Chapter 18

63 38 13
                                    

Patuloy lang ang ginawa niyang pagsigaw ngunit nakakapagtakang wala manlang nagtangkang lumabas sa kanya kanya nilang dorm sa kabila ng napakalakas na sigaw. Panay takbo lang ginawa namin ni Thalia, hindi na inalintana ang ang prisensiya ni Kuya Crimson kanina.

Nakarating kami Sa loob ng gym at doon namin nakita ang isang lalaking nakahandusay sa sahig, habang naliligo sa sariling dugo. Hinanap ko ang taong inaasahan kong gumawa nito at nakita ko naman itong prenteng nakaupo sa bintana ng gym mukhang inaasahan niya ang pagdating namin.

Hindi na ako nagdalawang isip at saka pinaulanan ito ng mga tubig, hindi iyon pangkaraniwang tubig dahil parang apoy rin iyon. Saka ko inangat ang sarili ko upang mapalapit sa kanya. Kinontrol ko ang hangin sa paligid at inihagis ko iyon sa kanyang direksiyon na naging dahilan ng pagbagsak niya sa sahig. Lalapitan ko na sana ito dahil mukha siyang napuruhan ngunit ganon nalang ang pag init ng dugo ko ng makitang isang decoy lamang ito. Sumigaw ako ng ubod ng lakas na naging dahilan ng biglaang pagbubos ng ulan at ang nakakatakot na kulog at kidlat.

Dinaluhan ko naman si Thalia na pilit ginagamot ang natamong sugat ni Jones. Hindi ito mapakali at puros pawis na ang kanyang mukha. Kinakabahan ako sa katotohanang baka hindi na nito mailigtas si Jones. Nanginginig ang mga kamay niya habang nilalabanan amg sakit na nararamdaman niya dulot ng pagpapalabas ng kanyang enerhiya.

"Thalia, ako na" sabi ko pero tiningnan niya lang ako ng nagpapaumanhing tingin.

"Inuutusan kita Thalia, hayaan mong ako ang gumamot sa kanya" mariin kong sabi kaya naman wala siyang nagawa kundi ang lumayo ng kaunti upang makaupo ako.

"N-nararamdaman kong, h-hindi na siya m-magtatagal prinsesa. Hindi ko na maramdaman ang pulso niya" kinakabahang sabi ni Thalia habang nakayuko sa akin.

Sa kabila ng sinabi niya sinubukan ko paring gamutin si Jones, hindi siya pwedeng mamatay. Iyon lang ang tanging laman ng isip ko habang ginagamot siya. Kahit nanghihina ay patuloy parin ako sa pag gagamot, ang ilang sugat niya ay gumaling na pero ang mga malalalim niyang sugat ang siyang hindi ko pa tapos gamutin. Nanlalabo na ang paningin ko pero pilit parin akong kumalma.

Huminga ako ng malalim at saka inilabas ang lahat ng enerhiya ko sa katawan. Kasabay ng paglabas ng nakakasilaw na liwanag sa kamay ko ay ang paggaling ng ilang malalalim sugat ni Jones, kahit namumungay na ang mga ko ay sinulyapan ko parin siya.

Kahit nahihirapan siya ay inalis niya ang kamay kong nakapatong sa puso niya kasabay ng pag ngiti sa akin. At kahit nahihirapan siyang magsalita ay pinilit niya paring magsalita.

"I-is-isang b-ba-babae. S-si L-lu-Luther A-ang is-isu sun-sunod nila. A-lam k-kong s-sirena k-kayo at n-na nakita k-ko an-ang m-mukha ni-niya k-kaya n-nais n-niyang pa-patayin ak-" hindi na naituloy ni Jones ang sasabihin ng magsuka ito ng dugo.

Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, ang huli kong nakita ay ang nahihirapan ngunit nakangiting wika ni Jones bago ito binawian ng buhay. Kasabay nang pagpikit niya ay umalingawngaw ang isang boses sa loob ng gym.

Siyang maraming nalalaman ang aking hahatulan ng kamatayan,
Siyang walang alam ang aking gagamitin para sa iyong kahinaan.

Sinundan pa iyon ng matinding kulog, at ramdam kong wala na akong lakas. Sinubukan kong iligtas si Jones ngunit hindi ako nagtagumpay, pakiramdam ko ay ako ang pumatay sa kanya.

Sinubukan kong tumayo ngunit  nawalan na ako ng malay.

~~~

Nagising ako ng sobrang sakit ang katawan, nakakaramdam parin ako ng pagod, halos maubos na ang enerhiya ko kagabi dahil sa nangyari at hindi ko pa nababawi iyon. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Thalia pagkatapos kong mahimatay sa gym kagabi.

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon