Kainis naman! Bakit pa kasi kailangang mamili ng regalo. Sa kaharian namin ay ilang salo salo lang wala na.

Nag tingin tingin pa ako sa iba ng biglang mahagip ng mata ko ang isang kwintas. Tiningnan ko ito ng maigi at napangiti ako. Mukhang ito nalang ang bibilhin ko.

"Hi Ms. Bili na po kayo meron po kaming 20% off sa bawat kwintas na bibilhin niyo" pagbungad sakin ng isang Babae na nasa Counter ng Men's Jewelry.

"Hi ah pwede bang matingnan yun?" Nakangiti kong sabi saka itinuro ang kwintas na gusto kong bilhin.

"Eto po" sabay abot sa akin ng kwintas.

"Bagong dating lang po yan Ma'am at yan po ang medyo mahal sa mga bagong dumating. Yung pendant po kasi niya ay unique, mahilig po ba kayo sa mga sirena?" tanong nung babae habang nakahawak sa pendant ng kwintas, tumango ako saka ngumiti

"Sakto ma'am kasi po yung may ari po kase ng stall na to yung gumagawa at nag aangkla ng alahas, tapos ito lang ang nag iisang kwintas na siya mismo ang gumawa. Ang sabi niya ay nananaginip raw kasi siya ng tungkol sa mga sirena. Kaya sinubukan niyang gumawa ng pendant na sirena" nakangiti niyang paliwanag, nakaramdam ako ng kung ano sa sarili ko.

"Pwede ko bang malaman kung sino ang may ari ng stall?" marahan kong tanong

"Si Mr. Randy Salazar po" sagot niya na ikinagulat ko.

~~~

Pagkatapos naming mamili ay napag desisyunan naming kumain muna bago umuwi ng dorm. Ngunit bago paman kami maka pasok sa loob ng isang Restaurant ay napatigil kami ng makita namin ang isang pamilyar na lalaki.

"Chels a-ang kuya mo" -Lorraine

Sinundan ko ng tingin si Luke habang nakatalikod ito at parang may kausap ngunit hindi makita dahil sa marami naring tao ang dumadaan kaya hinayaan ko nalang.

Gustuhin ko man sanang sundan siya pero parang may nagsasabi sa akin na baka magkaroon ng problema lalo na at kasama namin si Lorraine.

Napabuntong hininga nalang akong nag iwas ng tingin saka inaya sina Lorraine at Thalia sa loob para kumain.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon