PART TWENTY

7.2K 180 21
                                    

PART TWENTY

.

Namalayan ko nalang na may humaplos ng aking buhok sa likod. Napaigtad pa ako sa pagkakatulala.

"Are you okay?" Tanong ni Nash sakin.

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya rito sa kwarto ko, ni hindi ko man lang narinig na bumukas ang kwarto ko.

"B-bakit andito ka?" Kinakabahang napasilip ako sa pinto. "Baka makita tayo nila D-daddy."

Nadinig ko siyang bumuntong hininga saka umupo sa tabi ko. "Umalis sila. Nadinig ko iyong tunog ng kotse sa labas."

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ko iyon. Wala sa sariling napayakap ako sakaniya. "Natatakot ako."

"Ssh..." Sabi nito na hinahanaplos pa ang buhok ko. "Hindi kita papabayaan. Hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo dahil lang sa magkapatid tayo. Gagawa ako ng paraan. Just please wait, baby."

Tumango tango ako.

Pagkatapos kase ng kainan kanina, wala ng nagtangkang umimik pa. After kumain ni Nash, siya ang unang umalis sa hapag at hindi na muling lumabas ng kwarto niya. Noong nagsitayo na rin ang parents ko saka lang ako kumilos.

Feeling ko ng mga oras na iyon ay nasa impyerno ako at nililitis sa kasalanang nagawa.

Hindi man lang ako nabusog sa kinain ko, nabusog ako sa mga mapangmatang tingin mula kay Daddy.

"Tara." Napatingin ako kay Nash ng sabihin niya iyon.

"Po?" Nagtataka kong tanong.

"Labas tayo." Sagot nito na hinila pa ako patayo.

"Pero diba mas safe kung na andito lang tayo sa bahay? Baka makita lang tayo nila daddy at maghinala lalo." Kinakabahang sabi ko habang pinipigilan siyang hilain ako.

Galit itong tumingin sakin. "Wala ka bang tiwala sakin, Sophia?"

Hindi ako nakasagot.

Meron.

Mas malaki pa nga tiwala ko sayo kaysa sa sarili ko e.

"Meron. Pero kase..."

"Alright." Pagpipigil nito sa akin saka ako tuluyang hinila. Ngunit bago pa ako tuluyang nahila nito ay napigilan ko siya.

"Wait lang!" Sigaw ko.

"Ano na naman ba, Sophia?" Inis na talagang sigaw nito. "Ayaw mo ba ako makasama? Bakit yung mga itlog kong mga kaibigan kapag niyayaya ka lumabas, ang bilis mong umoo kapag ako andami mo pang dahilan?"

"Wait lang nga kase..." Inis ko rin sagot saka tiningnan ang suot ko. "Lalabas tayo ng ganito lang ang suot ko?"

Bigla naman ay nakalma ang itsura niya saka ay tiningnan ang suot ko.

I'm just wearing my short short and an oversized shirt.

"Okay na yan." Saka ako nito hinawakan sa kamay. "Maganda ka pa rin naman kahit anong suot mo."

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya dahilan para mahigit na nga ako nito ng tuluyan pasakay sakaniyang kotseng naka parada lang sa tabi ng aming bahay.

Nang pinaupo ako nito sa passenger seat ay siyang ikot naman niya para makapag drive na ito. Napansin ko pa ang kaniyang suot at siya rin ay nakapambahay lang din.

Plain white shirt with maong short.

Saan naman kaya ako dadalhin nito?

Kinakabahan ako baka makita lang kami ng aming magulang, dahil kapag nagkataon, hindi ko na masisikmura pa ang mangyayari.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon