PART FIVE

9.3K 259 16
                                    

PART FIVE

.

After kong kumuha ng tubig ay nagderetso na ako palabas ng kusina, bitbit ang marameng shopping bag na pinamili ko, sa kabilang kamay naman ang baso.

Papalabas na ako ng may makasalubong akong bulto ng tao sa pinto.

Pag angat ko ng tingin... si kuya.

"Tsk. Move." Galet ang tingin niya saken. Noon naman ng may galit siya kung tumingin saken, kaso parang may kakaiba ngayon.

Yung tingin niya ngayon, mas intense. Parang konteng sagi ko nalang sasakalin na niya ako.

Napalunok muna ako sa takot saka umatras para makadaan siya.

Akala ko dadaanan niya lang ako, pero hindi. Hinarangan nya ako at napaatras naman ako lalo.

"What the hell are you doing? Are you flirting with those bastards?" Ramdam ko bawat salita nya ang galit saken.

Pinaparatangan nya agad ako, e wala naman akong ginagawa sakanila.

Nagsimula na naman maginit ang gilid ng mga mata ko.

"Pwede bang wag mo ko parating iyakan? Nakakabwisit e." Mahina pero may diing sabi niya saken.

Hinarang niya pa yung isa niyang kamay sa dingding na kinasasandigan ko, dahilan para mas lalo siyang napalapit saken. Halos matapon tapon na ren yung tubig sa basong hawak ko sa sobrang panginginig.

Yung puso ko na naman nagwawala.

Napasinghot ako at pinigilang tumingin sakanya. Ayoko makita mukha niya. Natatakot akong baka puro galit at pandidiri nalang ang makita ko.

Narinig ko siyang bumuntong hininga saka inilapit pa lalo ang mukha saken. Mas lalo naman akong yumuko.

Itinaas niya pa ang kanyang kamay, kaya abot abot ang kaba ko dahil baka sampalin niya ako bigla kaya napapikit ako.

But I felt him touched my arm. Unti-unti kong inopen ang eyes ko para lang makita kung anong ginagawa niya.

Marahan niyang hinawakan ang brasong may hawak ng baso. Doon mismo sa brasong piniga nya ng bongga kanina at nagiwan ng namuong dugo at pasa. Kitang kita iyon kase maputi ako.

Nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo sa batok pababa ng haplosin niya iyo using his thumb finger.

"Sorry." Bulong niya saka siya nagmadaling lumabas.

Feeling ko matutunaw ako.

Paranga any time sasabog na ang puso sa "sorry" na yon.

Napaiyak ako ng tuluyan sa kinilos niya. Antagal kong marinig ulet yon. Sobrang tagal kong marinig ulet na concerned ka saken.

Ilang minuto ko pa munang pinakalma ang sarili. Inayos ko ang sarili ko at pinatahan, saka nagmamadaling umakyat. Hindi nako lumingon sa sala basta tumakbo nalang ako sa kwarto at nagkulong.

Umiyak ako doon at inaalala ang ginawa niya kanina.

Tears of joy to kase ngayon ko nalang ulet naramdaman na importante ako sakanya. Yung simpleng sorry niyang yon, feeling ko nawala na lahat ng galit ko. Mas lalong tumaas yung kumpyansa kong babalik kame sa dati.

Masaya akong nagtake ng shower at matapos mag half bath ay masigla kong niready ang mga gamit ko sa school.

May report pa akong tatapusin e. Dapat sa ngayon lumbay ako dahil school works na naman, but now hindi. I'm full of energy tonight. May ngiti sa mga labi kong ginagawa ang mga dapat gawin.

Pasado alas onse na ng matapos ako. Doon ko lang din nabigyan ng pansin ang paligid.

Maingay na naman sa baba. Nung una akala ko nagpaparty-party lang, pero nakarinig ako ng sigawan at murahan.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon