Chapter 32

33 7 0
                                    

Ngayon na ang JS Prom kaya abala ang lahat sa paghahanda para mamayang gabi. Maging si Lorraine ay kanina pa gumising para mag Beauty Care raw eh mula pa noong Lunes ay ganyan na ginagawa niya, tss.

Mabigat ang pakiramdam ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. Nakahanda na ang damit na susuotin ko mamaya, pati ang kina Lorraine at Thalia ay naka sabit narin sa kanya kanya naming Cabinet.

"Chels, ayos kalang?" nag aalalang tanong ni Thalia, nagpilit naman ako ng ngiti.

"H-hindi ko alam.. Kinakabahan ako sa mangyayari." kunot noo kong pagsagot sa kanya.

Marahan naman siyang naupo sa tabi ko saka paulit ulit na hinaplos ang buhok ko.

"Magiging maayos ang lahat" nakangiti nitong sabi at sandaling gumaan ang pakiramdam ko.

"Hooyy ano yannn?! moment niyo lang? Saliiiii" saka siya tumalon sa amin ni Thalia at sa sandaling yun ay tuluyan ng nawala ang kabang naramdaman ko at napalitan iyon ng sigla at tuwa dahil sa kaibigan ko.

Nang mag alas diyes na ay tumawag si Keanne kay Lorraine at nag aya na lumabas, para daw huwag naman kaming ma hassle sa pag p-prepare mamaya. Mula nung bumalik kami ni Thalia noong Lunes ay sunod sunod ang paglabas namin. Kahapon nga ay sinubukan naming sumakay sa jeep at laking gulat ko ng magbilang sa akin sina Lorraine ng 1,2,3. Pagkatapos nun ay kumaripas sila ng takbo at naiwan kami ni Thalia sa Jeep.

Kahit nagtataka ay tumakbo narin kami ni Thalia, hindi hamak na mas mabilis pa ang pagtakbo namin kumpara sa takbo ng konduktor kung kaya ay hindi kami naabutan. Nakita namin sina Keanne, Luther at Lorraine na nakasandal sa isang pader habang tumatawa at hapong hapo. Kahit masama ay natawa nalang din kami ni Thalia, dinadamay kami sa kabaliwan eh.

At nang marinig ko na nag aya na naman si Keanne ay binalingan ko kaagad si Thalia, baka kase mangyari na naman ang nangyari kahapon, mahirap na.

"Guyyysss hindi na promise" bungad sa amin ni Keanne ng makarating kami sa Tambayan.

"Siguraduhin niyo lang! wala kaming kaalam alam sa pinanggagawa niyo" inis na saad ni Thalia.

"Ok ok chiill Thal" natatawang pagsuko ni Keanne sa kanya.

"Anong gagawin?" bored na tanong ni Lorraine.

"Wait..." saad ni Keanne saka kinuha ang cellohone sa bulsa.

"Eto eto.. Nakita ko lang to sa internet kanina eh HAHAHA naisip ko lang na gawin natin" pag uumpisa niya

"Bilisan mo nga! May pa intro pa" kahit kailan ay maiksi ang pasensiya ni Luther, tss.

"Bwsit! Eto nga! SO HABANG NAKAPABILOG TAYONG LIMA MAY ISA SA ATIN NA MAGSASABI NG SENTENCE. KAHIT MAHABA O MAIKSI BASTA SENTENCE! HALIMBAWA ANG SENTENCE NA SINABI KO AY "NAKAKAPUTANGINA SI LUTHER" SO IBIBILANG NATIN YUN BAWAT SYLLABLES SO YUNG SENTENCE NA SINABI KO AY 10 SYLLABLES SO SA ATING LIMA MAG UUMPISA SA AKIN ANG PAGBILANG DAHIL AKO ANG NAGBIGAY NG SENTENCE IBIBILANG YUN PALIBOT SA ATIN AT KUNG KANINO TATAPAT ANG NUMBER AY MAY AAMININ NA ISANG FACTS ABOUT SA KANYA! KUNG NAINTINDIHAN NIYO AY MABUTI KUNG HINDI AY WALA AKONG PAKE" malakas na sabi ni Keanne at napangiwi kaming Apat, nakatanggap rin siya ng isang malakas na suntok galing kay Luther dahil siguro sa sentence na ginawa nito, bwisit.

"Sige sige gets ko, start na"

Saka kami nagpabilog.

"Isang beses lang pwede magbigay ng sentence mga depunggal" nakangising sabi ni Lorraine

"Ako muna magbibigay" -Lorraine

"Si Luther ay mas Torpe pa kay Keanne" sabi nito at sinundan iyon ng tawa, maging kami ay natawa rin. Anong klaseng sentence yan HAHAHA.

"Ok 11 bilang na" sigaw ni Luther at saka nagbilang, tumapat kay Keanne.

"Facts about sakin? ahh Takot ako sa malaking gagamba" sabi nito natawa sina Luther at Thalia sa kanya.

"Kahit yata sa maliit dre takot ka HAHAHHA" tawa ni Luther kaya sumama ang mukha ni Keanne

"Pakyu!" sigaw nito.

"Tss, ako na susunod. Si Keanne ay dalawang beses ng umihi sa kama" seryosong sabi ni Luther.

Sandaling katahimikan ang nangyari saka kami bumulanghit sa kakatawa, HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA. habang si Keanne ay halos mamula na sa kahihiyan, Si Lorraine ay halos mahiga na sa lupa sa sobrang pagtawa at kami ni Thalia na naghahampasan pa habang tumatawa.

"T-teka *pffttt* HAHAHA wait. Kalma self. ilang syllables? HHAHAHA 16 Syllables *pshh*" natatawang pagbilang ni Lorraine at tumapat iyon kay Thalia.

"Hmmm... 12 ako nung nagka first kiss ako" saad nito at parang inaalala pa ang eksena noon, gulat akong napatingin sa kanya.

"Seryosoo? sinoo?" mangha kong tanong

"S-si Ian.. Pero aksidente lang yun tss" sabi niya at napaiwas ng tingin.

"Luh aksidente daw HAHAHAH ano yun nadampian lang ng labi ang labi mo pero hindi sinasadya nyenye" pang aasar ni Lorraine

"Tumahimik ka kung ayaw mong lunurin kita" inis na sabi sa kanya ni Thalia kaya maski kami ay natawa.

"Ako na susunod, Nakita kong hinalikan ni Luther si Chelsea noong Lunes sa likod ng gym" ngisi ni Keanne at ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.

"Kyyaaaaahhhhhhh"
"Waahhhhh yiiieeeeee"

At ayun na nga kanya kanyang pang aasar ang inabot namin, bwisit na Keanne to.

"Wuusshhuuu kaya pala umalisss sksksks" ani Lorraine habang sinusundot ang tagiliran ko. Letse!

"23 words at tumapat sayo Chels HAHAHHA" Natatawang sabi ni Thalia.

"Takot ako sa paro paro, sa malalaking paro paro" nagulat naman sila sa naging sagot ko.

"Seryosooo? ang ganda kaya nilaa" -Lorraine

"Wala naman akong sinabi na pangit sila, ang sabi ko ay natatakot ako sa paro paro tss" sabi ko saka inirapan siya.

"Whoaahh Okay.. astig nun ah. Akala ko ay malapit ka sa kanila" takang tanong ni Keanne

"Eh sa takot nga eh" sabi ko uli at natawa sila habang sumusuko.

"Wala akong sentence. Mga letse kayo"
kunot noo kong sabi.

"Kaya nga sabihin niyo na mga facts aa sarili niyo anong oras nadin naman oh nang maka lunch na" -Keanne

"Sige ako muna, Hindi ako kumakain ng Bawang, sa kahit anong luto" -Lorraine

"Sakin naman, hindi ako makakatulog kapagka malayo ako sa bintana. Mapa kwarto or sasakyan man" -Luther

Nag usap pa kami sa mga plano namin mamaya bago kami nag desisyon na kumain ng lunch.

****
AN: Maikli ang UD ko dahil yung next ay medyo mahaba na HAHAHA malapit na ang ending hihi

-Ulaannn

Last Kiss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon