PART TWENTY-FOUR

4.5K 171 51
                                    

PART TWENTY-FOUR

.

Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa malakas na tunog ng aking cellphone.

Hindi ko namalayan na 2pm na pala. Ganito ba kapag buntis? Parang antok na antok ka parati.

Kahit inaantok pa ay pikit-mata kong sinagot ang tawag sa aking cellphone, hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumatawag. Basta ko nalang itong sinagot.

"Hello..." Sagot ko sakabilang linya.

"Lala..." Si Justine. Hingal na hingal pa ito ng marinig ko. "You should know this news."

Napakunot noo ako. Pinilit ko ang sariling bumangon. "What?"

"Si Nash..."

Pagkakarinig ko palang sakaniyang pangalan ay nagising na ang buong diwa ko. Nawala ang antok at napalitan ito ng kaba at kuryoso.

"A-anong meron sakaniya? Na saan ba siya ngayon?" Nag aalala kong tanong.

Two weeks na kasi ang nakakalipas nang mangyari ang sagutan rito sa kwarto ko. Hindi pa rin ako gaano nakakarecover sa mga impormasyong nalaman ko tungkol sa akin at ang desisyon ko para sa relasyon naming pareho.

Simula noong alitan namin ay hindi na siya muling nagpakita pa sa akin. Salungat kay Justine na parating dumadalaw sa bahay at binabantayan ako. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan siya ng aking mga magulang. Well, it much better naman for me na andito siya kaysa sa magisa ako ritong namomoblema.

The truth is, I really miss Nash.

But for our sake, tiniis kong huwag siyang makita. Iniiyak ko nalang ang mga mamasaya naming ala-ala sa tuwing pumapasok ito sa aking isipan.

"Ahm... Okay naman siya... " Muli itong tumigil sa pagsasalita ng ilang saglit bago nagpatuloy. Nag aalinlangan pa ang tono nito ngunit nagpatuloy pa din. "Pero kasi nasa airport na si Nash ngayon... Lilipad pa US."

Napatayo ako ng hindi oras. Kinakabahan, natatakot at hindi alam ang gagawin.

"W-what?" Nanginginig ang labing tanong ko. "No... I need to go there. I-I want to see him Justine, please..." Naiiyak kong sabi sakaniya.

Kailangan ko siyang puntahan. Kailangan ko siyang makita kahit sandali lang.

Tanggap ko na namang ito yung nakatadhana para sa amin, tanggap ko na namang hindi siya para sa akin. Alam ko sa sarili kong hindi kami maaring magsama. Our relationship is against the law, so I should stop this. But of course it is not easy to forget everything. It is not easy to let go the time we share, our moments.

Gusto ko kahit isang sulyap lang, kahit isang saglit lang ay makita ko siya. Bago siya mawala sa akin ng tuluyan. I know that I will not see him anymore.

That's why I want to see him.

"I'm in my car now driving to go to your place. I will pick up you there, just wait for me, okay?" Pagpapakalma nito sa akin.

Tumango tango ako kahit hindi naman ako nito nakikita. Masyado na akong lunod sa aking damdamin.

Oo, ayoko na muling magpakita pa o kahit lumapit pa siya sa akin, ngunit huling pagkakataon na ito. Ramdam kong pagkatapos nito ay hindi na muli pa kaming magkikita.

Hindi ko na rin pa napagtuunan ng pansin ang aking cellphone, namalayan ko nalang na na-end na ang call.

Wala sa sariling napatingin ako sa aking harap, doon ay nakatitigan ko iyong teddy bear na binigay niya.

A hot fluid came out on my eyes. They subside like a river, as well as the memories of us flash on my mind quickly. I couldn't see anything, it's all blurred now.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon