Chapter 3

164 105 59
                                    

Kasalukuyan kaming papunta sa Canteen para doon mag almusal. Pag uwi ko kagabi ay naabutan kong mag isa si Lorraine sa Dorm at nagulat pa siyang makita ako doon. Sunod na dumating ay si Thalia kaya masayang masaya si Lorraine dahil kami ang naging kasama niya sa dorm.

Dala ng pag iisip ay di ko napansing nasa table na kami. Nagpaiwan ako sa mesa dahil ang sabi ni Thalia ay siya na ang mag oorder ng para sa akin. Nakatitig lang ako sa labas mesa ng may naramdaman akong may naka titig sa akin. Pasimple naman akong napapikit at ginamit ang kapangayrihan kaya narinig ko ang bulungan ng isang grupo sa isang mesa. Ang boses na iyon, ako ang pinag uusapan nila. Kinalma ko muna ang sarili ko para magbalik sa dati ang kulay ng mga mata ko. Pagka angat ko ng tingin ay tumingin ako sa likod at nakita ko si Jones na nakangiting nakatitig sa akin, nang maglapat ang aming paningin ay walang alinlangan niya akong kinindatan na naging dahilan ng pag tingin sa akin ng iilang estyudanteng nakakita ng kanyang ginawa. Tiningnan ko naman siya ng masama at saka siya inirapan.

"Ang aga aga ay nananaray hindi naman masama ang gising mo eh no?" Bungad sakin ni Lorraine andito na pala sila sa mesa at hindi ko manlang napansin.

"Thal, anong inorder mo?" pag iiba ko ng usapan kaya napangisi nalang si Lorraine na inirapan ko lang.

"Sandwich at Kape lang ang sayo alam kong hindi mo gusto ang ulam na tinda nila" nakangiting inabot sa akin ni Thalia ang pagkaing binili at naupo na din sila.

Maya maya lang ay naramdaman ko ang pagtayo ng grupo nina Jones sa kanilang mesa at nararamdaman ko ang kanilang presensiya na papunta sa gawi namin.

Bago paman niya mahila ang upuang katabi ko ay may naupo na dito at nakita ko si Luther na kadadating lang at seryoso ang mukha nitong hinarap si Jones na ngayon ay nakangisi.

"Hanap ka nalang ng ibang upuan dre yung malayo sana samin" saad ni Luther at saka humigop sa kape ko(>_<).

"Tss. Chelsea pwede ka ba mamaya? Aayain sana kitang kumain mag lunch" nakangiti nitong sabi kaya nasa amin na naman ang atensiyon ng mga estyudante. Inis akong napabuntong hininga at tiningnan siya ng masama.

"Pwede ba? Ayoko ng may lumalapit sakin na hindi ko kaibigan. At wala akong oras sa trip mo kaya kung ako sayo iba nalang ang yaya yain ko dahil nag sasayang ka lang ng oras kung ako ang kausap mo" saad ko saka siya inirapan. Narinig ko naman ang pag singhap ng ilan niyang kagrupo at pati ni Lorraine na napa 'ohh'.

Pagka alis nila ay saka ko lang naisip ang ginawa ni Luther na pag inom sa kape ko kaya hinila ko ang kanyang patilya. Natawa naman sila Lorraine at Thalia sa ginawa ko.

"Aray! Anuba" saad  niya habang himas himas ang anit niyang namumula.

"Para yan sa pagnanakaw ng kape ko" saad ko at akmang hihilahin ko uli ang kanyang patilya ng pigilan ako ni Keanne na nasa likod ko pala habang tawa ng tawa.

"Kawawa naman tumakbo ngayan kanina dito ng makita niyang pupuntahan ka nung Vice President ng SSC HAHAHA" tumakbo?

"Anong ngapala ang nakain nung Jones nayun at inaya ka niyang makipag date?" Tanong ni Lorraine ng may nakakaasar na tingin kaya tinarayan ko siya.

"Anong pake ko dun? Tsaka anong date ang pinagsasabi mo eh ang sabi niya mag la lunch lang tss" saad ko at humigop ng kape.

"Ganda kaseee" dugtong pa ni Keanne na ikinailing ko nalang.

"Maganda naman talaga si Chelsea, hindi pa yan nakaka pag ayos pano nalang kaya pag naka pag ayos na siya" dugtong din ng magaling na si Thalia habang inilalagay ang hibla ng buhok ko sa aking tenga.

"Isa pang pang aassar at tataob ang mesa nato" naka kunot noo kong sabi at tiningnan sila isa isa.

Nahinto naman ang pang aasar nila pero nanatili ang mga nakakalokong ngiti sa kanilang mukha. Nang matapos naming kumain ay sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng room ngunit kapansin pansin na nauunang maglakad si Luther sa amin kaya hindi ko maiwasang mag isip kung anong nangyari sa kanya.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon