PART TWO
"Anak, sabihin mo nga sa kuya mo na-"
"Mom, I'm busy. Kayo nalang po magsabi sakanya. Sorry po." Mabilis ko siyang sinagot agad bago pa niya matapos yung sasabihin niya.
Kinakabahan na naman ako. Palagi nalang ganito kapag may gustong ipasabi ang parents namin sa kapatid ko, umiiwas ako.
Madalas kapag kakain kame, hindi namen kasabay si kuya or minsan ako na yung umiiwas.
Umiiwas ako kase hindi ako makahinga ng ayos kapag malapit siya saken. Sobrang lakas parati ng tibok ng puso ko kapag nandyan siya.
After kong uminom ng tubig, iniangat ko ang aking reading glass at humarap sa parents ko para mag paalam na mauuna na akong umalis para makapag aral. "Mom, Dad, pwede na po ba akong umakyat sa kwarto? Andame ko pa po kaseng tatapusin po."
"Sofia." Baritonong boses ni daddy ang nagpigil sakeng maglakad.
Humarap ako. "Po?"
He looks so serious. "May problema ba kayo ng kuya mo? Hindi ko na kase kayo nakikitang nagkakasama, hindi gaya noon na hindi kayo mapaghiwalay." Nakangiti niyang tanong.
There's sting pain I felt from that question. Naitago ko sa likod ang aking mga kamay para pisilin ito ng malakas. Ayokong umiyak sa harap ng magulang ko. Ayokong malaman nilang may ganitong nagaganap sa mga anak nila.
"Wala naman pong problema. Pareho lang po talagang busy kame pareho po. Graduating na si kuya tapos first year college na po ako, so sobrang hassle po ng schedule namin." Nakangiti kong pagdadahilan.
"Oh, okay. Basta kapag may problema kayo ay ipagpasabi niyo agad sa amin okay? Goodnight baby. Study well."
Nakahinga ako ng maluwag. Nakangiti akong lumapit sakanilang dalawa at yumakap mula sa likod nila pareho, habang nakaupo pa rin sila.
"I love you dad, mom." I silently said, enough for them to hear.
After ko silang ikiss pareho sa sintido ay nagmadali nakong umakyat ng kwarto.
Papihit nako sa aking kwarto ng natigilan ako at wala sa sariling tumalikod at sumandal sa aking pinto.
Nakipagtitigan ako sa nakasaradong pinto na nasa harap ko.
Andyan kaya siya? Silipin ko kaya?
Ah nevermind. Wala pala yung kotse niya sa labas so definitely, wala siya dyan.
Bigla akong kinabahan sa naisip ko.
Pwede kayang pumasok? Sisilipin ko lang kung ganon pa rin ba ayos ng kwarto niya.
Ilang babae na kaya naikama nya don? More than ten? Hundred? Can't remember tsk.
Napairap nalang ako sa kawalan. "Fuck boy hmp. Sarap mo sakalin." Dinuro duro ko pa yung pinto niya. "Next time na makita kong may babae ka pa diyang dinala, puputulin ko yang pototoy-"
The door opened. Nagkatinginan kame ni kuya, sumama ang tingin niya ng makitang nakaduro pako sakanya. Nanlake ang mga mata ko at mabilis na tumalikod, nagmadaling buksan ang pinto tapos malakas na sinarado.
"Shit." Malakas kong hinawakan ang part ng dibdib kong ang lakas ng tibok. Napadausdus pako sa pinto ko dahil sa panlalambot.
Hinampas hampas ko pa ang ulo ko sa sobrang kabobohan.
Paanong naandon yon? Wala ang kotse nya sa labas!
Inis kong pinag hahampas ulo ko. "Tanga tanga. Baka magalit siya lalo. Nadinig niya ba ako?"
BINABASA MO ANG
I'm Not Your Kuya
RomanceSERIES 1: NASHMIR ROA SILVESTER Sofia Lalaine Silvester is really close to her brother since birth. She really love her brother. Bata palang sila, parati na silang magkasama at wala siyang ibang kalaro kundi yung kapatid niyang lalaki. But when she...