PART TWENTY-NINE

5.3K 201 28
                                    

PART TWENTY-NINE

.

"Lola!" Sigaw agad ng anak ko pagkababa nito sa kotse ni Justine. Nasa labas pala ang mga magulang ko.

Napansin kong may kakaiba sa ekspresyon ng mukha ng mga tumatayong magulang ko ngayon.

I don't know if it's just me or there's something fishy out there?

Animo'y kabado sila sa kung ano man iyon. Hindi ko na lamang binigyan pansin. Pagkababa namin ni Justine sa kotse, kami na mismo ang lumapit sa kanila, pagkakita sa amin ay kimi kaming nginitian ni mommy habang seryoso naman si daddy.

"Congratulation anak." Bati nito sa akin saka umambang yayakap. Inawang ko rin ang kamay ko para mayakap siya.
"Thank you po." Bulong ko naman sakaniya. Naramdaman kong nanlalamig ang kamay niya mula sa aking likod.

"Mommy? Are you okay? What's wrong?" Tanong ko agad.

"Ahm…" Nalilito itong tumingin sa akin at kay daddy. "Your brother is here. He came home to the Philippines, just this morning after you left for your graduation."

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan, para akong ginising sa isang matagal na pagtulog.

Nash is here?

Agad kong inilipat sa anak ang tingin, ngunit mas lumakas ang tibok ng puso ko na makitang wala roon sa pwesto niya kanina si Savo.

Walang pag aalinlangan kong tinakbo papasok ang bahay.

Savo...

"I hate you!" Pagpasok ko palang narinig ko na agad ang matinis na sigaw ng aking anak.

Kaharap nito ang taong sabik na sabik ko ng makita.

"Savo!" Agad itong lumingon sa akin. Galit ang itsura nitong nagmamadaling lumapit sa akin.

"M-mommy…" sabay yakap sa akin. Isiniksik nito ang mukha sa aking tiyan. Narinig ko na lang na sumisinghot at humihikbi na ang anak ko. "A-ayoko po sakaniya, mommy. He's the bad guy in the picture, I saw you holding it and you are crying. I hate whoever makes you cry."

Napakagat ako sa aking labi dahil sa narinig. Mahina lang iyon at paniguradong ako lang ang nakarinig. Nasasaktan akong makitang nasasaktan ang anak ko para sa akin.

May kung anong humaplos sa aking puso ng maisip na nakita ako ng aking anak sa aking kwarto na umiiyak. Hindi ko alam iyon pero hindi siya nagsasabi or nagtatanong. Ito iyong bagay na kinatatakutan ko sa aking anak. Masyado siyang matanda magisip sa edad niya palang na limang taong gulang.

"Ssh…" bulong ko.

Buntong hininga muna ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili bago ko binuhat ang anak. Agad nitong itinago sa leeg ko ang kaniyang mukha. Mahigpit akong niyakap.

"What happened? Bakit umiiyak yan?" Tanong ni Justine na nasa likod ko na pala. Nilingon ko siya at bigla nalang itong natulos sa kinatatayuan ng mapatingin sa harapan ang tingin.

Nakipagtitigan ito kay Nash. Agad ko naman inalis ang tingin sa taong iyon at hinarap si Justine.

"Justine, favor naman. Pasabi kay mommy kapag nandito na ay sa kwarto muna kami ni Savo. Paki asikaso naman muna ng mga bisita."

Tumango naman ito. "O-okay."

Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala na andyan si Nash. Hindi ko nalang iyon pinansin at dumeretso nako paakyat ng kwarto.

Mabigat si Savo pero di ko iyon inalintana basta makaalis lang kami sa lugar na iyon, hindi ako makahinga.

Napansin ko rin kanina na maingay sa sala. Natagpuan ko lang si Nash at Savo na nasa bungad ng pinto kaya siguro hindi sila napansin ng mga tao sa loob. May mga tumawag sa pangalan ko ng magpakita ako sa sala pero hindi ko na muna nilingon.

I'm Not Your KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon